Naligaw Ako

820 48 13
                                    

Ang huling reply ng bestfriend ko, nasa Samar daw siya at inaayos ang gusot ng pamilya. That was two weeks ago. At dahil nagresign ako sa trabaho ng walang lingon-lingon, naisipan kong pumunta ng Samar sakay ng Ro-Ro.

Sa tulong ng internet, I located my friend's location. Pareho kaming nalolocate ang cellphone ng isa't-isa. Sumpaan na namin ito para madali naming mahanap ang bawat isa kahit hindi makareply.

Pagdating ko sa Samar, ilang oras na ang nakalipas at wala na akong matanaw na bahay. Dinala ako ni waze sa gubat.

Magsisilim na at hindi ko alam kung tutuloy pa. Ang sabi ng phone locate, mga isang kilometro na lang siya. Kaya nagpasya akong sundan si waze.

Pagkaraan ng isang oras, at ilang nakakalitong reroute ni waze, narating ko ang location ng kaibigan ko. Sa isang clearing area na napapaligiran ng makakapal na puno ako dinala ng phone locate.

Nasaan siya?

Maya-maya ay may mga tao na lumabas galing sa gubat at patungo sa gawi ko. Nagkukwentuhan sila at parang hindi ako napapansin. Bumaba ako ng kotse at hinintay silang makadaan.

Saan kaya galing ang mga taong ito?

"Excuse me." tawag ko sa unang lalaking dumaan sa tabi ko.
Nanlalaki ang mga mata niyang tumingin sa akin. Maging ang kasama niya ay nakatulala rin.
"Kilala niyo ba si..." binigay ko ang pangalan ng kaibigan ko.

Kumunot ang noo nila at tumango.

"Saan siya nakatira?" Tanong kong muli. Ngunit hindi ang sagot nila ang inaasahan kong marinig.

"Bakit nakikita mo kami? Nasa Biringan ka na." Sagot niya.
At doon ko lamang namalayan na hindi sila tao kung hindi mga... engkanto.

Midnight Thoughts (Short Stories Collection)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon