Chapter Twenty Eight

5.9K 205 5
                                    

IVY was sitting comfortably  inside Matthew's house. She was trying to make herself busy while reviewing her schedules that has been postponed due to her situation.

Kahit anong pagbabasa niya ay hindi iyon pumapasok sa kanyang isip dahil wala siyang ibang inaalala kundi ang lagay ng kakambal niya at ni Ellis. Kahit mukha siyang kumportableng nakaupo roon ay nalulunod na siya sa pangamba at pag-aalala.

"Want to eat something?" Tanong ni Matthew sa harap niya na inilingan niya. "You need to eat, Ivy. Come on!"
Pamimilit nito.

"I'm not hungry Matt." Sagot niya. Hindi naman talaga siya nakakaramdam ng gutom sa mga oras na iyon.

"How about some coffee?" Muling alok nito na hindi na niya tinanggihan pa.

Nagpunta ito sa kusina habang naiwan siya roong naghihintay pa rin sa tawag ni Ellis.

Kamusta na kaya sila? Nahuli na kaya nila si Jason? Sana walang naging problema.

Bulong niya sa isip habang tinitingnan niya ang mga litratong naroon sa living area. Napatingin siya sa isang piraso ng papel na naka-frame. Isa iyong tula na sulat kamay. Habang binabasa niya iyon ay biglang tumunog ang kanyang suot na relo.

Nang silipin niya iyon ay isang mensahe ang ipinadala ni Ellis sa kanya.

The mission was a success, we caught him and he was now with the police. Stay there and don't come out, I'll pick you up myself after I'm done here with our meeting.

Nakahinga na siya nang maluwag dahil sa wakas ay tapos na ang problema niya. Wala nang gugulo pa sa kanya at makakabalik na siya sa trabaho.

Agad niyang tinawag si Matthew na kaagad din siyang nilapitan.

"What's the matter?" Natatarantang tanong nito, marahil ay dahil parang natataranta din ang boses niya.

"It's done. They caught him already." Masaya niyang sabi.

"Oh that's great news!" Anito at sabay mahigpit na yumakap sakanya. "Finally it's over, you can go back to work now. You have lots of pictorials to do." Natatawang sabi nito.

Natawa na din siya dahil sa sayang nararamdaman.

"Yeah, finally it's over!" Sabi niya.

"Sorry to interrupt but it is not yet over,  my dear Ivy." wika ng isang boses na nagpagulat sa kanila. "This will be over once you're dead!"

Hindi siya makapaniwala sa nakikita niya ngayon. Nakatayo roon ang isang taong may hawak na baril na nakatutok sa kanya. At walang iba, kundi si Meg na anak ni Matthew.

"M-meg, what are you doing?" Nauutal niyang salita.

"Obviously, I'm here to kill you!" Walang kabang sagot nito.

"But why?" Nagtatakang tanong niya.

"Because I can't expect the people I'm paying for to do the job. They've been trying to kill you for many times but you're such a clever girl, and not so easy to kill. You even hired a bodyguard, which makes it hard for us to locate you when he took you to a place somewhere far from here." At ngumiti pa ito na kahit kailan ay hindi niya nakita.

S.I.A.T.T. Series Book 2: The Rugged KnightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon