chapter 16:Sorry

18 0 0
                                    

Ilang araw na ang lumipas at na discharge na rin si Bernice sa hospital.Sinalubong ko sila sa sala.

"Bernice sorry."sabi ko.

Hindi niya lang ako pinansin at nag punta na siya sa kwarto niya.

"anak hindi madali sa kanya ang sorry ngayon."sabi ni mommy at sinundan nila si Bernice sa kwarto.Aalis na ko nag breakfast na rin ako.

*school

wala ako sa mood.Malungkot lang ako.Hindi ako nakapag focus sa mga lessons ko.Natapos na rin ang morning session.Nag punta na ako sa cafeteria.Kumakain ako naka yuko.Napansin ko na lang na may umupo sa harapan ko.

"Bella anong nangyari sayo?"tanong nang isang lalaki at liningon ko.

"Zailan anong ginagawa mo diyan?"tanong ko sa kanya.

"wag mo nga ibalik ang tanong sa akin.Alam ko malungkot ka.Halata naman eh.Wag mo i-deny."sabi niya.

"wala akong problema.Ikaw lang ang problema ko."sagot ko sa kanya.

"sige na ibuhos mo na.Nandito naman ako eh,papakinggan kita."sabi niya.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at napaluha na ako.

"Sila kasi eh.Their being unfair.Kinakampihan nila lagi si Bernice.Parang naiisip ko na mas pinaparamdam nila sa akin na ampon lang ako.Parang hindi ako.importante sa kanila."sabi ko sa kanya.

Nagpunta naman siya sa tabi ko at niyakap ako.

"okay lang yan.Nandito lang ako.Lagi kitang papakinggan."sabi niya.

"thank you Zailan."sagot ko sa kanya.

Inihatid na niya ako sa classroom ko.Nag lesson na naman na nakakaantok.Yun pa rin tulog pa rin ang utak ko.Nakatingin lang ako sa labas.Ang unfair talaga eh!hindi naman ako masamang bata.Nag ring na ang bell ibig sabihin non dissmisal na.Nakita ko si Zailan sa hallway sa tapat nang room ko.

"ano na naman ba ang ginagawa mo dito?"tanong ko.

"huwag ka nang mag reklamo Bella,ihahatid na kita."sabi niya.

"ayoko nga!"reklamo ko sa kanya.

"wala ka nang magagawa."sagot niya sa akin at hinila niya ang kamay ko.

Ipinasok niya ako sa kotse niya at nag pa drive na siya sa driver.Inihatid niya talaga ako sa bahay.Bakit niya ginagawa ito?

"nandiyan ka na.Paalam."sabi niya sa akin.

"sige bye.Salamat."sabi ko na lang sa kanya.

Bumaba na ako sa kotse at pumasok na sa bahay.

"sino yun?"tanong ni daddy.

"si Zailan,kaibigan ko."paliwanag ko kay daddy.

"siguraduhin mong hindi mo.boyfriend yun Bella."sabi sa akin ni daddy.

"Bakit ba ganyan kayo daddy?may kaibigan lang naman na lalake boyfriend na agad!masyado kayo kung manghusga!siya lang naman ang nag papasaya sa akin.At siya ang sandalan ko kapag malungkot ako.Tulad ngayon,sa kanya ko binuhos lahat nang sakit nang loob ko.Kasi hindi ko na kaya eh."sagot ko kay daddy at nag punta na ako sa room ko.

Pagpasok ko sa kwarto ko umiiyak lang ako.Saan ko ba napulot ang mga pinag sasabi ko kanina?bakit sinabi kong kaibigan ko siya?bakit ko nasabi na siya lang ang sanadalan ko pag malungkot ako?

Bumaba na ako para mag dinner.Nasa hapag kainan na lahat sila.Nag umpisa na kaming kumain.

"Bella boyfriend mo ba ang Zailan na yun?"tanong ni daddy.

"hindi po."sagot ko.

" ayus-ayusin mo.Hindi ako natutuwa sa mga pinaggagawa mo."sabi sa akin ni daddy.

"opo"yun na lamang ang sinagot ko.

Natapos na rin ang dinner.Umakyat na ako sa kwarto ko.Pumasok na ako sa kwarto ko.Binuhat ko ang aking puppy at humiga ako sa kama ko.Niyakap ko lang si cutie habang umiiyak.Masakit na kasi eh.Pilit na nagpapanggap na malakas ang puso ko.Gusto kong magpahinga,pagod na pagod na ko.

-

Nakatulog ako nang maayos kagabi.Maaga akong nagising ngayon.Tulog pa ang lahat.Naligo na ako.Sinuot ko na ang uniform ko.Nag pahatid na ako kay manong driver.Hindi na ako nag breakfast.

*school

pagpasok ko sa room nakita ko na nandoon na si Irene.

"hi"sabi sa akin ni Irene.

"hello"sagot ko naman sa kanya.

"uy kinakabahan na ako Bella,bukas na ang contest sa baking eh.Sana manalo tayo."sabi niya sa akin.

"ah oo nga eh.Ako rin kinakabahan na rin ako.Hayaan mo magagawa natin yan."sagot ko sa kanya.

Pumasok na ang teacher namin sa English.Nag start na mag lesson.Maayos ang daloy.Hindi ako makapag focus nahihilo ako eh.

"uy Bella okay ka lang?"tanong sa akin ni Irene.

"oo okay lang ako."sagot ko na lang.

After nang English class pumasok na rin ang math teacher namin.Nag turo na naman nang boring lesson.Kailan kaya lalagnatin ang teacher na to?Kainis siya.Pag pasok pa lang niya nang classroom,lecture na agad.Masipag mag palecture to eh.

"Class pag aralan niyo lang yung nasa lecture niyo.May test kayo bukas.Yan lang ang balak ko dito."paliwanag niya.

Natapos rin ang klase.Umuwi nalang kagad ako.Pagod na ako eh,should I say napagod na ang tenga ko sa pakikinig nang mga lessons.

"ang aga mo ngayon?wala kang practice?"tanong ni daddy.

"obvious ba dad?ayaw mo na yata akong makita eh!"sagot ko sa kanya.

"ito naman eh!anong nakain mo at ang pilosopo mo ngayon?"tanong niya ulit.

"nilunok ko yung mga naligaw na palaka sa garden.May tanong pa po ba kayo?"sagot ko sa kanya.

"eh takot ka sa palaka diba?"tanong niya sa akin.

"eh ang common sense mo naman dad.Sa tingin mo ba makakain ako nang palaka eh takot nga po ako eh.Pupunta na po ako sa kwarto."sagot ko sa kanya.

"osige.Hindi ka ba mag-me-merienda?"tanong ulit niya.

"hindi po ako gutom."sagot ko na lang.

Dad's [P.O.V]

"ano nangyari sa anak mo?"tanong ko kay Juniper.

"ewan,hayaan mo na halata naman wala siya sa mood.Siguradong pagod yun."sagot niya sa akin.

"osige.Hindi kaya galiy siya sa atin sa nagawa natin sa kanya?hindi nga natin nagawang bantayan siya nung sabay silang na-ospital ni Bernice eh."sabi ko kay Juniper.

"hindi naman siguro."sagot niya sa akin.

My High School LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon