Prologue

2.2M 33.1K 15.2K

Prologue

"What's with the junk intake, Meg?" Tanong ng pinsan kong si Everlyse.

Titig na titig ako sa malaking flatscreen namin. Dapat ay may sagot na siya sa tanong na iyon. Hindi ko na siya sinagot. Dahil sa panunuya ng kanyang boses ay alam ko na kaagad kung ano ang pinaparating niya.

Pinapak ko ulit ang nakalatag na Cheerios sa aking tiyan habang pinindot ang repeat button sa remote control.

Everlyse smiled. Ni hindi ko na kailangang lumingon sa kanya para makumpirma ang ngiting aso niya.

Tumunog ang plastik ng Cheerios. Kumuha din siy galing doon. Hinintay kong makakuha siya bago kumuha na rin ng akin at isinubo iyon, nakatitig parin ako sa flatscreen.

"I know you've packed..." She trailed on. Wala parin akong masabi.

Tinutok ko ulit ang remote control sa TV at nireplay ulit ang pinapanood ko sa Youtube. Gusto ko ang video na ito, klarong klaro ang mukha niya. Madalas kasing hindi makuha 'yong mukha niya habang tumutugtog.

"We should check the bags. Finalize, Meg." Utas ng pinsan ko.

"I'm not in the mood." Sagot ko.

"I know you're thrilled. Or... what... I'm not sure if you are thrilled or scared."

Nilingon ko si Everlyse.

She's right. I'm thrilled and scared. Umaapaw ang excitement ko sa pag uwi namin ng Pilipinas. It's been years. Ilang beses kong tinangkang umuwi pero hindi ako kailanman nagkalakas loob. Kahit sa pasko. I would rather stay in this cold place.

"Oh my God. I can't believe you're still obsessed with the same boy for years!" Umirap at tumawa ang pinsan ko.

"I'm not obsessed." I said.

"Ilang beses mo na 'yang dineny. You told me years ago na you tattooed his name to forget!"

"I tattooed his name to forget! But I didn't." Iling ko.

"You've got to be kidding me. 'Nong una, sige, pinabayaan kita since you are that broken little girl. But right now, Meg, ang masasabi ko, sayang lang ang ganda mo!"

Bumaling ako kay Everlyse. Halos pareho kami ng features sa mukha. Magkasing edad kami at lumaki ng sabay. High cheekbones, thin pouty lips, straight hair, slender, and tan. Magkaiba kami sa parteng iyon. Maputi ako, mana kay mommy. Although I envied her bronze skin. Madalas akong nagyayayang magpa-tan para lang mapantayan siya. But you can't change what's natural. And maybe... it's natural for me to love one boy for this lifetime.

"Dapat ay matakot ka na. Pagdating natin ng Pilipinas, imposibleng wala siyang girlfriend. Paniguradong meron-"

"I stalked him. Wala siyang girlfriend. Though, pakiramdam ko may kung ano sa kanila ni Coreen."

"Oh my God." Irap ulit ng pinsan ko. "Couz, grabe. Ayoko na. You're creeping me out. Don't stalk him, alright?"

Umirap din ako at tumingin ulit sa TV.

"Ikaw ang nang iwan kaya ikaw ang umiwas ngayon. You can't do that again." Sabi ni Everlyse.

Worthless (Published Under MPress)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!