Chapter 1

1.9K 53 6

A/N: Wala nang prologue--prologue since wala akong maiisipang prologue haha!

• • •

Yaz's POV

Nanganganak nalang si Max, ikakasal na ang kapatid ko, nabu-busy na sa love life ang mga friends ko at heto pa'rin ako, well... single and broken pa'rin, walang pagbabago

'Haaayyy...'

"Hoy ate anong tinatanga-tanga mo diyan?!" Nagulat ako sa biglaang pag sigaw ni Naih sa mukha ko

"What the hell, Naih?!"

"what the hell--what the hell" Pabulong niyang sabi habang umiirap "Kanina pa ako tawag ng tawag sa'yo! Kain na hoy!"

Inirapan ko siya ta's tumayo at nauunang lumabas ng kwarto. Nandito parin kami sa mansyon ng mga Moon nakatira, aside from the fact na gusto namin ni Naih dito ay they also don't want us to leave since parang pamilya na ang turing namin sa isa't-isa.

Hinabol ako ni Naih at pumantay sa pag lakad ko pa ibaba sa hagdan "Oy ate andito sina Lee, Tob, Michiko, Migz and BJ"

Nakarinig ako ng malakas na halakhakan sa ibaba. Napa-ngiti naman ako "Hindi na ako magtataka"

Pagdating namin sa dining room ay kumpleto na ang mga Moon kasama sina Tob, Lee, Michiko, Migz at BJ.

"Oh! Andito na ang lola n'yong tatandang dalaga!" Biro ni BJ kaya nag tatawanan naman sila habang ngumunguso ako

"Parang hindi single ah! Bakit?! Kayo na ba ni Migz?!" Singhal ko kaya lalo naman silang tumawa

"Aba'y siyempre, teh! Princess..." Turo ni Migz sa kaniyang mukha "And the frog" Tinuro naman niya ang mukha ni BJ kaya nagtatawanan kaming lahat maliban kay BJ.

"Ew, Migz! Does that mean na umamin kang may relasyon tayo?! Yak! May taste kaya ako!"

"Hoy bakla! napaka swerte mo kaya kung ako ang jo-jowain mo! but unluckily, you will never be my type!"

"Hindi naman ako nangangarap no! Kumain na nga tayo! Andito na yung hinihintay natin!" Ani BJ. Nasasanay kami sa hindi magsimulang kumain hangga't makompleto ang lahat sa mesa -- except if hindi gumising ang tao or wala sa bahay ang isang myembro. One of the things I love about the Moons.

Nagsimula na kaming kumain ng lunch, bago pa akong ligo dahil natagalan ako sa pag-gising... siyempre, because na tutulog nanamang lasing. 9 years passed, wala paring pagbabago ang nararamdaman ko para sa kauna-unahang lalaking sinaktan ako. Galit ako, oo. Mahal ko pa'rin siya, ewan. Pero hindi na pareho sa nararamdaman ko para sa kaniya noon. Ang hindi ko makakalimutan ay ang paraan niya sa pag paramdam sa'kin kung paano ako dapat mahalin. Walang ibang lalake ang nakakapag-paramdam sa akin nang ganoon kaya ang hirap talagang kalimutan siya...

Ayokong balikan ang nakaraan natin, Denbrei. I just want to feel the same feeling again, not with you but with someone who'll take away my insecurities... The insecurities that you gave me...

"Lutang nanaman ang lola n'yo! Makaka-siyam nang ulit sa pagkain si BJ, hindi ka pa nakapag lagay ng pagkain sa plato mo! Oi! Share ka naman d'yan!" Biglang baling ni Migz sa'kin, dahilan para ma hinto ang aking pag emote.

"Hoy, anong share?! Wala 'to! Sadyang hindi lang talaga ako nagugutom!" Pagsisinungaling ko

"Eh ba't parang pa-iyak ka na, Teh?!" Tanong ni Migz. Busted... Tinitigan ko lang siya, hindi alam kung anong sasabihin. "Oh my! Kung maka titig sa'kin! hoy! bakla ako! Wala akong plano magka jowa ng babae!"

A Yazwell FanfictionRead this story for FREE!