Chapter Twenty Nine

Magsimula sa umpisa

"Oo."

"Nauna siyang umalis. Nakita ko siyang bumaba eh. Hindi naman niya kasama si Sir Warren, mag-isa lang siyang umalis. So, it means, hindi sila nag-date."

Pero iba ang tumatakbo sa isipan ni Chloe. Mga bagay na nagpapasakit lang sa damdamin niya. Marahil tapos na silang gumawa ng milagro, at dahil sa inuna nila gawin iyon kaysa magtrabaho si Warren, pinaunang umalis yung babae para makapagtrabho ng kaunti. At di ba ang sabi ni Bianca nagmamadaling umalis si Warren? Malamang sinundan na yung babae.

Napailing na lang si Chloe sa mga naiisip. At hinarap na lang ang kaibigan.

"Aakyat na ako. Kita na lang tayo mayang lunch." Paalam niya dito.

"Okay. See you later, bes!"

****

Pagdating ni Chloe sa second floor, kumunot agad ang noo ng dalaga nang mapansin niya na may nakapatong sa kanyang table.

At lalong kumunot ang noo niya nang makita na isang frappe na take-out mula sa isang sikat na coffee shop.

Nagtatakang nilapitan niya ang frappe, mukhang kalalagay lang nito dito sa table, at mukhang malamig pa dahil nagpapawis yung lalagyan gawa ng lamig nito.

Sino naman kaya ang naglagay nito dito?

As if answering her question in her mind, may biglang nagsalita.

"I hope you'll like the frappe."

Pag-angat ng ulo ni Chloe, sumalubong sa kanya ang nakangiting binata. Nakatayo ito sa harapan ng pinto ng office nito. Medyo napatulala pa ang dalaga kay Warren. Gwapo talaga. No doubt about that. Kaya hindi niya din maiwasan na hindi matulala minsan. Idagdag pa ang kakaibang ngiti nito ngayon.

"Good morning!" masigla pa nitong bati ng makalapit na ito sa harapang ng table niya. "Inumin mo na yang frappe, baka mawala na iyon lamig."

"S-sa iyo galing ito?" Turo niya sa frappe.

"Yes." Nakangiti pa ding sagot nito.

Bakit ba ngiti ito ng ngiti?  Anong meron? Kung makapang-insulto siya kagabi, wagas. Tapos ngayon wagas din makangiti.

At sa isipin iyon, tila nag-echo sa utak niya ang mga sinabi nito kagabi.

"I will still have you, even without marrying you."

Gustong matawa ng dalaga sa realization kung bakit ganito ang pinapakita ni Warren sa kanya. At the same time, may kirot sa puso na naramdaman ang dalaga. Dahil aaminin niya, may munting pag-asa ang sumibol sa puso niya. Na baka ito na yung second chance nila. Pero dahil nga sa banta nito. Agad na nawala ang pag-asa na iyon.

"Bakit?" Matapang na tanong ng dalaga, even if she already knew the answer, she still want to confirm it. Masokita, right?

"Anong bakit?" Balik tanong naman ng binata.

"Bakit mo ito ginagawa?"

"Ang alin? Ang bigyan kita ng kape? Actually, maaga kasi akong umalis ng bahay. Hindi ako nakapag-breakfast, so naisipan ko na dumaan sa isang coffee shop, para sa kape. Binilhan na din kita, baka kasi hindi ka din nakapag-almusal." Nakatingin lang ito ng diretso sa mga mata niya.  "Or maybe, let's just have breakfast together." Suhestiyon pa nito.

Hmm. Mukhang nag-uumpisa na siyang gumalaw. Ano bang akala nito sa kanya? Madaling makuha sa mga ganitong hirit niya? Na obvious naman na may gusto lang siyang makuha sa akin. He only wants my body. At hindi ako papayag.

"Stop this." Matatag na wika ng dalaga.

"Stop, what?"

"This. Stop this nonsense. You are too obvious. Stop the act, okay? Hindi mo ako makukuha sa mga ganyan mo. You want my body, right? You'll know what to do." After she said that, nakita niya kung paano magbago ang expression ng mukha nito. His jaw tightened.

"Kape lang iyan. Huwag mong gawing big deal." iyon lang at agad na itong tumalikod para bumalik sa loob ng office nito.

See? Nagalit bigla. Nabuking kasi.

And she wants to congratulate her self for being brave.

Tama yan, Chloe. Huwag mong hayaan na magtagumpay si Warren sa gusto niya. Masasaktan ka lang lalo.

Pero hinamon mo siya ng kasal. Sa tingin mo ba, kapag kinasal kayo, hindi ka masasaktan?

Kasal? Hindi niya gagawin yon. Galit siya sa akin. Alam kong hindi niya gagawin yon, kaya nga yon ang kondisyon ko eh. Katawan ko lang ang gusto niya. Masakit man isipin pero iyon ang totoo.

Kahit ano naman ang mangyari, masasaktan at masasaktan ka pa din.

Naipilig na lang ni Chloe ang ulo. Here she go again, mukhang napapadalas lately ang pagtatalo ng isip niya. All because of Warren. Natitigan na lang niya yung frappe na nasa table niya.

****

Samantala sa loob ng office ni Warren.

"Damn! Damn! Damn!" Inis na bulalas ni Warren.

"What to do? What to do?" Nagpabalik-balik ng lakad si Warren  sa loob ng office niya. He looked desperate. Yes. He is desperate to have Chloe on his bed.

Pero paano niya magagawa yon kung umpisa pa lang ay nababara na siya ng dalaga?

"And she wants marriage? Katawan lang ang gusto ko, bakit kailangang pakasalan?" He said to himself.

"Kung katawan lang pala? Bakit hindi ka humanap ng iba? Madaming babae! Why Chloe?"  Sagot din naman niya.

"Because she is Chloe! Pagkatapos ng ginawa niya sa akin? Hindi ako papayag na ibang lalaki ang makinabang sa kanya."

"You want Chloe for your self. You want to have her again and then what?" Patuloy niya sa pagkausap sa sarili habang palakad lakad pa din.

"Then leave her after  I'm done with her. Kapag nagsawa na ako. Kaya hindi  kailangang ikasal kami!"

"Ah, damn! Seriously, Warren? Makipag-usap talaga sa sarili?"

Ginulo lang niya ang sariling buhok sa inis. At muling nagpalakad-lakad sa loob ng office niya, habang nag-iisip ng paraan para makuha ang gusto niya. Ilang minuto din siya sa ganoon gawa ng mapahinto siya nang may idea na na pumasok sa isip niya.

He grinned with that thought.

"Hmm. Why not?"

****
Bitin? Haha! I know! I know! As always. Hehe!

Ano Warren? Valentine's day pero hindi ka nakahirit no? NgaNga! Ahahaha! Xenxia, hindi kita sinunod, bawi ka next chapter.

****
To those who wants to join our FB group, just search,

Ties And Laces Series.

****

A/N: Hope you enjoyed this chapter. Thank you!
Pasensya kung may mga wrong typos and grammar. Hehe! Not perfect.

If you liked this chapter, kindly press Like, Vote and Share. And leave some comments. Thankie Sweeties! 😙😙😙😘

And keep on supporting us. iamQVEEN, MissFranzAlexa, jdred24 MissJacee
Thankie, Sweeties!

👉Jheng👈

The Broken PrinceBasahin ang storyang ito ng LIBRE!