7

17.3K 164 8
                                                  

As promise...

UNEDITED

"Anak okay ka na ba? Hinimatay ka raw." Bakas sa mukha ni mommy ang pagaalala ng haplusin niya ang aking mukha.

I smiled to assure and wipe off her worries.

"Okay na ako my. Nadala lang siguro ako ng sari-saring emosyon kanina. Asan po pala si daddy? May ginawa bang test sa kanya?"

Tanong ko kay mommy ng mapansin na wala si daddy sa kama niya. When I return my gaze at her, brightness flush her face.

Liwanag na hindi ko nakita ng dalawang araw sa mukha niya.

"I have a good news for you." Kinuha niya ang kamay ko at dinala sa kanya. "Nasa recovery room na ang daddy mo. Maya't maya ihahatid na siya ng mga nurse."

"Recovery room? Na operahan na si daddy?" Takang tanong ko.

Sa pagkaalala ko wala kaming sapat na pera para pang pa opera kay daddy. Tapos ngayon nasa recovery room na siya? Bakit may nagpautang ba kay mommy o nagmagandang loob na tulungan kami?

"Nangutang po ba kayo? Sino po siya ng mapasalamatan natin. Malalaki laki din po ang perang iyon." Magaan tanong ko  ng tila nahawa na ako sa kaunting kasayahan na ibinalita ni mommy.

Although meron na akong hula kung sino ang tumulong sa operasyon ni daddy. It might be a family friend or daddy's client he helped before.

"Let me guess..si ninang Maggie ba my? O si tito Art?" Those two people I mentioned where my parents closed friend, rest assured sila ang tumulong.

Umasim ang mukha ni mommy sa tanong ko. As if she savor her favorite grilled cheese turned into repugnant taste.

"Your tita Maggie have nothing to do with this. She turned her back to us when her annulment  wasn't approved. That bitch!" My eyes grew big the way she ranted and called tita Maggie bilious name.

She was my mom's best friend since ages at kung paano murahin niya si tita ay mukhang ito na ang pinakalaking tampuhan na nangyari sa kanila.

"Mom! Kahit na po. Baka upset lang siya sa naging desisyon ni daddy." Marahas na umiling si mommy.

"Upset? Inlove pa siya kay Dante kaya hindi inaprove ng daddy mo ang annulment. Why can't she admit that to herself, hindi na siya teenager para magpabebe. Tumatandang paurong ang babaeng yon."

Sabagay kung ako ang nasa position ni daddy kung nakita ko man na may tsansya pang magkabalikan ang dalawang magasawa bakit ko sila paghihiwalayin.

"Eh si tito Art?" Pagiiba ko ng topic ng maramdaman ko na tila umaahon ang galit basi sa pagsasalita ni mommy.

Natural lang siguro iyon. Marami na silang pinagsamahan ni tita Maggie kaya pati rin siguro si Mommy na iinflect niya sa sarili ang problema at kapakanan ni tita Maggie.

"Nope. Hindi rin siya, balita ko pumunta ang pamilya nila sa Switzerland. Namatay ata ang father in law niya. Nakakahiya naman kung aabalahin pa natin siya." Maang akong napatungo ng wala sa mga taong nabangit ko ang tumulong sa amin.

"Eh sino po ba ang nagpautang sa atin? Kung hindi sina tito at tita."

"Your boss..si Vaughn" Tila nagkaroon ng sariling isip aking mga bibig at napaawang ang mga ito.

Bakit? Bakit niya ginawa iyon? Gumapang ang hindi maipaliwanag na kaba sa aking dibdib. 

"At anak hindi utang. Ang sabi niya may deal daw kayong na closed and I think you've deserve you part. Malaki siguro iyon dahil na cover lahat ng expenses natin dito sa ospital." Tila binuhusan ng asedo ang aking lalamunan sa mga sinabi ni mommy.

SecreTary [R-18]Where stories live. Discover now