x49: Suddenly..

Magsimula sa umpisa

=3= 


Sinuot ko na yung shirt ni Adrian nang hindi nakabra. Tapos tinignan ko ang sarili ko sa may salamin. 


Hmm.. Pwede na.. Buti medyo makapal 'tong damit kaya di halatang wala akong suot na bra. Pero pasimple ko pa ring tinakpan ng bath towel itong dibdib ko nang lumabas ako ng CR. 


Bumalik ako sa sala. Nandun si Adrian, nakaupo sa mahabang sofa at TULOG?! 


"HUY ADRIAN.." 


"AH!" napaayos sya ng upo. "OO, OO! ANO? BAKIT?" 


Pft.. Hehe.. Adrian talaga.. Lagi na lang antok.. 


"Ligo ka na.." sabi ko sakanya. 


"Hmm.." tumango sya sabay hilot sa ulo. Pero agad syang lumingon ulit sakin.


Seryoso nyang tinitigan ang..ang legs ko?! O///O 

"Dun ka dapat magoovernight sa bahay ng kaklase mo diba?" tanong nya. "Tapos ganyan kaiksing shorts ang susuotin mo dun?"


Napatingin ako sa shorts ko. Half ng hita ko naman ang haba nito ah! Nagmukha lang syang mas maiksi kasi malaki 'tong tshirt na suot ko.


"Ahh yaan mo na." tumayo sya habang nagkakamot ng ulo. "Matulog ka na. Dun ka na sa kwarto ko. Ako naman dito na lang." 


"Eh di pa ko pwedeng matulog. May gagawin pa kong project. Pero..uhm..pwede ko ba palang mahiram yung..yung laptop mo?" nahiya pa ko. Psh. 


"Oo naman. Ayun oh, gamitin mo lang." tinuro nya ang drawing and study table nya na nandito lang din sa sala. 


"Okay. Salamat." nginitian ko sya. 


"Kung gusto mo rin ng maiinom, kuha ka lang dun sa kusina. Kape o beer, meron dun." 


Tumango lang ako tapos nagpunta na syang CR. 


Kinuha ko na ang laptop nya at dito ako sa may center table pumwesto. 


Astig ng wallpaper nya. Black sports car. Haha. Buti hindi yung mga vixen. =.= 


Pinlug ko roon ang flashdrive ko. Ioopen ko na sana yung document file na kailangan kong tapusin kaso..nacurious naman daw ako sa mga file na meron si Adrian? 


So ito.. Chineck ko nga ang files nya. Inuna ko yung images under ng folder na 'anakkotoh!'. Natuwa ako sa laman nun. Puro pictures ng baby ko eh! Err..ng baby pala namin. :)) 


Ang cute. Meron ding kuha na silang dalawa! Ma-copy nga toh lahat! 


While copying, patuloy lang ako sa pagbrowse. May isang video akong nakita. 


I opened it and.. WAAA! BABY KO RIN TOH! *o* 

Playboy's Baby (PUBLISHED UNDER POP FICTION)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!