Kung ako'y may isang kahilingan
Nais ko sana'y muli kang makagisnan
At muling mahagkan
Mahawakang muli ang iyong kamay
Upang ako'y alalayan saking malungkot na paglalakbay
Kung sana'y nagtiwala sa'yo
Hindi sana tayo nagtapos dito
Dito sa puno kung saan ka naka-selyo
Puso ko'y labis na nagdidiliryo
Kung ang aking pangungulila
At labis na pagsinta
Ay iyong nadarama
Sana'y muli kang makita
Upang maipadama sana
Ang pagmamahal at pagkalinga
Nang sa huling pagkakataon
Ay mabura na lahat ng aking "Sana"
At mapalitan na ng masayang mga alaala
A/N: Pasensya na hindi naman ako kagalingan gumawa ng tula.
This was first posted on our group (Writer's to Watch out) as an activity. So bear with me. ^^