Chapter 32: His Loss

1.5K 67 11
                                    

CHAPTER 32: HIS LOSS

Cold. It’s slapping me, penetrating its touch beneath my skin. But I can’t feel any pain.

It’s getting colder and colder. Then it stopped… I can now feel the warmth spreading on me, on my face. I opened my eyes and felt the piercing rays of the sun which made me close my eyes again.

Am I dead? Pakiramdam ko kasi nakalutang ako.

“Chloe…”

That voice. “Harvey!” I reached out my hand towards the sky. Naramdaman ko na lang na hinahawakan niya ang palad ko at binababa ito pabalik sa aking katawan.

“Ibigay mo na siya sa’min, totoy.”

“Halata namang wala kang laban sa’min. Wala ka nga atang armas na dala.” Tumawa ang isa pang lalaki. "Napakatapang.”

Bigla akong kinabahan. Hindi pamilyar ang mga boses nila sa pandinig ko. Ang gaspang at ang lalim ng mga boses nila, ‘yung tipong unang rinig mo pa lang alam mo nang nagbabadya sila ng hindi maganda. Napakapit ako sa damit ni Harvey. Ngayon ko lang din napansin na buhat – buhat niya ako.

“Harvey…” Humigpit ang pagpulupot ng mga braso niya sa katawan ko. “Natatakot ako.”

Akala ko, matapang na ako. Na hinulma na ako ng kapansanan ko para maging matapang. Ngunit mas nakakatakot pala ‘yung isipang wala kang makita sa mga panahong nanganganib ka na.

Rinig na rinig ko ang pagtambol ng puso ni Harvey. Ilang sandali lang, humugot siya ng malalim na hininga. Nagulat ako nang bigla siyang magsalita.

“Papatayin niyo ako kapag hindi ko siya binigay sa inyo?!” sigaw niya. Sa bawat salita na nilalabas niya, bumibilis pa lalo ang kanyang paghinga.

I heard a gun being cocked, mas lalo akong kinabahan. “Hindi, bata. Gusto ni boss na humihinga ang mga kaibigan niya.” sinabi niya iyon sa boses na parang naka – inom. Para siyang lasing kung magsalita.

Harvey let out a nervous laugh. “Hindi naman pala eh edi – “

“HARVEY!” I said, half – crying and half – shrieking. Alam kong binaril siya pero saan?! Hindi ko na pinansin ang pananakit ng likod ko nang bumagsak kami dahil mas inalala ko ang lalaking ngayo’y ngumingiwi sa sakit. “Harvey! Anong nangyari?! Magsalita ka… Sabihin mo sa’kin.”

Ngunit tanging paghinga lang at mga pag – impit ng boses ang naririnig ko mula sa kanya. Sinusubukan kong kapain ang mukha niya ngunit iniiwas niya lang ito mula sa’kin.

Palapit ng palapit ang mga yabag mula sa’min. “Pero kaya naming gawin ‘yan.”

Tumawa ang lalaking may pagkalasenggo ang boses. Bumunot ako ng damo mula sa kinauupuan ko at sinimulang batuhin ang kawalan. “Mga hayop kayo! Wag mong tangkaing lumapit sa’min!”

Sightless Love [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon