sya^si Cyrhel! si Cyrhel na solid TEAM A~ at isa sa dalawang nagpabiktima sa aking on-hold message! muhahaha PEEEACE! XD thanks Cyrhel porr reading PB.. ;)) 

- - - - 

x48: Saviour (part2~) 


[ADRIAN's PoV] 

"UY SI ADRIAN!" 

"ISA 'TONG HIMALA!" 

"PARE! GAGONG GUPIT AH!" 

Tss. Loko talaga 'tong barkada ko. =___= 

Hindi ko naman dapat sila pupuntahan ngayon dito sa bar kaso yung kaibigan kong si Mike, birthday ngayon. Tutal naman pauwi na ko galing kina Mama kaya ito, naisipan kong dumaan muna dito. 

"PRE!" nilapitan ako ni Mike. 

"Happy birthday." bati ko sakanya. 

Niyakap nya ko sabay tapik sa balikat. "SALAMAT!" 

Inabutan nya ko ng isang shot ng alak na agad kong ininom. Tapos inasar na naman ako nitong mga mokong na toh. 

"SERYOSO PRE? WALA KA PA RING SYOTA HA?" 

"ANO YAN? BALAK MONG MAGING SINGLE FATHER NA LANG FOR THE REST OF YOUR LIFE?" 

"BUTI PA PALA SI JUDE EH NOH?! HAHAHA" 

"TEKA!" sigaw ni Mike. "SPEAKING OF THAT.. NAUNA SI ADRIAN, SUMUNOD NAMAN SI JUDE, SINO NA KAYA SATIN ANG NEXT--" 

"Ikaw. Ikaw na ang susunod." sagot ko kay Mike. =___= 

"EH?! AYOKO NOH! DI PA KO HANDA! HAHAHA OOH.. NANDYAN NA ANG MGA GIRLS OF THE NIGHT NATIN.." 

Tumingin kami sa kung saan nakatingin si Mike. 

Potek. Grupo ng mga babae ang paparating..mga babaeng nakakaakit. =___= 

"Geh.. Alis na ko.." tumayo na ko para umalis pero hinatak ako ni Mike pabalik. 

"Pare naman? Ayan na chance mo para makahanap ng magiging pangalawang nanay ng anak mo oh?" bulong nya. 

Pangalawang nanay ng anak ko? Napangiti ako dun ah. 

"Oh diba pare? Good idea diba? Hahaha.." sabi pa nya. 

"Oo.. Good idea SANA.. Kaso isa lang ang gusto kong maging nanay ng anak ko eh.." 

"Oh? Sino naman yun?" 

Ngumiti lang ako ulit at uminom ng isa pang shot ng alak. 

Pagkalapit samin nung mga babae, tumayo na ko. Sinubukan akong pigilang muli ni Mike pero di na nya nagawa kasi kailangan nya nang ientertain yung mga babaeng dumating. 

Sa labas pagkasakay ko sa kotse ko, napabuntung-hininga ako. 

Si Chelle.. Sya lang ang gusto kong maging nanay ng anak ko.. Sya lang ang gusto kong makasama sa pagbuo ng pamilya.. Sya lang.. 

Pero kailan ko kaya masasabi sakanya yun? Paanong matutupad yun kung wala naman akong ibang ginagawa bukod sa paghintay sa 'tamang timing' na di ko alam kung darating pa? 

Haaay.. Mukhang masasayang lang ang ginawa kong paghalik at pag-amin sakanya non.. Parang kinalimutan at binalewala nya na rin yun eh.. 

Tsk. Makauwi na nga! 

Nagdrive na ko pauwi. Pero ampotek naman! Bakit ganito katrapik ngayon?! KALALIMAN NA NG GABI PERO TRAPIK?! 

May limang minuto nang halos di gumagalaw ang mga sasakyan dito. Bumuhos na rin ulit ang napakalakas na ulan nang may ambulansyang nagovertake. 

Playboy's Baby (PUBLISHED UNDER POP FICTION)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!