Banat (Batch 21)

291 7 1

September 1, 2014

Banat # 141

Sa dinami-dami ng babae

Sa 'yo ako nahulog ng ganito.

Yung tipong masaktan ako

Ay ayos lang

Basta't alam ko na alam mong

MAhal Kita

Wala man akong dapat patunayan

Pero gumagawa ng paraan

Gusto ko lang na ikaw ay laging nandiyan

At di ako iiwan

pagtatabuyan.

Hangad ko lang na ika'y mapangiti

at mapaglingkuran.

Mga away at tampuhan

di mabilang.

Pero andito pa rin ako

Nakatayo at di patitinag.

Ikaw kasi sa akin nagpapatatag.

Di ko man hawak ang kinabukasan,

asahan mo ako'y andito lang.

Makikinig at makikipagbaliwan.

Mahal kita.

Ikaw sa akin nagpapasaya.

Basta't andiyan ka,

sapat na.

September 10, 2014

Banat # 142

Tumingala.

Madaming tala.

Naisip kita.

Ikaw kasi katulad nila.

Nagpapaningning,

kislap mo sa akin nagbibigay saya.

Sa kadiliman ikaw nagbibigay tanglaw.

Puso ko nagsusumigaw.

Pangalan mo ang nangingibabaw.

Wala kang kaparis.

Sa iba nag-iisa walang kawangis.

Pagmamahal ko sa'yo ay labis-labis.

BanatBasahin ang storyang ito ng LIBRE!