sya^si Shai! si @shairylsharkin~ ehe. thanks sa patuloy na pagread ditetch sa PB.. ;))

- - - -

x49: Suddenly.. 


[RACHELLYN's PoV] 


Pagkapasok namin ni Adrian sa unit nya, dumiretso sya sa kwarto nya habang ako ay nagstay sa sala at chineck ang mga gamit kong nabasa. 


Yung phone ko, talagang ayaw na mag-on. Yung laptop ko, basa rin. T3T 


"Chelle. Mali— Oh? Ano yan? Mga nabasa?" tanong ni Adrian. 


"Oo eh.. Yung phone ko nga ayaw na mag-on.. Ito kayang lapt—" 


"Wag mo buksan." pinigilan nya ko nang subukan kong i-on ang laptop ko. "Basa ang loob nyan. Hayaan mo munang matuyo yan o di kaya dalhin mo muna sa technician. Pati yang phone mo." 


"Ganun.." 


"Oo. Oh." inabutan nya ko ng bath towel. Meron din syang kanya na ginagamit na nya pamunas ng ulo nya. "Maligo ka na muna." 


"MALIGO?" O.o 


"Oo? May hot shower dun kung ayaw mo maligo nang malamig ang tubig." 


"Ahh.. Sige.." tinanggap ko na yung towel at tinignan ulit ang loob ng bag ko. "Ehh may extra ka pa bang damit na pwede ko masuot? Kahit anong tshirt pwede na. Mga nabasa kasi yung karamihan ng dala ko." 


"Meron, meron. Saglit lang." bumalik sya sa kwarto nya. 


Nilabas ko naman ang ilan pang mga gamit ko na nabasa at pinatong sa may single couch para patuyuin sila. 


Naku naman.. Pati pala bra ko, nabasa! >3< 


"Ito na Chelle oh." Si Adrian! Madali ko namang binalik yung bra ko sa loob ng bag ko. 


"S-Salamat. Hehe.." 


Plain black shirt itong binigay nya. Sa isang tingin pa lang eh alam ko nang malaki sakin tong damit nya pero pwede na. Pwede na kaysa wala akong masuot. =___= 


Si Adrian ang gusto ko sanang mauna sa pagligo pero pinilit nyang ako na ang mauna eh. Nagpapilit naman ako. 


Binilisan ko na lang ang pagligo ko pati ang pagbihis. Buti na lang di nabasa itong panty at shorts ko. Palibhasa nasa pinakailalim sila ng bag ko. 


Kaso paano na yung bra ko? Pag sinuot ko yun, mababasa rin tong damit ni Adrian.. 


T3T 


>3< 


Playboy's Baby (PUBLISHED UNDER POP FICTION)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!