PLOP! CLICK!

212 0 0
                                    

Aralin 4: TEORYANG ROMANTISISMO

PLOP! CLICK!

(Dobu Kacchiri)

Mga Tauhan:

KOTO

KIKUICHI

ISANG NAGDARAAN

KOTO : Isa akong Koto na nakatira sa pook na ito. Ngayon tata- 

 wagin ko si Kikuichi para konsultahin siya. Nariyan ba si

  Kikuichi?

KIKUICHI : Nariyan na!

KOTO : Nasaan ka?

KIKUICHI : Heto na ‘ko.

KOTO : May mahalaga akong kailangan sa iyo. Dahil matagal  na rin naman

akong hindi nakalalabas ng bahay, ang daming oras na nakabitin sa kamay ko. Gusto kong magbiyahe at nang makapagmasid naman ng mga tanawin. Ano sa tingin mo?

KIKUICH I: Sa totoo lang, imumungkahi ko nga sana sa iyo Ekselen-

teng ideya.

KOTO : Ano pang hinihintay natin kung ganoon. Maghanda ka ng

 sake.

KIKUICHI : Ngayon din. Nakahanda na ang bote ng sake.

KOTO : Umalis na tayo agad. Halika na!

KIKUICHI : Nakahanda na ako.

KOTO : Ano sa palagay mo? Nagtatawanan na siguro ang mg taong

makita ang dalawang paris natin na namamasyal at nagma- masid sa mga tanawin. Pero ang pagbibiyahe sa bagong

lugar ang nakapagpapagaan ng pakiramdam bukod pa sa kasayahang nalalasap mo.

KIKUICHI : Wala naman sa palagay kong mag-iisip na para tayong gago.

Kaya, kapag  nararamdamang mong gusto mong magbiyahe, dapat lang na ilang ulit tayong magbiyahe. Nakabubuti iyon sa inyo, Amo.

KOTO :Nasa labas na tayo ng nayon. Marahil nasa gitna tayo ng bukirin. Ang lungkot dito.

KIKUICHI :Nasa gitna nga tayo ng bukirin.

KOTO :Kapag nasa kapatagan ako, parang lumalawak ang aking puso at gumagaan ang pakiramdam ko.

KIKUICHI :Gaya ng sabi mo, kasiya-siya ang magbiyahe.

KOTO : Makinig ka! Noon ko pa gustong sabihin sa iyo na hindi sa habambuhay ka na lamang umaawit ng mga maiikling awit o bumibigkas ng mga kuwento. Bakit di mo ensayuhin ang Labanan sa Heike, ang pamosong epiko?

KIKUICHI :Gusto ko nga sanang hingin ang tulong mo tungkol diyan. Masuwerte na lang at ikaw mismo ang nagbukas tungkol diyan. Kung maituturo mo sa akin ‘yan, tatanawin kong malaking utang-na-loob.

KOTO :Ituturo ko kung ganoon. Wala rin lang tao sa paligid, bibigkasin ko sa iyo ang isang berso.

KIKUICHI :Sadyang kay buti mo. Sige, makikinig ako.

KOTO :“Umabot sa krisis ang labanan sa Ichi no Tani, at nauwi sa isang malaking giyera. Natalo ang mga dakilang Hieke, at nagsisugod ang mga mandirigma ng Genji—silang sabik sa kabantugan. Parang mga trigong nagbagsakan sa harap ng mga armas-pandigma. Kalunus-lunos na pagdanak ng dug! Walang katapusang kaguluhan! Putol ang baba ng ilan, at ang iba nama’y talampakan. Sa gitna ng nakakukuliling mga daing at pananangis, pilit pinaglalapat ang kanilang mga sugatang talampakan sa duguang baba,ang sugatang baba sa duguang  talampakan. Ay, kahabag-habag na tanawin! Tatlo o apat na raang mga mandirigma ang nagkalat sa kapatagan!…”

FilipinoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon