// 7

166 8 0

// 7

Tahimik akong nakaupo sa upuan ko habang may sinusulat. Ako nalang ang natitira sa classroom at wala na ang ibang estudyante, maski ang professor. Malamang ay nagpuntahan na sa ibang klase o maaari namang ang iba ay tulad kong may break time ng halos isang oras. Imbis na kumain nanaman ang gawin ko, bumabalik nanaman ako sa dati kong gawi na mas inuuna ang kung ano pa kaysa sa pagkain. Homework kasi ‘tong ginagawa ko at kailangan na ‘to mamaya.

Habang nagsusulat ako ay naramdaman ko bigla ang presensya ng isang tao malapit sa’kin. Paglingon ko sakanya ay nagulat akong makita siya. Nilibot ko ang mata ko sa classroom, wala nang tao. Anong ginagawa niya rito? Hindi naman rito ang department niya.

“Janina, pwede ba tayong mag-usap?” tanong niya.

“P-princess, ano kasi e, may ginagawa ako,” turo ko sa notebook na nakapatong sa lamesa ko, “Importante ba? Pwedeng sa ibang panahon nalang?”

“Mag-usap tayo.”

Daretso ko lang siyang tinignan nung sabihin niya ‘yon. Kung nung unang beses ay nagtatanong siya, ngayon ay sinabi niya talagang mag-usap kami. Walang pero pero, walang bakit bakit.

Sinara ko ‘yung notebook ko at humarap sakanya habang siya ay nanatiling nakatayo sa harap ko. Ibang iba ang itsura niya at pakiramdam kong parang iba rin ang aura niya, ang seryoso rin ng itsura niya. Nawala ang malapad niyang ngiti na madalas ay nakapaskil sa mukha niya. Mukhang importante nga ang sasabihin niya at mukhang seryosong usapan ang mangyayari.

“Sorry.”

Unang sabi niya palang niyan, agad na tumaas ang pareho kong kilay kasabay ng onting paglaki ng mata ko. Gusto kong itanong kung bakit, kung para saan, pero hindi ko magawa. Mas naiwan akong tulala at daretso lang ang tingin sakanya habang nag-iisip ng mga posibleng dahilan kung para saan ang hinihingi niya ng tawad.

“Naaalala mo pa ba nung tinanong kita noon kung anong problema?” tanong niya at nagpatuloy siya, “Ako pala ‘yung problema, Janina.”

“A-anong pinagsasabi mo, P-princess?”

“Ang selfish kong tao, hindi ko na inintindi ‘yung nararamdaman ng iba. Sariling kasiyahan ko lang ‘yung inisip ko.”

Nagsimulang kumislap ang mga mata ni Princess dahil sa mga luhang namumuo na sa mata niya. Medyo naguluhan ako, anong pinagsasabi niya at bakit siyang umiiyak?

“Alam kong mahal mo si Chris, Janina.”

Nang sabihin niya ‘yon, agad na nanlaki ang mata ko at hindi ako agad nakapag-salita. Daretso lang kaming nagkatinginan sa isa’t isa. Speechless ako, habang siya ay may mga tumutulo nang luha sa pisngi niya.

The Cherry Blossom TreeBasahin ang storyang ito ng LIBRE!