Rain.Boys Chapter: 33 <>Finale<>

Magsimula sa umpisa

        "Hindi na talaga, salamat na lang. Sarah, Eunice, pano mauna na ako sa inyo ah ingat na lang kayo sa pag-uwi." ang sabi ko bilang pagpapaalam sa dalawa na nag-aayos pa ng gamit, nagsimula na akong maglakad palabas ng gym upang makauwi na ako at para makapagpahinga na din dahil napagod talaga ako noong araw na yon. Hindi na din ako nagpahintay kila Russel para may kasabay ako pag-uwi dahil sa tulad ng inaasahan ko ay maggagabi na nga kami natapos.

        Nakalabas na ako ng university noon at naglalakad na ako papunta sa terminal ng jeep ng maisipan ko dumaan sandali sa 7Eleven upang bumili ng maiinom.

        Pagpasok ko sa 7Eleven ay dumiretso agad ako sa cold drinks section at agad ako kumuha ng isang can ng iced coffee latte, pagkakuha ay diretso agad ako sa counter para magbayad at nang makabayad na ay agad akong lumabas pero saktong paglabas ko ay biglang buhos ng malakas na ulan.

        "Anak ka ng kape, pano to wala pa naman akong payong na dala." ang bulong ko, hindi ako bumalik sa loob ng convenience store dahil ayoko talaga bumabalik once na nakapgdecide na akong lumabas, pero mukang matatagalan pa ang pagbuhos ng ulan at nakakaramdam na din ako ng pagkaginaw kasi naman kape nga ang iniinom ko malamig naman.

        "Ulan tumila ka na please." ang sabi ko habang nakatingin ako sa langit at pinagmamasdan ito na nagliliwanag sa animo'y flash ng camera na kidlat.

        "Hindi ka pa din ba nadadala?" ang sabi ng familiar na boses at ng tumingin ako si Arwin nakatayo sa harap ko at nakapayong. Wait a minute kapeng mainit este malamig nangyari na to ah.

        "Anong sabi mo? At bakit ka nandito?" ang sabi ko.

        "Ang sabi ko hindi ka pa din ba nadadala, mas lalakas lang ang ulan pag ikaw ang nakiusap tsaka bakit ikaw ba may-ari ng lugar na to at bawala ako dito." ang sabi niya.

        "Bakit masama ba mag-try? Malay mo naman gumana di ba? Oh eh di dumaan ka bakit di ka pa umaalis." ang sabi ko na may pagsusungit.

        "May nakalimutan kasi ako." ang sabi naman ni Arwin.

        "At ano naman ang nakalimutan mo?" ang tanong ko at bigla niya akong hinila at nabitawan ko yung iniinom ko na kape.

        "Ikaw." ang sabi niya at siniko ko siya sa tagliran niya.

        "Ikaw, ikaw ka diyan nasayang tuloy yung kape ko." ang sabi ko.

        "He-he palitan ko na lang bukas, tsaka ang mahalaga di ba ay ang makauwi ka kaya tara na." ang sabi niya sabay akbay sa akin tulad ng akbay niya noong una niya ako pasukubin sa payong niya.

        "Na-miss ko to..." ang bulong ko.

        "Ano Luke? May sinasabi ka ba?" ang tanong ni Arwin.

        "Wala, sabi ko hindi ko utang na loob to dahil pinilit mo lang ako ulit at may utang ka na kape sa akin." ang sabi ko at ngumiti lang ang mokong.

        Sabay at magkasukob kami sa payong na binagtas ang daan patungo sa terminal ng jeep, pagdating namin doon ay nagkulitan pa kami kung saan ako sasakay pero dahil si Arwin ang kalaban ko hindi ko siya natalo ending magkatabi kami sa harap ng jeep tila nagkabalikan na kami kahit hindi naman, pero sa hindi ko malamang dahilan ay masaya ako sa mga sandaling iyon.

        Kinabukasan, gabi na ng pageant lahat ay hindi na magkandamayawa sa mga dapat nilang gawin buti na lang ako madami tumutulong sa akin na mga kaibigan ko kay hindi ako ganon katensiyonado, sila Francis ang umasikaso sa amin ni Sarah, ang grand entrance kasi namin ay ang national costume ng bansa na nabunot namin, si Sarah super mukang prinsesa sa suot niya idagdag mo pa ang mga makikisap at makikinang na accessories niya, at ako siyempre bongga din I wear a super gandang Japanese Emperor costume na naglalaro sa kulay ng red, gold, and black isama pa dito ang napakagandang patterns at design.

Rain.BoysBasahin ang storyang ito ng LIBRE!