[4] Pr3nDxSz lang naman diba?

Magsimula sa umpisa

Habang nagdedebate kami tungkol sa jejemon na budol budol na yun ay bigla na lang may sumigaw galing sa malayo.

“EOOOW GUUURLZ” Sigaw nung jejemon habang tumatakbo palapit samin. Ang bilis niya tumakbo grabe! Snatcher din kaya to? Tinago ko na kaagad sa bulsa ko yung cellphone ko! Mahirap na no.

“Hi Uno! Yung accent mo.” Sabi ni Tina na para bang may pinapaalala nang makalapit na samin yung Jejemon. Sus. Close na sila sa isa’t isa?

“A-ah! Onga pala. Hi K-Katie!” Sabi niya habang nagkakamot ng batok at namumula ang tenga. Bakit naman namumula tenga niya?

OWMAYGHAD. Baka may sakit siya? Tapos yung sakit niya nakakahawa?? Kaya ba sobrang payat niya at mukha siyang adik na sindikato na member ng budol budol gang at martilyo gang?!

 Sht. Nagtakip kaagad ako ng bibig at hinila palayo si Tina sa Contagious Jeje disease na yan! Ayokong may mahawa samin. Pag nahawaan si Tina for sure mahahawaan din ako!

“Hi Uno! Alis na kami may klase pa kami e. Bye!” Sigaw ko habang hinihila palayo si Tina. Phew. Muntikan na yun ah!

Dinala ko si Tina sa isang building dito sa campus para magtago. Tapos nilabas ko ang alcohol ko at nilagyan ko kaagad ang kamay ko at kamay ni Tina.

"Besh nganga ka! magmumog tayo ng alcohol!" Sabi ko ng nagpapanic! Hindi niya ba naisip na may sakit yung jejemon na yun?

"Hoy Babaitang Gaga! Ano ba yang ginagawa mo para kang timang?! at Bakit mo naman nilayuan si Uno?” Sabi niya habang nililinis ko pa rin ang kamay niya. Kailangan mawala lahat ng virus ng jejemon na yun sa amin.

“Besh ano ka ba! Di mo ba napapansin yung itsura niya?! Mukha na siyang mamamatay any moment! Jeez. May nakakahawang sakit siya Besh. Paano kung nahawaan niya tayo?! Ayokong pumayat ang magmukhang adik din! Di na ako magiging maganda Besh! Wala ng manliligaw sakin!!” Sabi ko habang nagpapanic.

“Gaga ka talaga! Ang sama sama mo kay Uno! You always jump into conclusion without any evidences! Tell me, ano bang atraso niya sayo? May ginaawa ba siyang masama sayo at ganyan ka makitungo sa kanya?” Sht. Lumabas ang pagkanagger ni Tina.

Pero bakit nga ba ayaw ko sa kanya? Wala naman siyang ginagawa sakin ah? Ni wala nga kaming matinong conversation e. Basta pag iniisip ko siya kumukulo kaagad ang dugo  ko! Lalo na pag nakikita ko siya!

“Di ko alam. Basta ayaw ko sa kanya” Sabi ko habang papalabas ng building na iyon at umupo sa isang bench.

“Ayaw mo sa kanya? Hate mo siya? Ganun ba? Bakit?” Sunod sunod na tanong niya. Di ako sanay na seryoso tong babae na ito.

“Oo. Yata? Pero di ko alam kung bakit” Err. Bakit parang natatakot ako pag nagiging nagger tong bestfriend ko?

“You know besh, There is a thin line between hate and love. Baka naman naakuha niya kaagad ang interest mo at na’love at first sight ka?” Sabi niya habang titig na titig sakin. Nakakailang.

“NO! Di ako nalove at first sight sa kanya! Wag ka ngang magsalita ng bad words besh!” Sabi ko sabay irap. Pero nakita ko nanaman na seryoso pa rin siya at parang galit.

“The more you hate, the more you love” Sht. Seryoso? Wala akong gusto sa jejemon na yun at hinding hindi ako magkakagusto dun!

“Ano ka ba besh! Alam mo naman ang ideal guy ko diba? Tsaka imposibleng magkagusto ako dun sa jejemon na yun” Bakit ba niya pinagpipilitan na may gusto ako dun?! Ugh.

“Imposible ba kamo? Then prove it to me. Makipagfriends ka sa kanya.” Determinado talaga siyang paglapitin kami. Sht. Sht. Sht. Di muna ako sumagot. Pag iisipan ko pa.

“Baka naman ayaw mo dahil gusto mong MORE THAN FRIENDS kayo?” Wtf. Talagang inemphasize niya pa yung ‘more than friends’. Tell me. Paano ko ba naging bestfriend to?

At anong klaseng bestfriend ba to? Binubugaw ang kaibigan niya sa isang adik na may sakit na member ng budol budol at martilyo gang?

“OKAY FINE FRIENDS WHATEVER. Tigilan mo lang tong kahibangan na to.” I sighed in defeat. Di ko akalaing mapapapyag ako nito.

Agad naman siyang pumalakpak at ngumiti ng pagkalaki laki. Gusto kong manapak. Pero wala namang masama diba? Friends lang naman diba?

“Kyaaaaah. Friends turned into lovers sana ang mangyari” Sabi niya habang nakapikit at nagdarasal. Kanina lang seryoso siya ah Tapos ngayon  praning nanaman siya?. Psh. Bipolar.

“Gaga ka talaga. Di ko akalaing mapapapayag mo ko” Di pa rin ako makapaniwala. Baka may superpowers tong bestfriend ko or something.

“Nye nye nye. Osige punta na tayo sa klase! Malapit na magtime” At hinila niya ako papalayo.

Di na ko sumagot. Parang kinakabahan ako na ewan. Wala namang masama diba? Friends lang naman e? Siguro lagi na lang ako iinom ng vitamins para di mahawaan ng sakit.

Ugh! Pesteng jejemon yan!

Pero friends lang naman diba? Wala namang masama dun diba?

*****

A/N: Ito na po yung update! Keep on  reading/voting/commenting and sharing this story guys! Maraming thank you sa mga nagvovote at mga  nagcocomment hahaha lalong lalo na sa mga bumabasa :)!

Oo nga pala. Next update will be on Friday so antay antay lang po tayo ha? Thanks!

That Jeje GuyBasahin ang storyang ito ng LIBRE!