Mas gumwapo siya sa paningin ko dahil sa ngiting yun.











"I'm Vice."

Tipid niyang sabi kasabay ng pagdating ng dalawang baso ng magkaibang alak. Itinulak niya sa harap ko ying Gin and Tonic bago kinuha yung baso ng scotch. Uminom ako ng kaunti bago ko binalingan ulit si Vice pero patayo na siya nun at ubos na din niya yung alak sa baso niya.







"Wait, aalis ka na?"

Takang tanong ko sakaniya sabay tayo din mula sa kinauupuan ko. Tinapunan niya lang ako ng tipid na tingin at tumango bago nagsimula nang maglakad. Sinundan ko siya, ang bilis niyang nakapag-maneobra sa siksikang mga tao samantalang ako, paulit ulit na kailangan pang huminto dahil wala akong madaanan.











Sinalubong ako ng napakalamig na hangin pag labas ko ng pub. Bigla akong nanginig sa lamig at napayakap sa sarili ko bago ko nilibot ng tingin ang madilim na paligid para hanapin siya.









"Bakit mo ba hinahanap kasi. Mukhang hindi naman interesado sayo. Tsk."

Sabi ko sa sarili ko pero hindi padin ako pumasok at sinubukan ko pa din siyang hanapin sa dilim. Ilang minuto din akonh ganun hanggang sa napagdesisyunan ko nang pumasok. Pag ikot ko ay may nabangga akong katawan ng tao.







"Sorry. Sorry."

Sabi ko sabay tulak ng bahagya sa dibdib ng lalakeng nabangga ko. Hawak niya ako sa braso para pigilan na matumba ako. Tumingala ako para makita ang mukha niya. He was smiling at me.













"I told you, wag mo akong titigan. Now, you can't get rid of me anymore."

Sabi niya. It was supposed to be a threat pero bakit parang mas pabor yun saakin kesa sa matakot ako. I reached out to touch his face.





It feels cold and warm at the same time. Smooth and rough at the same time. Everything about him is just so perfect in my eyes.







Pero I don't even know who he is. He smiled at me again at nakalimutan ko nanaman na hindi ko pa pala kilala tong lalakeng 'to.

Kinuha niya yung kamay ko sa kamay niya bago nagsimulang maglakad. Hindi ko alam kung bakit pero hinayaan ko lang na tangayin niya ako sa kung saan man.










"JACKIE!!!"

Napalingon ako sa boses ng babaeng nanggaling sa may pintuan ng pub. Napahinto kami pareho sa paglalakad. Mejo may pag-aalala sa mukha ni Anne habang tinatawag ako palapit sakaniya. Saglit kong nilingon si Vice na kalmado lang sa tabi ko, saglit niyang hinigpitan yung hawak niya sa kamay ko at saka yung binitawan.










"I will see you again. Promise."

Sabi niya bago naglakad papalayo. Pinanood ko siya habang papalayo. Ngayon ko lang nakilala pero parang ayoko yung pakiramdam na malayo siya. Ang weird. Napakurap kurap ako nung maramdaman na may kamah na humihila saakin papasok ng pub.










"Huy! Ang sabi namin, alamin mo lang pangalan! Hindi yung sumama ka. Jusko kang babae ka. Malandeee!"

Pabirong mejo nag-aalala na nangaasar na sabi ni Anne saakin habang papasok kami ulit ng pub. Biglang para akong nawala sa isang spell at narealize ko kung gaano ka delikado ang muntik ko nang ginawa.










Ilang oras pa kami sa pub na yun at hindi ko na ulit nakita kahit anino manlang ni Vice. Pero hindi siya nawala sa isip ko kahit isang araw lang.













PlaylistNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