RPG mode in LOVE part 2

510 36 42

Mabilis lumipas ang araw at nakaisang linggo na rin ang lumipas simula dedmahin ni Maymay si Edward. Malaking tulong na rin siguro na examination week kaya focus muna siya pag-aaral. Pero this monday wala siya sa huwisyo. Namiss niya kasing maglaro at hingit sa lahat miss na rin niya ang crush niya.

SCENE 8 (sa university)

"Uy tulala ka diyan?" hindi napansin ni May ang paglapit ni Sofia sa kanya.

"Iniisip ko lang kung tama yung mga sinagot ko sa exam!" palusot niya.

"Ay sus ikaw nag-aalala sa exam, knowing you Maymay never ko narinig na bumaksak ka sa kahit anong exam. So ano ba talaga ang pinuproblema mo?" tanong ni Sofia habang sige pa rin ang suklay nito sa bangs.

Nag-isip si Maymay kung sasabihin niya ba kay Sofia ang lahat.

"Sofia paano kung..." nag-iisip pa rin siya kung paano niya sasabihin dito na hindi siya nito gina-judge.

"Paano kung ano?" sabay harap sa kanya nito.

"Ahhh wala nakalimutan ko na!" sa huli nagback-out din siya.

"Ay sus problema sa puso yan noh? Don't tell me yung crush mo may jowa na, no wonder ang bagal mo kasi teh!"

Dahil wala naman gana pumatol si Maymay mahina na lang siya sumagot.

"Hindi naman nawawalan ng girlfriend yun!"

"Aha!!! sabi ko na hindi ordinaryong student yan crush mo!" kitang-kita sa mukha nito ang excitement dahil sa narinig kay Maymay.

"Pwede ba huwag kang sumigaw!" sita ni Maymay kay Sofia habang nakatingin paligid nila.

"So sino nga?" mahina pero may diin sa pagtatanong nito.

"Wala yun kalimutan mo na iyon!"

"Pwede ba masyado ka nang malihim diyan, sabihin mo na kasi!" nayayamot na sabi ni Sofia.

"Ewan ko sayo maiwan na kita diyan nagugutom na ako!"

Tumayo si May at naglakad palabas ng building. Sige pa rin ang pangungulit ni Sofia habang naglalakad sila papunta sa cafeteria.

"Sabihin mo na kasi May kunti lang naman ang gwapo dito sa campus. Sige hulaan ko na lang magaling ako diyan pero bigyan mo ako ng tatlong clue!" pagpacute pa nito habang naglalakad sila.

"Pwede ba tigilan mo ako sa kakulitan mo Sofia pagganitong nagugutom ako nanapak ako ng kaibigan!" pananakot pa ni Maymay.

"Hindi mo naman kaya gawin iyon noh, sa tagal na natin magkaibigan ni hindi pa ako nakatikim sa payat na kamao yan!" sabay tingin pa nito sa kamay niya.

"Ahh ganun gusto ma-first time huh!" inambang hahampasin ni Maymay si Sofia ng mapatingin siya sa grupong kasulubong nila.

Of all the people na pwede niyang makita ang grupo pa ni Edward.

"Pag-ibigggggggggg!!!!!" sigaw ni Sofia.

Bumitaw si Sofia sa braso ni Maymay at tumakbo kay Kiko.

"Pag-ibig kakain ka rin? Kami kasi ni May kakain. Oh my G!! This is destiny of all people na pwede kong makasabay ay ikaw pa. Ibig sabihin destiny tayo pag-ibig!" sabay pagpapa-cute nito kay Kiko.

"Destiny raw pare!" natatawang sabi ni Onnie.

Biglang binigyan ng masamang tingin ni Sofia ito. Sa kilabot ni Rob mahinang binigwasan nito si Onnie sa tiyan.

"Pare naman!" kakamot-kamot ng ulong reklamo nito.

Samantalang lumalaban naman tingin si May kay Edward. Sa huli si May pa rin ang sumuko dahil ramdam na niya ang pamlalambot ng tuhod niya.

MayWard Short StoriesRead this story for FREE!