Chapter 12 (Removing you)

131 1 0

Ang hirap pala maging broken kasi lagi mong naiisip lahat ng mga masasayang nangyari sa inyong dalawa.

Okay na sana kaso naisip pa bigla ang kalokohang ginawa!

Yung tipo pang gusto mo laging mapag-isa at buong araw ay nasa kwarto at nakikinig ng mga nakaka-iyak na kanta.

Tapos kapag pareho kayong open sa facebook, magpo-post agad ng mga panamang quotes.

Kung makapag-react akala mo magsyota na nag-break!

Eh manliligaw lang naman na hindi na nagpatuloy dahil may bagong babae na!

Walang kwentang buhay naman talaga oh!

Melody ang shunga shunga mo no?!

Iniiyakan mo pero andun siya ngayon at nagpapakasaya kasama ng girlfriend niyang hindi mo alam kung may panama ba sayo!

Malay mo ba kung mula ulo mukhang paa na puno ng kalyo?!

"Psst?"

Himala, nagtext kang loko ka?!

"Nu kelangan mo sakin?"

"Grabe ka naman, nangangamusta lang..."

"Ayos lang ako. AYOS NA AYOS!"

 sana naman mapansin nitong lalakeng to na ayokong makipagtext sa kanya.. nakaka irita sya kahit pangalan lang nya nakikita ko sa phone ko.

"Weh?"

"Di wag ka maniwala"

"Hala?"

"Kung wala ka lang rin namang sasabihing importante, makipagtext ka na lang sa GIRLFRIEND MO kasi baka magselos pa siya na hindi siya yung tinitext mo o kaya naman ay magBASKETBALL ka kasama ng mga TROPA MO"

 please lang wag mmo na akong itext!

"Galit ka ba?"

 AY HINDI BRAD!

hindi ako galit kaya gusto kong mawala ka na!

"Hindi."

"Weh?"

"Hindi hindi! Dun ka na nga kasi sa girlfriend mo"

"Pwede ko naman siya i-text kahit katext kita."

"Wag na, baka magselos pa."

 Nako masabihan pa akong mang-aagaw ng boyfriend ng may boyfriend!

"Siya o ikaw?"

 WOW!

Ako... magseselos?

weeeehhhhh...

"Ako, selos? Wow ha!"

"Galit ka sakin dahil may girlfriend na ako?"

"Bakit naman ako magagalit, tayo ba?"

"Hindi. Pero naging masungit ka sakin simula nung nagkaroon ako ng girlfriend."

Napansin mo yun?

Congrats ha!

"Ayoko lang na magalit sakin girlfriend mo."

"Sorry..."

"Wrong send ka yata?"

"Hindi. Sorry kasi nagkaroon ako ng girlfriend."

"Bakit ka naman nagsosorry sakin? Baliw ka ba?"

"Baliw ako dahil sayo."

"Sawa na ako sa mga banat na ganyan at girlfriend mo dapat ang binibigyan mo ng banat para kiligin sayo."

"Hindi ko naman talaga siya mahal eh. Panakip butas lang siya."

"Huh?"

 wag mo na akong utuin loko ka

"Niligawan ko siya dahil akala ko wala na akong pag-asa sayo."

"Maraming namamatay sa maling akala."

"May pag-asa ba ako sayo?"

"Dun ka na lang sa girlfriend mo."

 ayoko na ng ganito please..

"Ayoko, hindi ko siya mahal. Ikaw mahal ko."

"Puro ka salita ang mabuti pa, burahin mo na lang yung number ko sa cellphone mo"

"Hala bakit naman?!"

"Kasi wala kang matinong sinasabi sa akin. Puro kalokohan."

"Bura agad, yun lang? Sorry na. Makikipagbreak ako sa kanya."

"Yan ang wag na wag mong gagawin. Mahirap pag ang babae nasaktan."

"Ano naman kung masaktan siya? Eh hindi ko naman siya mahal."

"Ginawa mong girlfriend tapos gaganyanin mo lang? Mga lalake talaga. Basta burahin mo na number ko sa cellphone mo. Sige last text ko na to sayo, buburahin ko na number mo sa cellphone ko."

"Hindi ko buburahin number mo."

"Burahin na kasi."

"Ayoko nga."

"Please lang naman oh."

"Bakit ba gusto mong burahin number mo sa cellphone ko?"

"Basta."

"Hindi ko buburahin number mo sa cellphone ko hanggat hindi mo sanisabi sakin yung dahilan."

"Kasi walang kwenta lahat ng sinasabi mo sa akin. yun na! So burahin mo na yung number ko sa cellphone mo."

"Panong walang kwenta?"

"Burahin na kasi!"

Obviously, i'm trying to remove you from my life.

Ayoko na ng dagdag na problema.

Kaya dapat nang tanggalin habang maaga pa.

Sana nga lang tama tong ginagawa ko.

Sana mabilis mawala na to.

Nakakasawa na.

Hirap ng buhay na ganito!

What About Us?  [COMPLETE]Basahin ang storyang ito ng LIBRE!