Chapter 13 : Js PROM

83 14 5

Waaaaaaaaaaaa, malapit na Js Prom nako po. Ano na ang gagawin ko. Wala pa akong naisip na isusuot ano ba  yan. Hindi na lang siguro ako  sasama, pero baka sabihin nila. PaCHOOSY pa ako.

After a week, maguumpisa na bukas ang PROM. Kaya nga pagpasok ko puro PROM ang naririnig ko, Excited MucH? 

" Ano ang isusuot mo bukas?"
" Ang kulay n Gown mo?"
" Sasama ka bukas sa PROM?"

Mga halos di mawalang salita sa Campus namin. Halos lahat excited sa padating na PROM. Ako lang ata ang hindi Excited. 

-

-

-

So, Dumating na yung pinakahihintay nilang lahat ang PROM.
so nagdecide ako na ang isusuot ko ay, BLUE GOWN.

* 4 Inch na Hills
* Kulot ang Buhok
* TODO MAKE UP
 Baka naman mag mukha akong Clown nito.

pagdating ko sa School, nakita  ko ang nag-gagandahang Suot nila. Meron akong nakita na Sobrang haba ng gown niya. Meron namang Sobrang ng gown, at sa hindi inaakalang paglingon ko nakita ko JOSH.

Kulang na lang ata sabihin ko sa isip ko na " WOOOOAH "

Kasi sobrang gwapo niya. Bagay na bagay ang suot niya. para sakin hindi ko maEXPALIN. 
Basta sa Gabing ito, na fall nanaman ako sa kanya. Iba na talaga ang TADHANA. Pero baka naman masaktan nanaman ako nito, Bigla ko ding nakita si Nathan. Para atang nag co-competisyon yata sila sa isip ko kung sino ang GWAPO sa kanila.

Pero iba yung pintig ng Puso ko kay  Josh, baket ganun, kahit na ilang beses na akong nasasaktan n dahil sa kanya, siya parin ang pinipili ng Puso ko. pero baket kung sino pa yung tulong ng tulong sakin at laging nandyan sa tabi ko siya pa yung ayaw ng puso ko.

Tapos bigla nalang bumalik ang pagtingin ko kay Josh. Mahal ko na ata  siya. Sa gabing yun binalak ko sanang lapitan siya at magtapat sa kanya. Dahil mahirap na ding Itago ang matagal mo ng nararamdaman para sa kanya.

-

Palapit na sana ako ng biglang lumapit si Cristine sa kanya at tinignan ako ng masama. Bigla rin lumingon si Josh sakin at ibinalik ang Tingin kay Cristine nagtataka siya kung baket ako tinitignan ni Cristine ng masama.

Bigla siyang niyaya ni Cristine na umalis. Pupunta rin sana ako kay Nathan kaso bigla akong nilapitan ni Allysa at sinabihan ng " Subukan mo lang lumapit sa kanya, Baka kung ano pa ang magawa ko sayo." Galit na sabi niya habang nakataas ang isang kilay. Sabay alis at sigaw sakin ng " FLIRT ".

Wow, ako pa ang naging Flirt. Kayo kayang magkaibigan  diyan ang Flirt. " MGA POK POK" bulong ko sa sarili ko.

Umalis ako para hanapin si Bea, kaso hindi ko siya nakita. baka naman hindi nakaPunta.

-

Palingon ko sa Gilid ko, may nakita akong babae na sobrang ganda. Sobrang ganda ng Suot niya. Kulot ang Buhok.
Biglang lumingon sakin yung babeng nakatalikod, biglang kong nakita si BEA.

Pinuntahan ko siya at nagusap kami.

" Wow bes, Nag ganda mo naman. Inggit ako Pramis." Pabirong sabi ko pero para sakin totoo yun. Ang ganda niya kasi pati ung suot niya na iinggit ako sakanya.

" Ano ka ba, okay lang yan. Maganda ka din naman" Nakangting sagot niya.

Ilang minuto pa lang ay nagsimula ang Prom.

Habang nagsasalita ng "Magandang gabi sa inyong lahat mga Estudyante" nagsisigawan na silang lahat. Halos wala ka ng marinig na Boses kundi Puro sigawan.

Biglang tumugtog yung Music na LOVE SONG.
biglang nagsihilaan sila ng mga Partner nila at yung ibang lalake naman nagyayaya na ng mga isasayaw nila. naghintay ako baka sakaling may mag " Can we Dance?" Meron nga yung napakaPANGET na lalake sa buong campus yung nagtanong. 

" Can we Dance?" Tanong ng lalakeng panget.

" Sorry pero meron  ng nauna." Napaka Sinungaling na Paliwanag ko

Sabay alis, hinanap ko si Josh baka sakaling makaSAYAW ko siya, at para naman maamin ko na  ang nararamdaman ko para sa kanya.]

Hinalughog ko yung buong Dance floor kaso puro panget na mukha ang nakikita ko. " ANO BAYAN" painis na sabi ko dahil puro panget na ang nakikita ko.

Pagpunta ko sa pinaka Dulo ng Dance Floor, nakita ko rin siya sa wakas. Nang pupuntahan ko na Siya, biglang may humila sakin. At sinabunutan ako, hindi ko makita kong sino. Habang sinasabunutan ako, hinarap niya ako kay Josh at Cristine. Biglang tumingin sakin si Cristine. Bigla akong tumingin kung sino yung sumasabunot sakin, nakita ko si Allysa. Ng sinilip ko siya, mas lalo niyang nilakasan ang sabunot sakin.

" Aray, bitiwan mo nga ako. Nasasaktan na ako" nagagalit ng sabi ko, syempre nasasaktan din ako.

" Bagay lang ito sa mga taong mangAAGAW" Pasigaw na sabi ni Allysa.

Nagtataka ako kung baket halos wala lang pakialam yung mga tao dyan, busy siguro masyado sa pagsayaw. Nakita kong Nasa Dulo pala kami ng Dance Floor na halos walang katao tao. mini bar lang ang meron doon.

Habang sinasabunotan niyapa ako ng Malakas, hinarap niya ako ulit kay Cristineat Josh. 

NAKITA KONG NAGHAHALIKAN NA SILA. TALAGANG PINAKITA PA NILA SAKIN TOH HUH. ANG LALANDI TALAGA NILA, WALA NA SILANG ALAM GAWIN KUNDI MANAKIT NG IBANG TAO.
GUSTO KONG UMIYAK, KASO ANONG MAGAGAWA KO, PAGUMIYAK LANG AKO MAS LALO LANG NILANG MALALAMAN NA TALAGANG GUSTO KONG AGAWIN SI JOSH. PERO HINDI NAMAN SA PANGAAGAW, GUSTO KO LANG SIYA. '' CRUSH LANG ''. Hindi na ako naka tiis. Itinulak ko si Allysa palayo sakin at tumakbo ako ng mabilis. Pagtakbo ko lumingon ako uli ng isang beses nakita kong parang nakatingin sakin si Josh. Tumakbo ako papunta sa Dance Floor. As in sa GITNA ako Tumigil, at doon ako umiyak.

My DestinyBasahin ang storyang ito ng LIBRE!