TMAFK#8

23.7K 454 23
                                    

Adriana's pov.

"I like your boyfriend. Mukhang hindi ka lolokuhin gaya ng ginawa ni Kristoff sa'yo." Kumento ni Kuya Alex kay Dominic para magulat ako.

"Anong ginawa sa'yo ni Dominic para mapaboto ka sa kanya, kuya?"

Kinuwento ko na ang nangyaring break up sa'min ni Kristoff dahil nagpakilala pala 'tong si Dominic bilang boyfriend ko. Hindi ko pa rin masabi 'yung totoong relasyon namin ni Dominic dahil baka magagalit si Kuya Alex sa'kin.

"Seryoso siya sa'yo. The way kung paano ka niya bantayan at pagsilbihan." Paliwanag ni Kuya para mapangiti ako.

"Mayabang nga lang," reklamo ko.

"Hindi siya mayabang. Nagpapansin lang iyon sa'yo. He just wants attention from you." Saad ni Kuya Alex para hindi ako maniwala.

"Paano mo nasabi?" Puro pang-aasar at pangungulit lang ang alam ni Dominic sa'kin. Pero kapag siya ang inasar may kapalit na halik agad.

"Dahil lalaki ako."

"By the way, I have a business trip sa Hong kong. I want you to stay with him." Wika ni Kuya dahilan para hindi ako pumayag.

"No, Kuya. Sa bahay na lang ako."

"You're safe with Dominic. Hindi pa naman ngayon, mag-uusap pa kami ng boyfriend mo." Hindi na ako nakipagtalo kay Kuya dahil binigyan ako ng masamang tingin.

"Adriana!" Napalingon ako sa lalaking tumawag sa pangalan ko dahilan para mapangiti ako.

"Maxwel!" Sinalubong ko ito at binigyan ng yakap.

"Hi Lex," bati nito kay kuya. Magkakilala sila dahil magkaibigan ang pamilya ni Maxwel kay Kuya.

"Buti naka dalaw ka."

"S'yempre! Malakas itong kapatid mo sa akin." Nakangiti niyang sambit at ginulo ang aking buhok.

"Kamusta Adriana?

"Ito maganda pa rin." Lagi akong proud sa sarili ko kapag kausap ko si Maxwel. Pero kapag si Dominic ay sasabihin lang niya 'hindi naman', 'saan banda?" at 'assuming'.

"You look beautiful always." Napangiti ako sa sinabi ni Maxwel kaya hinampas ko ito ng mahina dahil sa kilig.

"I need to go. Maxwel, ikaw na mo na bahala kay Adriana habang hindi pa dumadating ang mga kaibigan niya." Bilin niya kay Maxwel bago umalis.

"Congrats! Gising ka na." At may inabot siyang bouquet ng red roses para mapangiti ako.

Nandito kami sa hospital garden habang pinapanood ang mga batang pasyente na naglalaro. "Kailan ang labas mo sa kulungan?" Birong tanong ni Maxwel.

"Mamaya na!" Eight days na ako dito sa Hospital kaya nakaramdam na ako ng bagot. Pinayagan na rin ako ng Doctor lumabas dahil medyo okay na ako.

"Mag-iingat ka sa susunod."

"Opo, Maxwel!" Habang busy kami sa pagkukuwetuhan ay bigang sumulpot si Dominic habang masama ang tingin sa akin.

"Babe, who is he?" Tanong ni Dominic habang tinuturo si Maxwel.

"He is John Maxwel, kaibigan ko." Pakilala ko.

"I'm Dominic, Adriana's girlfriend." Ipapakilala ko na sana si Dominic nang bigla niya akong unahan.

"Nice meeting you," at nagshake hand silang dalawa.

"Let's go Adriana," akit ni Dominic at hinala ako paupo sa wheelchair.

"Saan tayo pupunta?"

"Hinahanap ka na ng nurse mo." Saad nito dahilan para magpaalam na ako kay Maxwel.

"Bakit kailangan pa akong sumakay sa wheelchair? Kaya ko naman maglakad." Tanong ko kay Dominic nang ayaw akong pababain.

