Chapter 11 (Why?)

123 1 0

Tapos na ang junior year namin at kasalukuyan akong umiiyak.

Not because someone died.

But because Nat somewhat cheated on me.

Meron na siyang girlfriend.

YUP.

Girlfriend.

As in G-I-R-L-F-R-I-E-N-D!

Uso pala yun.

Uso palang sabihin sayo ng isang lalake na ikaw lang ang gusto nya at kaya nyang maghintay pero magkakaroon sya ng girlfriend bigla nang hindi mo namamalayan.

Kaya pala nitong mga nakaraang araw ay panay sa palusot na maglalaro daw siya ng basketball kasama ng mga kaibigan niya.

Tapos pagdating naman ng gabi tatanungin lang ako kung kumain na ako tapos magtetext kami sandali at after nun ay magpapaalam lang na may gagawin sandali tapos bigla nalang hindi magrereply.

Yun pala ay may pinopormahan nang ibang babae ang mokong at ngayon sila na.

Grabe.. nauto niya ako dun ah.

Ang galing niyang artista pag nagkataon.

Payag akong maging manager niya kahit ayaw nya!

Naku sisikat yung lalakeng yun at ang dami pang fans na magkakandarapa sa kanya!

Yayaman pa kami pareho..

Maischedule na nga ang audition niya sa mga tv station.. baka makapasok, sayang din naman kasi yung talent niya kasi hindi lang pang Pilipinas yung ganung klase ng artista.. pwedeng pwede syang itapat sa mga artista sa hollywood!

Ayaw nya nun.. kota sya sa dami ng babaeng maiinlove sa kagalingan nyang umarte.

Konting muscles lang ok na tapos Vicky Belo na rin ng konti para sa pangong ilong nya na akala mo naapakan nung bata pa sya tas hindi na nakarecover kaya ayun.. parang flat na gulong

Sayang talaga, tinapay na baka maging bato pa.

Kung totoo lang talaga si Batman ay sure akong bugbog sarado ka na sa kanya at malamang ay 50/50 na lang ang buhay mo!

But what a nonsense idea na ipapatay siya sa imaginary Batman ko..

Kung hindi ko nga magawang itext manlang siya.. makita ang pangalan niya... makita ang mukha niya.. at lalong marinig yung boses niya, anong magagawa ko para mabuntong sa kanya yung galit ko.

Well, wala naman akong karapatang sabihin na "he cheated on me" dahil hindi naman kami at feeling ko na hindi na magiging kami.

Pero nangako siya.

Sabi niya makakapaghintay daw siya.

Sabi niya ako lang.

Sabi nya loyal sya.

Sabi niya mahal niya ako..

But what about now?

May girlfriend na siya.

So ganoon nalang ba?

As in yun na lang yun?

WHAT A NONSENSE CRAP!

Edi sana matagal ko na siyang nilayuan kung ganito lang rin naman ang mangyayari.

Napagtripan lang niya ako.

Or should I say, pinagpustahan?

Ang daming possibility na pumasok sa utak ko tulad ng ginawa niya yun kasi ayaw niya talaga sa akin from the start.

O kaya naman nagsawa na siya sa ugali ko na hindi manlang nagiging sweet kahit konti kahit pa kaming dalawa nalang dahil imbis na maging sweet ako sa kanya.. inaasar ko lang sya.

Baka mas prefer niya yung easy to get type of girl.

Siguro madali syang matuwa sa mga babaeng unang gumagawa ng first move na tipong hi with kiss sa cheeks agad na akala mo kano ang mokong.

Baka pagkakita palang sunggab na agad... patol patol na.

Siguro nabuntis nya!

Tapos magulat nalang ako nagpakasal na sila tas imbis na mag aral si Nat eh magtatrabaho nalang sya para buhayin ang magiging mag ina nya.

Pero hindi ko naman masabi na ganoon nga yun kasi wala naman akong proweba.

Ah basta!

Nalaman ko ang tungkol doon dahil sa sobrang kapal ng mukha niya para padaanan ako ng group message na nakalagay ang tawagan nila nung girl at 'i love you' sa dulo ng message.

Noong una ay nagtaka ako kung bakit ganon.

Pero nung sumunod na gm niya ay mayroon ding nakalagay doon na katulad nung huling gm.

From then on, I conclude that he has another girl nang hindi manlang sinasabi sakin para manlang magkaroon kami ng closure.

Ang dali lang naman sabihin na hindi na ako yung gusto nya at may bago na syang niligawan na mas ok sa akin, na mas malambing, maganda at hindi sya inaasar.

Sa sobrang inis ko, napapasabi na lang ako ng,

"Wow ha?"

"Marami pang lalake sa mundo!"

"Magsisisi ka rin sa ginawa mo!"

"I don't need a stupid guy like you!"

"Ang panget mo loko ka!"

"Wala kang isang salita!"

"Don't you dare text me again and say i love you or i'll kill you!"

"Isa kang babaero!"

But the most impossible to forget that i'd actually said is,

"I really really hate that I love you, you stupid piece of crap!"

I'll kil you soon enough with my bitterness.

Maghahanap ako ng ibang lalakeng pagseselosan mo loko ka!!

Sisiguraduhin kong magmamakaawa ka na bigyan kita ng second chance!

Sorry pero, ang pagkakamali ay dapat pinagbabayaran.

You made a wrong move there bro.

Mali ka sa pagpili ng taong sasaktan..

Mali ka nang pinili mong saktan ang isang babaeng katulad ko.

Maling mali.

Na sa sobrang mali... ang sakit sakit.

What About Us?  [COMPLETE]Basahin ang storyang ito ng LIBRE!