Simula

997 46 142
                                    

Pinili kong umupo sa isang sulok nang aming canteen, it's our breaktime, nag order ako nang pancit at nanghingi na rin ako nang tinolang sabaw. Habang kasalukuyan kong hinihintay ang kaibigang si Tina.

Hindi na man nagtagal si Tina, kumaway ako para makita niya, at agad na man ako nitong nakita.

Nakangiting umupo ang kaibigan ko sa aking harapan, at inilabas ang kanyang dalang baon, inilapag niya ito sa hapag at nilagyan niya ako nang isang hotdog.

"Kumusta ang trabaho, si sir Clyde ba okey lang?"

Napasimangot ako sa tanong nang kaibigan, hindi pa ako nakakarecover kanina sa nangyari. Naiinis ako sa boss ko hanggang ngayon. Ipinahiya kasi ako sa harapan ng mga kaibigan nito kanina.

"'Si boss Clyde? Ganon parin parang natalo sa lotto ang mukha Ipinanganak na siguro iyong suplado, sinalo niya lahat nang sungit nang mundo, nang nagpaulan nang kasupladuhan!" Nakasimangot niyang sagot sa kaibigan na nakanguso.

Agad naman siyang tinampal nang kaibigan sa kanyang noo. Gulat man pero nakabawi naman siya at hinampas ito sa braso nang mahina.

'"Iyong boses mo oi!, naku! Joy pag ikaw narinig nang mga taong yan," tugon ni Tina sa akin na tinuro-turo ang mga co-workers namin.

'"Lagot ka pag nagsumbong yan kay sir, kaya kung pwede lang iyong boses mo noh?,hina-hinaan nang kaunti.""

Mabilis ko namang tinikom ang aking bibig, at itinuon na lamang sa pagkain ang aking atensyon, napasulyap naman ako sa mga taong kumakain sa canteen.

Ngingiti-ngiti ang bruha kong kaibigan nang mapasulyap ako sa kanya, belat lang ang naging tugon nito sa akin at hinarap ang sariling pagkain. Iling lang ang naging tugon ko dito habang napapangiti na rin.

Advance ako ng 5mns. breaktime kay Tina, kaya nauna na ako dito, baka sumpungin na naman ang suplado kong boss.

'"Una na ako! Ako.

'Okey bes, ingats!"

Mabilisang lakad ang ginawa ko, kahit masakit ang tiyan ko, napangiwi tuloy ako sa sakit, hanggang sa pagmamadali ko, biglang nabunggo ko ang kung sino.

'Shit! Mura ni Thirdy! Maagap naman niyang nahawakan ang dalaga sa bewang, upang hindi matuluyang mabuwal.

Gulat akong napahawak sa dibdib ko, muntikan na akong mabuwal, mabuti nalang at maagap ang taong humawak sa akin para hindi ako tuluyang mabuwal.

'Sorry miss! Ani nang baritonong tinig.

Iniangat ko ang tingin sa taong nakahawak sa aking bewang, at maingat naman niyang tinanggal sa bewang ko ang mga kamay niya, familiar sa akin ang itsura niya.

'You must be joy right?, Clyde's seacretary?, may ngiting sabi nito.
'By the way I'm Thirdy!. Sabi nito sabay lahad nang kanang kamay nito sa kanya.

Nahihiya man, pero tinanggap niya ang kamay nang gwapong binata, chinito ito at kasing-tangkad lang ito nang boss Clyde niya, matangos ang ilong, at hindi rin ito patatalo sa tikas ng katawan.

'Sir, opo I'm Joy. Naiilang man pero nakuha niya paring ngumiti dito, saksi ito kanina nang pagalitan siya ni Clyde.

'Drop the sir, instead call me Thirdy! Tugon naman nang binata na ikinapula nang magkabila niyang pisngi.
'Friends na tayo, kaya Thirdy nalang.
Sabi nito sabay kindat sa kanya. Lihim tuloy siyang kinililig dito.

Sa aktong iyon naman sila nadatnan ni Clyde na nakakunot ang noong minamasdan sila, at tiningnan ang sariling relong pambisig nito.

'Hindi ka nagtatrabaho dito para lumandi Ms. Guevarra. May diing sabi nang binata sa kanya na lubos niyang ikinagulat, napayuko na lamang siya.
Parang sinampal siya sa tinuran nang amo.

Ang Masungit kong Boss (Under Major Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon