KIDLAT : 22

385 37 5


K : 22

--
"SIGURO hindi ko mapapatawad ang sarili ko pag may nangyaring masama kay Johan!" simula niya nang maramdamang mahimbing na natutulog ang kapatid sa tabi niya.
"Hindi mo naman hahayaan mawala si Johan sa'yo e." ani ni Kidlat sa tabi niya sa eroplanong sinakyan nila patungong Cebu. Sinulyapan niya ang kapatid habang ang mga kamay niya nakahawak sa kamay nito nang mahigpit.
"Hindi ko alam ang gagawin kong wala siya, mahal na mahal ko siya Kidlat!" aniya pa. Hinawakan ni Kidlat ang kamay niya.
"I know! kaya if ever man mangyari 'yon. I will promise you na gagawin ko lahat maibalik si Johan sayo, I'll protect you Trina kayo ni Johan!" liningon niya ito. Ngumiti ng maluwag dito.
"U-uhm, Kid! sina N-Nika, matagal mo na ba silang kilala?" tanong niya sa binata. Umiwas siya ng tingin ng tumingin ito sa kan'ya.
"Matagal na rin, schoolmate ko si Nika. she is been my friend. Parang naging younger sister na rin." sagot ng binata sa kan'ya.
"Bakit mo natanong?"
"Ha, ah! kasi 'diba sila ang nakakita kay Yohan." pagsisinungaling niya sa kausap pero ang totoo gusto niya lang may iba pang malaman sa kapatid bukod sa pagiging anak ito ni Tomas at sa pagiging magkalapit ng mga ito.
"Matulog ka na muna pag-gising mo makikilala mo na si Light Paraiso." makabuluhang bulong nito sa kan'ya. Napakunot-nuo siyang tumingin kay Kidlat ngumiti lang ito at muling binalik ang tingin sa screen monitor sa harap nito.
"Nasasabik na akong makilala ka, Light." piping bulong niya sa sarili para sa binatang kahit 'di man nito ipakita gusto rin nito muling makita ang pamilyang iniwan sa Cebu. Natigilan siya sa biglang naisip na baka hindi lang abuelo at mga kapatid ang naiwan ng binata sa Cebu, paano pala kong may pamilya ito. Asawa't anak? Bigla niyang naramdaman ang panlalamig ng palad sa posibleng isa iyon sa naging dahilan kong bakit matagal na tinalikuran ni Kidlat ang siyudad. Wala sa sariling napailing-iling siya sa pagkakakilala niya sa binata alam niyang mabuti itong tao na hindi nito magagawa mang-iwan ng sariling pamilya para maging buhay binata malayo sa mga ito.
"I trust you!" may 'di kalakihan niyang sambit sa sarili na pumukaw sa pananahimik ng katabi. Walang anumang salitang lumabas sa bibig nito ginagap nito ang palad niya para ipagdaup ang palad nilang dalawa.
"You will be safe there!" anito, napangiti siya sa sarili. Kahit 'di magmula ang salitang 'yon sa binata. Alam niya naniniwala siya na magiging ligtas sila ni Johan sa tabi nito.

Dapit-hapon nang makarating ang eroplanong sinakyan nilang tatlo ng kapatid kasama si Kidlat. Finally, nakarating na sila sa Cebu sa siyudad na matagal na palang hindi muling binalikan ng binata, nilingon niya ito nang mapansin ang pananahimik nito sa tabi nila ng kapatid niya.
"Are you excited?" puno ng sayang tanong niya dito. Tumango si Kidlat walang emosyong mababasa sa mga mata nito.
"Hindi ko alam ang mararamdaman ko,. Knowing na makikita ko na ulit si Lolo." ginagap niya ang palad nito, pinaglipat-lipat ang tingin sa mga mata nito.
"You should to be happy. Kasi alam ko pag nakita ka niya matutuwa siya, matutuwa sila. Kasi bumalik ka na, na hindi ka na magiging sutil na apo." tumawa siya ng marahan para tunawin ang kabang nararamdaman nito sa puso nito.
"Hindi ganoon kadali, Trina! hindi mo kilala si lolo mas malamig pa siya sa kahit na anong yebe." anito. Dinala niya ang kamay nilang dalawa sa tapat ng dibdib nito.
"Walang magulang na kayang tiisin ang anak, naniniwala ako d'on Kid. Kaya imbes na mag-isip ka d'yan halika na." binitiwan niya ang kamay nito para balingan ang kamay ni Johan. Muli nilang nilingon ang binata.
"Tara na kuya," aniya ni Johan dito tumalima ang binatang sumilay ang tipid na ngiti sa pisngi nito.

