A/N: And I am baaaaccckkkk!!!! Haha! Xenxia na mga sweetheart kung napatagal ang update. Anyway heto na po, paValentines day qoh po sa inyo. Hope you enjoy this chapter.

This chapter is for cherryjacob061310. Super duper late pabirthday gift qoh sauh, Pa-Xmas and pa-New Year na din. Hehe! Plus, paValentine's day pa! Thankie sa support! Enjoy reading, sweetie!

Happy Valentines day sa atin lahat!

****

Nagising si Chloe dahil sa nanunuot na lamig mula sa sahig na hindi niya namalayan na doon na pala siya nakatulog, dala marahil ng labis na pag-iyak kaya ginupo na siya ng antok sa mismong sahig na iyon.

Kahit masakit ang katawan dahil  sa pagkakahiga sa sahig, ay pinilit niyang tumayo para ayusin ang sarili. It's a new day for her, panibagong araw, panibagong sakit  ba ulit ang mararansan niya mula sa binata?
Nagtuloy si Chloe sa banyo para maligo. Pagkaharap niya sa salamin, parang gusto niyang maawa sa sarili nang makita niya ang repleksyon sa salamin. Magulo ang buhok, mapula ang ilong at maga ang mga mata. Tanda nang sobrang pag-iyak magdamag.

Muli na namang namuo ang mga luha sa mga mata niya. At isa isang nagbagsakan.

Lumayo ka na lang, Chloe. Bago ka pa tuluyang masira ni Warren. Bulong ng isang bahagi ng isipan ng dalaga.

Lalayo?  At ano? Para ipakita na natatakot ka sa kanya?  Sagot naman nag kabilang isip niya.

Oo natatakot ako. Natatakot ako sa maaari niyang gawin. Baka hindi ko kayanin. Sabi ulit ng isip niya.

Huwag kang panghinaan ng loob, Chloe. Be strong. Huwag mong ipakita kay Warren na kayang kaya ka niyang saktan. Magpakatatag ka lang. Pagpapalakas loob pa ng isip niya.

And with that thought, she gently wiped her tears. Saka matatag na humarap sa salamin, and stares straight on her reflection.

"Tama, Chloe. Be strong." Matatag na sabi niya sa sarili.

Kumilos na siya para maligo. She needs to go to work. At may laban pa siyang haharapin.

****

"Good morning, Ms. Chloe!" masayang bati ni Manong guard sa dalaga pagpasok niya sa loob ng building ng Madrigal Builders.

"Good morning din po!" masigla ding tugon ng dalaga, as if wala siyang pinagdaanang lungkot at sakit ng kalooban na naranasan niya kagabi.

Pagpasok niya sa loob ay nakasalubong niya si Bianca. Maaga pa naman kaya siguro nasa labas pa ito ng HR department.

"Kamusta ang maganda kong bestfriend?"

"Ikaw talaga, Bianca. Anyway, okay lang naman ako."  Sana nga okay lang ako... magiging okay lang ako.

"Balita ko, umuwi ka daw  kahapon. Bakit?"

"Ah, medyo sumama lang pakiramdam ko kahapon, kaya umuwi ako." She just made an alibi, ayaw na niyang sabihin na pinag day off siya talaga ng boss nila, mahabang paliwanagan pa yon. At wala siya sa mood na alalahanin ang nangyari. Kota na siya kahapon.

"Sabagay, maaga ding umalis si Sir kahapon eh. Anyway, kamusta  na pakiramdam mo? Okay ka na ba?" Nag-aalalang tanong nito.

Pero hindi nagawang sagutin  ni Chloe ang tanong nito dahil nakuha ang atensiyon niya sa unang sinabi nito.

"Maagang umalis si Sir Warren?" Kunot-noong tanong ng dalaga.

"Oo. Para pa ngang nagmamadali eh."

"Baka may date sila nung bisita niyang babae kahapon."  She tried to say it casually, sana lang hindi nagtunog bitter.

"Date? Bisitang babae?" takang tanong naman ni Bianca. "Wala akong nakitang kasama niyang lumabas ng building." Tila nag-iisip pa ito. "Oh! I remembered! Yung babaeng naka-yellow?

The Broken PrinceBasahin ang storyang ito ng LIBRE!