"I don't want you to get tired." Saad nito habang tinutulak ang sinasakyan kong wheelchair. Nang makarating kami sa kwarto ay wala naman ako nakitang nurse.

"Asan 'yung nurse?"

"Baka umalis na. Ang tagal mo kasing makipag-usap doon sa lalaki." Reklamo niya at naupo na sa sofa para manood.

"Bakit ako pinapatawag ng nurse?" Tanong ko habang nagdududa sa kinikilos niya.

"They will clean your wounds." Sagot nito dahilan para sipain ko ito.

"Wala talaga nurse na naghahanap sa akin dahil kalilinis lang nila ang sugat ko." Sabi ko na nga ba si Dominic lang ang may kagustuhang bumalik ako sa kwarto.

"I am your nurse at pinagbabawalan kitang makipag-usap sa iba dahil baka mabinat ka." Napaka seloso niya talaga kahit walang kami.

"Tabi!" Utos niya nang humarang ako sa tapat ng pinapanood nito.

"Mamaya na 'yan. May ipapagawa ako sa'yo." Kinuha ko ang remote at pinatay ang pinapanood niyang Geographic channel.

"Ano?"

"Puwedeng paki shampoo ng buhok ko." Tutal naman pinabalik niya ako sa kwarto kaya gagawin ko na lang siyang utusan.

"Maliligo ka pa. Puwede naman hindi." Reklamo niya na tila ayaw akong tulungan.

"Malagkit na buhok ko."

"Wala naman aamoy sa'yo.

"So, ayaw mo?" Seryoso kong tanong at tinago ang remote upang hindi niya magamit.

"Napapadalas na 'yang utos mo. I am your boyfriend not your katulong."

"Hoy, Dominic Giles Sy! Ikaw na mismo ang nagsabi kanina na ikaw ang nurse ko. So, do your job. Pagshampoo mo ako."

"Kiss mo na." Paghahanap niya ng kapalit. May naisip akong paaraan paaano ito mapasunod. Kinuha ko ang cellphone ko at may dinayal na numbero.

"Anong ginagawa mo?" Lumapit siya para i-check kung sino ang tinatawagan ko ko.

"Tinawagan ko lang si Maxwel para magpashampoo. Willing to help siya kapag kailangan ko." Saad ko.

"The number you have dial is either unintended or out of coverage area. Please try your call later."

"Okay! Mukhang busy 'yang tinatawagan mo." Saad niya habang tinatawanan ako. Tinawagan ko uli 'yung number ngunit out of coverage area talaga.

"See! Kahit 'yang Maxwel mo ay hindi magawang sagutin ang tawag mo."

Pumasok na ako sa banyo mag-isa at binasa ang buhok kahit na mahirap dahil sa naka bandage kong kanang kamay.

"NAKAKAINIS!"

"Ako na." Nagulat ako nang biglang sumulpot sa harap ko si Dominic habang inaagaw ang hose ng shower.

"Umalis ka na lang dito kung napipilitan ka." Sigaw ko habang inaagaw sa kanya 'yung shower.

"Hindi ako napipilitan."

"Hindi raw napipilitan pero nakipagtalo pa sa'kin kanina." Reklamo ko.

"Inaasar lang kita. Hindi mo kase ako binigyan ng kiss." Kumuha siya ng shampoo at kinuskos sa buhok ko.

"Aray! Dahan dahan naman," reklamo ko nang malagyan ng bubbles ang mata ko.

"Are you okay?" Inangat niya ang aking ulo dahilan para magkaharapan kami. Pinunasan niya ang aking mata at pisngi gamit ang kanyang t-shirt.

"Stop it! Baka mas lalong lumala." Pag-awat niya matapos kong kusutin ang aking mata. Napatawa na lang ako habang nagagahol si Dominic na hipan ang aking mata.

"Masakit," reklamo ko at hindi mapigilang hindi kamutin.

"Sorry!" Saad niya at dinampi ang kanyang labi sa mata ako.

"Mag-iingat na ako sa susunod para hindi ka na masaktan."

They Met At First KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon