Akira's POV

Isang linggo na ang nakalipas. Wala namang nangyari e. Psh. Ang boring nga e. Hay....

"Monday nanaman. Ugh! I hate Mondays." sabe ni Candy. Nandito sa kotse ngayon papunta sa school.

Wala na nagsalita pagkatapos nun. I feel uncomfortable. I don't know why. Hmm....

Ako nagdra-drive. Galing diba? Sila pa-relax relax lang sa likod. Tsk.

At di lang yun.... kotse KO pa ang ginamit namin. Like, what the f?

Mga ilang minuto lang e nasa school na kami. As always magulo ang school.

Pagka-park ko ng kotse agad kami bumaba. Wala kaming pakealam kahit pinagtitinginan na kami. Sanayan lang yan.

Isasalpak ko na sana ang earphone ko ng biglang may sumigaw.

"KYAAAAHHH! ANG KINGS NANDITO NA!"

And with that, nagkagulo na sila lalo at nagkumpulan yung iba sa may harap ng gate.

Kings? Sila Lucas at Rain?

Napatingin ako kay Candy at Sully. Mukhang wala sila pakealam. Psh. If I know affected parin sila. Pfft.

"So noisy. Tsk. Tara na nga." sabe ni Candy sabay lakad. I shrugged at naglakad na din.

Sumunod naman si Sully pero.... natigil kami ng may biglang...

*Beep*

"Shit!" medyo napatalon ako dahil sa malakas na busina na yun.

Tinignan namin kung sino. Tatlong kotse?

WOW! Lexus, Subaro, Chevrolet. Ang gaganda! Shit.

Yung dream car ko na Lexus.... nasa harap ko! Nagtwinkle ang mga mata ko.

"A-Akira tara na!" sabe ni Candy habang hinihila ako. I shruggd her hands off me.

"Ano ka ba, Candy. Teka lang. Gusto ko pa pagmasdan yung dream car ko." sabe ko sabay tingin kay Candy. She bit her lower lip.

"Aish! Baha---" di natuloy ang sasabihin ni Candy dahil biglang tumili ang mga babae na nakapaligid.

Tinignan ko sila ng masama. Tumigil naman sila. Napatingin ako ulet sa kotse na gu---

Confirm. Sila Rain at Lucas nga.

Kaya pala tumili tong mga tao dito kasi bumaba sila ng kotse. Kotse ni Rain ay Subaro kay Lucas naman Chevrolet. Sino kaya nakasakay sa Lexus?

"A-Akira." di mapakaling tawag sakin ni Candy. Tinignan ko siya.

"Stop it, Candy. Halatang affected ka parin e. You shouldn't act like that. Pakita mo sa kanya na okay ka na at di mo siya kailangan sa buhay mo." inis kong sabe. Napayuko naman siya.

Tumingin ulet ako dun sa mga kotse. Oo sa kotse. Wala akong pakealam sa dalawang manloloko na yun.

"Dee?" "L?" sabay na sabe ni Rain at Lucas. Tinaasan ko sila ng kilay.

Tinignan ko naman tong mga katabi ko. Si Candy nakayuko lang habang ginagalaw yung kuko. Parang akala mo walang narinig e noh?

Si Sully naman, nalalaro sa phone. Aba? Handa talaga sila? Ang galing naman umarte ng mga to.

Tinignan ko ulet yung dalawang lalake. Kumunot naman ang noo ko nung naglalakad sila palapit samin. Pero tumigil din sila sa muling pagtili ng mga tao. Hay nako!

Tinignan ko yung Lexus. Mukhang bababa na yung may-ari. Bumukas na kasi yung pin---

O_________________O

Sweet DespairBasahin ang storyang ito ng LIBRE!