"Malayo pa ba?" maya-maya niyang tanong sa binata ng nasa sasakyan na sila na magdadala sa kanila sa villa.
"Baka gabihin na tayo sa daan, kong gusto niyo kumain muna tayo."
"Aba,h'wag na! sa inyo nalang para makasabay mo sila." sagot niya dito.
"Kayo ni Johan inaalala ko, baka gutom na kayo." pagpipilitan nito. Matigas siyang tumanggi alam niyang naghahanap lang ng ang binata para tumagal ang pagkikita nito at nang pamilya nito.
"Tulog si Johan, kaya hindi mo rin 'to mapapakain ng mabuti. Doon nalang okey!" wala itong nagawa sa pagtanggi niya. Nagkasya na lamang itong tumingin sa labas ng bintana sa gawi nito. Napangiti siya nang mabasa sa mga mata ng binata ang pangungulila sa lugar na kinalakhan nito.
"Welcome home, Light." aniya dito. Nilingon siya nito ngumiti ng pilit.
"Hindi mo naman ako kailangan tawaging Light, I'm still Kidlat."
"Hayaan mo na, pakiramdam ko kasi mas makikilala kita bilang si Light keysa kay Kidlat at malay mo mas mabait pala si Light keysa sa Kidlat na kilala ko."
"Kong alam mo lang kong gaano ka siraulo si Light, Trina. Siguro mas nanaisin mo nalang na 'di na siya makilala pa."
"Kahit ano pa siya, kahit sino pa siya. Willing pa rin akong makilala siya kasi alam ko mabuti siyang tao na 'di perpekto pero I know siya 'yong taong maipagmamalaki kong nakilala ko." hindi ito tumugon nanatiling nakapako ang mata sa arko na pinapasukan nila. Binasa niya ang malaking nakasulat "VILLA PARADISE" tumambad sa paningin nila ang mala paraisong paligid na dinadaanan nila sa pawang berdeng halaman na nakikita ng mga mata niya maging ang mga bulaklak sa may 'di kalayuan na alam niyang sinadya ang pagkakadisenyo nito para mabuo ang salitang Paraiso.
"Wow!" tanging lumabas sa bibig niya pagkakita ng kulay luntiang malaking bakod na pinalibutan ng iba't ibang kulay ng ilaw na lalong nagbigay ganda sa paligid.
"Nandito na tayo," anito ni Kidlat. Tumigil ang sinakyan nila sa harap ng bakod ng may isang lalaking unipormado ang lumabas mula sa isang maliit na bahay malapit sa malaking gate ng villa.
"Señorito Light!" sumaludo ito sa binata ng bumaba ito ng sasakyan. Saglit na nag-usap ang dalawa may kong ano itong pinindot para magbukas ang malaking gate sa harap nila.
"Nandito si Lolo," sa unang pagkakataon nakaramdam siya ng kaba. Muling umandar ang sinasakyan nila papasok sa magarang Villa na pagmamay-ari ng pamilya ng binata. Mas lalo siya nakaramdam ng paghanga nang tumambad sa kanya ang malawak at napakagandang paligid lalo na ang napakalaking bahay na kumikinang sa napakaganda at napakaliwanang na mga ilaw.
"Welcome home to my home, Trina." aniya nito nang alalayan siyang makababa. Hindi niya maitago ang kinang sa kanyang mga mata sa nararamdamang paghanga sa napakagandang bahay ng mga ito.
"Napakaganda Kid," bulalas niya dito inikot niya ang tingin sa buong paligid sa pawang puro halaman at mga sari-saring bulaklak ang natatanaw ng mga mata niya.
"Bastardo! nagbalik ka pa!" nagulat si Trina sa malakas na boses na nagmula sa likuran nila. Tyaka niya lang napansin ang isang malaking pinto sa may gawi ni Kidlat. Nilabas nito ang isang ginoo na kong 'di siya nagkakamali ito ang lolo Ignacio ng binata.
"At hindi ka na kahit kailan nagbago nagdala ka na naman ng isang mumurahing babae dito sa pamamahay ko!" dagdag pa ng abuelo. Nakaramdam siya ng kaba ng 'di tuminag si Kidlat sa kinatatayuan, walang salitang namutawi mula dito. Hinihintay ang tuluyang paglapit ng lolo.
"The door is open when you leave before! and, it's also open when you will leave now!" lihim siyang napalunok sa muling salitang lumabas dito. Wala sa sariling hinawakan niya ang kamay ni Kidlat para sabihing h'wag ito magmatigas sa abuelo.
"I'm here to be your apo again, lolo!" anito ng binata sa lolo nito. Naging mahigpit ang paghawak niya sa kamay nito.
"I'd live without you and I could still live without you, Light!" pagmamatigas nito sa binata.
"Ipagpaumanhin niyo po sir! bigyan niyo po sana ng pagkakataon na maging parte ulit si Light sa buhay niyo. Namimiss niya na kayo at alam ko na nangungulila rin ho kayo sa apo niyo." hindi niya napigilang sumagot sa usapan ng mga ito.
"And, who are you?! Isa ka ba sa gagawing parausan ng magaling kong apo!" singhal nito sa kan'ya.
"Lo, tama na!" malakas na boses ni Kidlat.
"L-light! Light." natigilan silang lahat sa isang lalaking biglang dumating sinalubong ng yakap ang binata. Kong hindi siya magkakamali matanda lang ito ng konte sa binata.

Naramdaman niya ang biglang pagbitiw ni Kidlat sa kamay niya nang makita ang nasa likuran ng lalaking yumakap dito.
"Gail?!" ani ng binata na 'di nakaligtas sa pandinig niya. Lihim niyang pinasadahan ng tingin ang babae sa ayos at ganda nitong taglay 'di maitatangging para itong anghel na bumaba sa lupa. Na ang kahit sino'y kaya nitong mapaamo.

❤❤

KIDLAT(LOVEMOVESINMYSTERIOUSWAY) Basahin ang storyang ito ng LIBRE!