"Dahil kita ng Diyos ang lahat." Agaw ko.

"Oo." Sabi ko na. "Idadamay at idadamay ka nila pero kahit anong mangyari, huwag kang sasama dahil alam mo ang tama at mali. Kapag sinabi nilang 'Huwag kang matakot dahil hindi naman nakikita ng boss natin.' Kita 'yan ng totoong Boss natin sa taas. Hindi ko sinasabing hindi ka madadamay kung sakali dahil hindi agad agad maipapaunawa ng Diyos ang talagang totoo. Hangga't wala kang ginagawang masama, huwag kang malulungkot dahil nakikita ng Diyos ang lahat. May plano Siya sa'yo. Maniniwala sa'yo ang Daddy mo basta tapat kang magpapaliwanag sa kaniya. Alam ko naman na kahit ganiyan ka, hindi ka nambobola ng babae dahil alam kong totoo ka. Maniniwala kami sa'yo basta magsabi ka lang ng totoo."

Napapaisip talaga ako basta si Ate Paulina ang nagpapaliwanag. Alam kong may mga iniiwasan nga ang mga tao minsan pero ngayon ko lang naisip na kahit anong iwas ko ay may nakakakita sa'kin kaya wala din pala akong ligtas. "Alam ko ang gagawin ko. Malaki na ako kaya hindi mo na ako kailangang sabihan pa." Well, sabi ko lang 'yun. Tumaas ang kilay ko.

"Alam mo ba kung bakit ako ang mayordoma dito?"

Kahit nakatigil naman ako, napatigil ako sa sinabi niya. Lahat talaga ng sinasabi niya laging may katibayan. Kaya wala talaga akong ligtas kahit magdahilan ako ng magdahilan. Alam kong sobrang tapat sa'min ni Ate Paulina. "Maybe, alam ko na ang dahilan niyan." Tumingin ako sa kaniya.

"Bata pa ako, buhay pa si Madam Rosa ng maging kasambahay ako sa inyo. Hindi pa mayaman ang Daddy mo, si Rose lang ang maraming pera. Sinisiraan ako dito hanggang sa natanggal na ako dahil ang mayordoma noon dito ay may pinapaboran. Pero, dahil sa hindi naman talaga ang Lola mo o ang Mommy mo ang Boss ko talaga, pinabalik nila ako at alam kong inutos 'yun ng Diyos sa kanila. Sa tuwing kaharap nila ako ay mabubuti ang sinasabi ko sa kanila kaya napag-isip isip nilang hindi ko magagawa ang mag-nakaw. Binigyan sila ng Diyos ng talino para magising sa katotohanan na hindi ko ugaling mag-nakaw. Inamin sa'kin ni Madam na isang pagkakamali ang paalisin ako dahil tumatagos ang paningin niya sa'kin. May tao kasing mabait sa harapan pero hindi sa talikuran. Tumagos sa puso ko ang tingin niya kaya sa loob ng ilang buwan ng panunungkulan ko ay napag-isip isip nilang hindi ko magagawa ang mag-nakaw. Hanggang sa tumanda na ako. Mahal ko ang trabaho ko lalo na noong napamahal ako sa'yo. Hinding hindi ko kayo iiwan dahil Pamilya ko na kayo. Tandaan mo, RM 'yan. Kahit itago mo ang katauhan mo ay hinding hindi mo maitatago ang puso mo sa tao. Ikaw parin 'yan kaya sana lang, sa loob ng dalawang buwan, ayusin mo ang trabaho mo. Ibahin mo ang magaspang na ugali mo at ituring mo ang sarili mong natatakot mawalan ng trabaho. Alam kong mas mabait ka sa mabait sa'yo. Pero umiwas sa away para walang gulo. Hindi mawawala sa isang lugar ang siga at makitid ang pag-iisip. Pakisamahan mo sila ng maayos."

