20 Shits About Lei

3.1K 192 154

Nai-tag pala ako sa ganito kaya gagawin ko na. Hahaha. Itinag ako ni Cher (greatestB) at ni Momo (yoursuperheroine), salamat sa pag-tag! Hindi ko masisiguradong interesado itong mga inilagay ko dito pero kayo na ang bahala kung gusto niyong basahin. XD

1. Ayoko sa taong maaarte. Kapag may nakilala akong isang taong maarte, iiwasan ko na kaagad baka mapektusan ko lang. Chos.

2. Hindi ako friendly. (Maliban kapag nakikipag-usap through social networking sites). Mahiyain kasi akong tao kaya hindi ako 'yung tipong mag-aapproach sa isang tao para lang makipagkilala.

3. Mahilig akong manood ng horror movies pero matatakutin naman ako. Kapag nakapanood ako ng isang horror movie, isang Linggo akong hindi makakaget-over.

4. Kung titingnan sa panlabas, tahimik ako pero kapag nakausap mo na ako non-stop akong kausap lalo na't interesado ako sa magiging topic like KPOP, Anime, Manga, Wattpad, English Novels at kawalanghiyaan.)

5. NBSB ako. Maliban sa dahilang ayaw pa ng Papa ko, ayaw ko pa rin naman talaga kahit na nacucurious ako sa pakiramdam ng merong boyfriend. Tsaka natatakot din ako na baka lokohin lang ako o kaya saktan ako. 

6. Isip-bata ako pero kaya kong maging mature depende sa sitwasyon.

7. Kung ire-rate ang katamadan ko from 1-10, baka mga 10 dahil sobrang tamad ko talaga na kahit pagbangon kinatatamadan ko na.

8. Tamad ako pero ginagalingan ko naman sa pag-aaral kaso kahit anong gawin ko, sa Math lang talaga ako bumabaksak. In short, I HATE MATH.

9. Moody ako. Mamaya ang saya-saya ko pero mamaya ang sungit-sungit ko na. I can't control my emotions.

10. Judgemental akong tao pero hindi ko sinasabi ng harapan, madalas sa mga barkada kong judgemental din.

11. Sa sobrang daming problema na dumadating sa buhay ko, feeling ko immune na ako.

12. Mabilis akong maiyak na kahit simpleng iyakan sa isang palabas naiiyak na kaagad ako.

13. Mahilig ako sa anime at manga na kahit alam kong drawing at pinagalaw na drawing lang sila, gusto ko na silang pakasalan.

14. I love KPOP. 

15. Malalaman mo na kapag galit ako, hindi ako nagsasalita at hindi kita kinakausap. May dalawang bagay akong ginagawa kapag galit ako, minsan hindi ko mapigilan ang bibig ko, magra-rant ako ng magra-rant pero madalas tatahimik na lang ako at hindi ka papansinin.

16. Hindi ko naimagine sa buong buhay ko na makaka-experience ako ng isang bagay na sobrang sakit na hanggang ngayon kapag naaalala ko, naiiyak at nasasaktan pa din ako, 'yun 'yung namatay si Mama.

17. My pen name shinkumi came from Shin and Yankumi ng Gokusen. Nung magsimula ako sa wattpad ay adik ako sa kanilang dalawa kaya 'yun ang ginawa kong pen name at hindi ko na binago pa.

18. Pangarap kong magpagawa ng bahay na may malaking library para doon ko ilalagay lahat ng favorite novels ko at mga manga.

19. Mababa ang self-confidence ko. Ayoko 'yung tatayo sa unahan ng classroom. Ayoko ng nagpeperform sa harap ng maraming tao. Ayoko din ng may tumitingin sa akin.

20. Hindi ako showy sa feelings ko. Pinaparamdam ko ang affection ko towards a person using action, i'm not good at words.

20 Shits About LeiBasahin ang storyang ito ng LIBRE!