(SHIELA POV)

KINABUKASAN 

“Alex gising na  aalis tayo.”

“Saan tayo  pupunta?”

“Pupunta tayo sa mall.”

“Mall?”

  " OO NGA  paulit-ulit! ! "

"Sorry naman, galit na agad?, anu bang gagawin natin dun?"

 "Ano pa nga  bang ginagawa  sa mall ?, eh  di mamimili  kaya  tumayo ka na dyan",wala kasi siyang  matinong damit   puro pinaglumaan na  ni papa .

"Kaya hubarin mo na yan  at  magpalit  ng medyo  matino "

 "Okay   lang naman  ‘to haa,  hindi mo na kailangang bumili  " tapos bumalik siya sa pagkakahiga niya dahil ayos lang pero  sakin - -!.

Hindi ako papayag!!.

"Sira  ka ba?!,  anong okay ? ". mukhang  ewan kaya  tapos  sasabihin niyang   okay O___o ?.

Hindi pwede! ,kailangan kong  bumili nang bagong agad.

"PERO~~"

 "Walang pero-pero!, kung  sinabi kong pupunta tayo  pupunta tayo!!,  Sumunod ka na lang ?!" hindi ko na siya pinatapos magsalita.

" O-Okay?" Baliw talaga, hindi ba n'ya naisip na super sagwa ng suot niya..

Buti  na lang kakasweldo ko   last week kung hindi ,walang maisusuot na maayos si alex pero may balak  pa naman   akong bilhin yung  teddy bear dun  sa   Blue Magic >~<.

Ang cute kasi  tapos ang  laki-laki pa!.

Mahilig kasi ako sa malalambot na bagay lalo na yung niyayakap ng mahigpit kaso hindi ko pa sya makukuha ngayon  .

 Di bale, makukuha ko rin yun tiwala lang!

 Napatingin ako  sa oras,10 na!.

Nagmadali  na ko baka  maabutan  kami ng super  daming  tao  lalo sunday pa naman ngayon.

“Alex na san ka na?”

“Nandito mahal ko~” Yan na naman siya kung  anu-anong  tinatawag =___=.

 "Tigilan mo nga yan may pangalan ako . Gusto mo spell ko pa sayo? ,S-H-I-E-L-A  okay na o gusto mo pa ulitin ko ulit ."

 "Mahal ko  naman wag ka na highblood .Sige ka tatanda ka yan"

"Pake ko!,  magbihis ka na nga !" dami alam  kung anu-anong lumalabas sa  bibig .

Tapos  sobrang bagal pa  parang babae kung  magpalit nagdamit dapat nga  siya yung  naghihintay dito  ehh.

"Mahal ko  pasensya na nainip  ka ba  sa kakahintay   sorry  haa "

"Ganun!?,  ang bilis mo nga  grabe kahit  wag  ka nang  lumabas."

 "Mahal ko naman ehh"

 "Halika na nga baka magbago  pa isip ko".habang naglalakad kami na pansin kong maraming  taong   nakatingin samin tapos  halatang  kami  yung  pinag-uusapan nila pero  hindi  sila nakatingin sakin kundi  sa kasama ko .

Kaso hanggang  dito  ba naman sa loob ng bus  marami pa rin ?!.

Halos lahat  na ata  ng babae dito  malulusaw na  sa sobrang titig   kay alex eh .

Haayz,hindi ko sila  masisisi  kasi gwapo nga  talaga siya.

Ngunit bigla  ng huminto yung bus kaya na out of balance ako    buti na lang nasalo  agad nya  ko  .

 “Okay ka lang?”.sabi niya

“Ah... o- oo okay lang ako...” nauutal na sabi ko bakit ba nauutal ako  habang  hawak niya bewang ko .

 Dahil dun marami na akong naririnig na chismisan sa mga inggetera unggoy at hindi ko ito nagugustuhan .

“Sis, tignan mo napakafeeler niya !. Ang panget-panget naman bakit kasi  siya pinagtyatyagaan nun?” sabi  ng   babae  sa loob ng   bus sabay  tingin sakin  ng masama  kulang na lang kainin na niya ko ng  buhay .

  “Kaya nga ,siguro naaawa lang” sagot nito   sa ganyang  kaibigan   ata   tssk   bagay  sila  mga  tao  kulang sa pansin.

 “Malamang nga! Impossible na patulan siya yan.Ang gwapo kaya niya !” sa  nito  na  medyo   tinagago pa yung  tawa sakin   pero   kitang  kit anaman  at nagbulungan pa sila pero   rinig na rinig naman kapag  ako hindi  nakapagpigil  pagsasapakin  ko  na to ehh. 

Pero bago pa  ko lumapit sa kanila  bigla na lang nagsalita si Alex. At biruin niyo lumapit siya sa dalawang babaeng tipaklong tapos - -.

"Pwede bang tumigil na lang kayo kung wala kayong  magandang sasabihin? .Bago kayo manlait ng iba tumingin muna kayo sa sarili ninyo." sabay hila  sakin pababa.

“Okay ka lang?”

Hindi  ko inaasahan na sasabihin niya yun.

Na touch  ako dahil ubod siya ng sweet tapos niyakap   niya  ko nagmahigpit sabay sabing, “Wag kang magalala hindi ko  hahayaan  na mangyari    yun."

Your Dream DollBasahin ang storyang ito ng LIBRE!