Napayuko lang ako. Ngayon ay nakasakay ako sa taxi dahil wala namang sinabi si Daddy na huwag akong magtaxi. Naalala ko si Ate Paulina. Basta siya ang nagsalita, naiipon sa utak ko lahat at hindi lumalabas sa kabilang tenga. Pero pasensya na. Ayaw ng Diyos na magtrabaho ako. Dahil ayaw ko. 'Yun naman ang sabi ni Ate Pau. Kung ano ang mangyari ay gusto ng Diyos. Kaya kong bumangon ng hindi na nahihirapan dahil magdadasal ako't magtitiwala. 'Yun ang mahalaga. Pangako ko, tutulong ako sa nangangailangan ng tulong. Sapat na siguro 'yun para hindi na ako mahirapan pa. Basta mag-aapply ako ayon sa utos. Wala na silang magagawa kung hindi ako tinanggap. Ayoko talaga. Nakarating ako sa office ni Daddy. Ngayon ko lang ginawa 'to dahil sa pride. Pero kung paiiralin ko ang pride ko, forever na silang walang time sa'kin. Naalala ko 'yung Farmville ko sa Facebook, pina-asikaso ko kay Yolly dahil wala akong time. May meeting pala si Daddy kaya hindi niya ako pwedeng harapin kaya aalis na sana ako. "Sir, wait lang." Sabi ng sekretarya niya. "Hintayin mo saglit ang Daddy mo dahil papunta na siya." Akala ko ba may meeting? Ang labo naman ng secretary niya.

Nagkita kami ni Daddy. "RM, andito ka na pala. Huwag kang uuwi sa condo unit mo." Andito kami sa lobby ng building niya.

"Bakit, Dad?"

"May bahay akong pina-asikaso. Buti dumating ka. Tawagan mo si Rogelio, makipagkita ka, nasa paligid lang siya. Puntahan mo na lang ako dito next day. Basta mag-apply ka. Dala mo ba lahat ng requirements mo?"

"Opo pero bakit hindi sa condo?"

"May empleyado bang highschool graduate ang nakacondo pa. Trust me, Son. Dalawang buwan lang and then, ako na ang bahala pagtapos." Hinawakan niya ako sa balikat. "Trust me and learn everything. May applyan sa KG. Doon ka mag-apply. May meeting kami, importante, dahil malapit lang naman ang bahay mo dito, tatawagan na lang kita para minsan, kumain tayo nang sabay. Para makausap kita sa iba pang bagay. Okay ba?" Ngayon ako nag-sisi. Sana noon ko pa ginawa 'to. Sana pala inintindi kong busy si Daddy. Pwede ko nga pala siyang puntahan.

After awhile ay nasa isang apartment na ako. Pangit ang labas pero may aircon pa ang kwarto. Pwede na. Siguro para hindi mahalatang mayaman ako. Ang weird ni Daddy. Sasabihin ko na lang na walang tumanggap sa'kin. Hindi ko talaga dala ang requirements ko. Bahala sila. Sabi naman ni Ate Paulina, Diyos ang may gusto eh. So, mag-aapply ako bukas. Kailangan ko siyang sundin para sabihin naman, sumusunod ako.

-

Andito na ako ngayon sa airport. May nakita akong babae dito sa ibaba. Tinanong ko kung saan ang applayan. Kailangan kong mag-apply dahil sabi nga ni Ate Paulina, nakikita ng Diyos kung sinunod ko si Daddy. Nagpunta ako sa fourth floor. May nakita akong dalawang lalaki. Nakatayo sa labas ng kwarto kung saan ang office ni Miss Maico Piol. May isang lalaking may edad ang lumapit sa'min. "Mag-aapply ba kayo?"

"Opo." Sagot ng isang kasama ko. Mukha siyang kagalang-galang. Parang si Daddy. Akala ko karamihan sa kanila walang paki-alam sa mundo.

"May meeting ang hiring manager eh." Napaisip siya. "Pumasok muna kayo diyan sa office na yan. Magpapapunta ako dito ng mag-iinterview sa inyo." Pumasok kami. "Ikaw." Tinuro ako ng lalaki. "Sana inahit mo 'yang balbas mo. Kumakapal na. Sana sumagot ka ng maayos dahil hindi naman balbas ang basehan, baka ayaw ng interviewer ang hindi ready sa pag-apply." Sabi niya at umalis na.

Umupo sila tapos hindi na ako umupo dahil kulang ang upuan. Nakita ko ang babaeng mukhang nerd sa picture na nakapatong sa lamesa. Siya na siguro 'yung Maico Piol. Maganda siya ah. Pero mukhang bibigay agad sa'kin kaya mas maiging mamilosopo na lang ako. After a minute ay may isang babaeng pumasok. Tinignan niya kaming tatlo at tumagal ang tingin niya sa'kin. Tumigil ang mundo ko. Who the hell is she? Nagkatitigan kami. She's so beautiful.

Expect The UnexpectedWhere stories live. Discover now