Candy's POV

"Narinig niyo ba ang balita? Dahil daw sa babae kaya umalis ng bansa ang Kings."sabe nung babaeng feeling maganda. Ang kapal naman ng make-up! Pfft.

"Oo nga e. Totoo kaya yun? At sino naman kaya yung babaeng yun?" sabe naman nung isa na puro pink ang gamit. Psh. Puro Hello Kitty pa ang design.

"Ano ba yan, wala na bang alam ang mga tao dito kung hindi magchismisan?" inis na sabe ni Akira sabay salpak ng earphones. Nandito kasi kami sa Garden.

Nakahiga kami sa damo. O diba? Sosyal may garden pa ang school. Hahahaha.

Tinignan ko si Sully na nagbabasa lang ng libro. Ang boring naman!

Pero teka.... yung sinabe kanina nung dalawang babae..... dahil daw sa babae kaya umalis ang Kings? Isang babae o di lang isa? Ay! Gulo nila magchismisan. :3

Ay! Oo nga pala, di pa ako nagpapakilala.

Ako nga po pala si Candy Dee Dominguez. Ang playgirl at ang bubbly saming tatlo. Hindi ako madaling magalit pero kapag sinagad mo ako, you will see HELL!

Di joke lang. Medyo pa-Hell lang naman. Hahahaha. Ako ang pinaka mabait saming tatlo. Si Sully kasi may pagka-snobber. Si Akira naman parang walang pakealam sa mundo. Ay teka? Diba parehas lang yun? Ay ewan! Hehehehe.... sorry kung magulo ako. ^___^v peace tayo!

Nasan na ba ako? Ay oo nga pala. I'm 18 years of age at mas matanda sakin yung dalawa. Hahahaha! Fresh and young!

At ako ang pinaka maganda at cute saming tatlo! Di chos lang. Ako ang pinaka cute. Pero sila Sully at Akira ang mga mukhang Goddess. Ewan ko ba kung paano ako nasali sakanila.

Mas lalo na si Akira. Sobrang ganda niya kapag inayusan mo siya. Kahit nga wag mo na ayusan e. Si Sully naman, lagi kasing nakapoker face kapag maraming tao. Pero pag kami kami lang, ngumingiti din yan.

Bakit siya ganun kamo? Nah. It's not my story to tell. Hayaan niyo na siya magkwento.

Alam kong may tanong kayo sakin. You guys want to know my past? At kung bakit ako playgirl? Well.... di naman halata diba? Hahahahaha!

Hmmm..... tinatamad ako magkwento e. Alamin niyo nalang. Hahahahaha! Sorry. Tinatamad kasi talaga ako e. Super!

Pinikit ko ang mga mata ko. Ang sarap dito. Hay....

"Guys! Good news! Makikita na daw natin ang mga Kings next week." rinig ko naman ang mga chismisan nila.

"Parang ang bilis naman ata? Pero okay lang yun! Gusto ko na kasi sila ulet makita e!"

Next week? Hmm... excited na din ako! Hehehehe...

"Ang tatlong Kings ng school naten. Sila King Kyle, King Lucas at King Rain." napamulat naman ako sa sinabe niyang pangalan.

KING LUCAS?! ANO!?

Pati si Sully mukhang nagulat sa narinig niya. Si Akira naman, chill chill lang. Di siguro narinig yung mga pangalan.

Nagkatinginan kami ni Sully. Umiwas din siya kaagad ng tingin.

Oh no! Pano na to? Bakit kasi sila pa ang mga Kings? Pero... baka naman kapangalan lang? E grabeng coincidence naman nun!

King Lucas at King Rain?! Sana hindi sila yun! Pleeeaaassse!

Ayoko na siya ulet makita. Move on na ako! A-YO-KO na!

Akira's POV

Bat parang may mali? Bat parang ang tahimik nung dalawa. Ay nagtaka ka pa Akira. Si Sully tahimik talaga. Pero si Dee? Ano nangyari dito?

Sweet DespairBasahin ang storyang ito ng LIBRE!