Ethan

“I don’t know what else to do.” Sabi niya sa kabilang linya. “Let’s start looking for buyers. Iyon na lang ang naiisip kong solusyon ang ibenta na lang ang hotel.”

            “Baka mayroon pa tayong pwedeng gawin. We need to find Karina, baka ma-convince niya si Don Eduardo na huwag kang gipitin.” Suggestion ni Mary Ann.

“Mamaya na lang uli tayo mag-usap. Pupuntahan ko lang ang address na ibinigay sa akin ni Don Eduardo.” Sabi niya rito bago niya ibinaba ang hawak na cellphone.

Ayaw niyang isali pa si Karina sa problema niya sa hotel. Hindi pa niya naayos ang gulo sa pagitan nila, hihingi pa siya ng pabor dito. Malabong tulungan siya nito ngayong mukhang galit pa rin ito sa kanya.

Nasa parking lot siya ng hotel ni Don Eduardo. Ilang minuto na rin siyang nasa kotse niya ng tumawag si Mary Ann. Kinumusta nito ang ginawa niyang pakikipag-usap kay Don Eduardo. Pagka-gradute nito sa kursong Hotel Management ay naging katulong na niya ito sa pagpapatakbo ng Manila Branch. Marami na ring itong alam sa kalakaran ng hotel dahil sa kahit hindi pa ito tapos ng college ay nagtatrabaho na ito sa hotel niya sa Davao.

Kaya ganoon na lang ang pag-aalala nito ng ikwento niya ang lahat ng pinag-usapan nila ni Don Eduardo maliban sa naging alok sa kanya ng hotel magnate.

“I didn’t mean to hurt her. I don’t want to point fingers pero siya ang nanloko sa akin at hindi ako.” Pagtatanggol niya sa sarili. “Pinapaniwala niya ako na siya si Katrina. This is not the first time she did it to me. Anong gusto ninyong maging reaction ko. Matuwa?”

“All along siya ang kasama mo sa Davao. Siya man si Katrina o Karina, siya ang babaing minahal at pinakasalan mo. Importante pa ba kung anong pangalan niya?”Tanong ni Don Eduardo.

            “Bago pa man kami magkita sa Davao ay may gusto na ako kay Katrina. Kung alam ko lang na siya si Karina, I wouldn’t pursue her in the first place. But it’s useless to depend myself.”

            “So you would just let her go?” Tanong muli ni Don Edaurdo.

            “Hindi pa kami nakakapag-usap.”He sighed. “What do I need to do to change your mind? Think of another way of punishing me not like this. May mga empleyadong madadamay worst baka mawalan pa sila ng trabaho kapag napilitan akong ibenta na lang ang hotel.”

            Napailing si Don Eduardo. “Don’t use that argument, as the owner you are responsible for all your employees.” Sa unang pagkakataon ay nakita niyang kumunot ang noo ni Don Eduardo. “You are not answering my question. Are you letting Karina go?”

            “Pardon me but I don’t want to talk about my private life. Kung ano man ang desisyon ko, sa aming dalawa na lang iyon ni Karina.”

            “I want to know because you’re asking me if there’s another way.”

            “What is it?”

            “I will not pull out my funds for another year. You amend the terms of our agreement favorable to you and I will sign it. But I need you to do one thing.”

            “Ano?” May urgency na tanong niya rito.

            “File an annulment. Gawin mong legal ang paghihiwalay ninyo ni Karina, mukhang soner or later ay doon din naman mauuwi ang inyong pagsasama.”

Hindi siya pumayag sa gusto nitong mangyari. Galit siyang umalis sa opisina nito at nangakong ibibigay niya ang investment nito sa katapusan ng buwan. Wala itong karapatan na panghimasukan ang personal niyang buhay at diktahan siya kung ano ang dapat niyang gawin.

Sweetest Lie (To be published by PSICOM)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!