"Uh... sige. Sabi mo, e. Tulog na ako! Good night!" Tumakbo na agad ako papuntang kwarto nila at kinuha 'yung kumot na ginamit ko kanina, nagtalukbong agad ako. Gosh! Ba't ba siya ganiyan?

Lalo akong nafo-fall, e!

Kinabukasan ay isa na namang pagsubok sa akin. Hindi ko alam kung paano ako tatayo rito sa kinahihigaan ko dahil makikita ko na naman siya at ang mga mata niyang sobrang makatingin sa akin. Ano ba talagang gusto niyang mangyari sa akin? Mamatay sa titig niya? Nakakailang kaya!

Kagat-kagat ko iyong labi ko habang nararamdaman ko iyong paglakad niya papunta sa gawi ko. Okay, kalma lang, Luan. Kaya mo iyan. Dapat talaga umuwi na lang ako kagabi, e! 'Tsaka, nasaan ba kasi si Xsen? Para naman may magjo-joke at hindi maging awkward ang paligid. Talaga nga naman, oh... kung kailan mo kailangan ang tao 'tsaka nawawala.

Naramdaman ko iyong pagtapik niya sa balikat ko, kunyare humihikab-hikab ako na parang gising. Tinanggal ko 'yung kumot at pipikit-pikit na tumingin sa kanya.

"A-Ah... G-Good morning," I yawned. Ang galing ko palang umarte? Medyo halata na hindi.

"Kain na, iinom ka pa ng gamot." I nodded.

"S-Sige. Liligpitin ko lang itong pinagtulugan ko at lalabas na ako." I said with a smile. He shook his head.

"Kain na. Ako na bahala rito," seryosong sabi niya.

"Hindi! I mean... ako na talaga–"

"Kain na." He seriously said, cutting me off. I bit my lower lip and nodded.

Sabi ko nga, e.

Pero syempre hindi ko kayang sabihin iyan! Feeling ko, mangangain siya ng tao anytime! Kasi naman... Bakit ba parang ang sungit niya ngayon? May nagawa ba akong mali? Well, lagi namang may mali sa nagagawa ko, hindi na bago iyon. Wala, e. Ganoon talaga. Pero move on na ako roon at hindi na aalalahanin, siguro... siguro wala. Ang gulo ko talaga.

Naiwan siya roon sa loob ng kwarto ko at niligpit iyung pinagtulugan ko. Nakakahiya. Pero, sabi niya kasi, siya na raw ang bahala, e... sinunod ko lang naman siya. Saan kaya natulog iyon kagabi? Sa pagkakaalam ko kasi, kama niya iyon. Ah, baka sa kama ni Xsen. Dalawa nga pala 'yung kama roon sa kwarto nila, ang yayaman kasi, e.

Pero, naisip ko lang... medyo curious, sino kaya iyong babae na kausap ni Xzayvian nung nakaraan? 'Yung nagsabi na ginagamit lang daw ako ni Xzayvian. Gusto ko lang malaman... at saka, bakit nga ba wala sila Xzayvian sa bahay nila nung nakilala ko siya. Nakakacurious lang... parang gusto ko tuloy chismisin si Xzayvian. Kaso nakakahiya, e! Baka sabihin ay chismosa ako.

Hay. Napakadami ko talagang tanong sa buhay.

Natapos akong kumain at nanatili lang ako sa kusina. Ayoko namang umalis dito, wala lang, ayaw ko lang. Naiwan ko pa iyung cellphone ko sa bahay, napakaboring tuloy. Umuwi na kaya ako? Hindi naman siguro siya magagalit. Lumabas kasi siya at may bibilin daw. Wala naman siyang sinabing 'wag akong umuwing bahay, ang sabi niya lang, 'wag akong lumabas. Magkaiba naman iyon, 'di ba? Kasi kapag nasa bahay ko na ako, wala na ako sa labas. E, sabi niya, 'wag daw sa labas. Magulo ba? Ako rin naguguluhan, basta ang mahalaga, magkaiba iyon.

Dahan-dahan akong naglakad palabas ng bahay nila Xzayvian, pagkalabas ko, sinarado ko rin. Baka may pumasok, e, tapos may mawala, ako pa sisihin ni Xzayvian.

Pero nanigas na lang ako sa kinatatayuan ko nang may marinig akong tumikhim.

Patay.

Humarap ako sa kanya at alanganing ngumiti. "Hehe... kamusta..." Parang ewan na sabi ko. He raised his eyebrow and walked towards me.

The Two Weeks Relationship Kde žijí příběhy. Začni objevovat