Chapter 1

26 1 0
                                        



Kanina pa ko nag aabang sa labas ng gate. Papasok na ba ko o hindi pa?!
7:45 na ng umaga. 15 minutes na lang magsisimula na ang klase


"Konting tiis pa Shanaia" utas ko sa sarili


Ramdam ko ang pagtulo ng pawis mula sa noo ko.


Nang wala na masyadong estudyanteng pakalat kalat ay kumaripas na ko ng takbo


"Oh tol! Ayun!"


Kahit malayo ay dinig ko paring sigaw ng isa sa kanila


Anak ng tokneneng. Maawa kayo sakin! Mas binilisan ko pa ang takbo pero nagulat ako ng may sumulpot na dalawang impakto sa harap ko kaya napahinto ako


Hinihingal na hinarap ko ang dalawa. Nakangisi sila at parang sinasabing wala akong takas


"Why are you late?" Tanong ni Gabriel mula sa likod ko kaya napaharap ako sa kanya


"Bully" saad ko sa isip ko


"H-hindi pa. May 7 minutes pa ko" sagot ko


Tumikwas pataas ang isang kilay nya.. Naku po! Gusto ko pang grumaduate.


Kita ko ang paglibot ng mga kasama ni Gabriel sakin. Siyam silang lahat at pag nagkataon na magsalita pa ko ng ikakainis ni Gabriel sa morgue na ang kalalagyan ko


"Your always early at school but now... Your always late. Tell me, are you avoiding me?" Sabi nya at mapanuri nya akong tinignan.


Mabilis akong umiling. Juice colored. Wag sana nyang maisip na nagsisinungaling ako


"M-may nakalimutan kasi akong gamit sa bahay eh kaya binalikan ko pa t-tapos yun hehe" ngiting hilaw kong sagot dahil sa abot langit kong kaba


"Good. And don't you dare to avoid me or hide from me, got it?" Seryosong banta nya


"O-opo" mabilis kong sagot


"Here make sure na hindi madudumihan o masisira yan" banta nya.
Agad kong kinuha ang iniabot nyang box ng chocolate na pa heart shape ang container.
Wow imported! Amoy palang, amoy mayaman na!


"Ibibigay ko yan sa babaeng gusto ko kaya ingatan mo yan" seryosong sabi nya at tinitigan ako sa mata


"Opo boss" maingat kong sagot at baka malintikan pa ko ng kupal na to! Bully talaga! Tsk at sa huli na late ako.
Malas malas malas talaga!!! 


BullyWhere stories live. Discover now