CHAPTER 6

209 11 4

CASSIE' S  POV

Dalawang linggo na ang nakalipas simula ng tumakas kami sa school para mag gala, sabado ngayon at pwede kaming umuwi sa kaniya kaniya naming bahay kaya nandito ako kasama sila mom at dad para pag usapan ang mga nangyari sakin sa school

"Halos lahat naman po ng tao sa school ay mababait sakin mom, dad"nakangiting sabi ko matapos ikwento lahat ng pangyayari sa nagdaang linggo

"Good to heard that honey" nakangiting komento ni mom kaya napangiti ako ng malaki, naputol naman ang pag uusap namin ng tumunog ang telepono ko

"Sasagutin ko lang po"magalang na paalam ko at lumabas para magtungo sa garden

~~~~UNREGISTERED  NUMBER~~~~

sino kaya toh?

Nagtataka man ay sinagot ko ang tawag, hindi naman siguro masamang tao ito

"Hello?"sabi ko

[Cassie it's nathan] nakahinga naman ako ng maluwag ng mapagtantong si nathan ang aking kausap

"Oh napatawag ka?" Nakangiting tanong ko

[Masama na bang kamustahin ka? Tsaka pwede ka ba ngayon?] Tanong niya

"Ok lang naman ako, saan ba pupunta?" Tanong ko at umupo sa may duyan

[Sa moa kasama sila ice tsaka tinawagan narin namin sila claire pati rin sila sasama, so i'll picked you up?] Masayang tanong niya kaya napatawa ako ng mahina

"Sure, by the way anong oras ba?"nakangiting sagot ko matapos ibigay ang address

[Seven pm,See you later] pahabol niya

"See you" sagot ko at ibinaba ang telepono habang nangingiti

"Sinong lalaki ang dahilan ng pag ngiti ng napakaganda kong kapatid?" Halos mapatalon ako sa gulat ng may nagsalita sa aking likod kaya agad akong napaharap at napangiti sa nakita

"KUYAAAAA LUCAS!"masayang sigaw ko at tumakbo para yakapin siya, galing sa trabaho si kuya trabaho na hindi ko alam kung anong ang kaniyang ginagawa sapagkat ayaw niyang sabihin sakin

"I miss you lil sis"nakangiting ginantihan ako ng yakap ni kuya lucas

"Miss na miss na din po kita kuya''naiiyak na sambit ko dahil simula bata ay si kuya lucas ang naging nanay at tatay ko nung mga panahong nasa ibang bansa sila mom at dad

Natatawa namang pinunasan ni kuya ang mga luhang hindi ko namalayang tumulo "hanggang ngayon iyakin ka pa rin"pang aasar niya pa at ginulo ang aking buhok

"Kuya stop it"naiinis na suway ko sakanya habang inaayos ang buhok kong ginulo niya

"So sino nga yung kausap mo kanina at kailangan mo pang ngumiti na animo'y kinikilig meron ka pang pa 'see you'?"ngiting aso na tanong ni kuya habang ginagaya ang sinabi ko ng naka pameywang

"Ah si nathan yun kuya, pupunta daw kami sa moa kasama yung mga kaibigan namin"sagot ko dahil hindi ko ugaling mag sinungaling kay kuya dahil sinabi niya sakin na ang pag sisinungaling ay masama dahil pwede kang malagay sa panganib

Bigla namang sumeryoso ang mukha ni kuya ng marinig ang salitang 'kaibigan' "lil sis siguraduhin mo lang na totoo ang mga tao sa paligid mo dahil ayaw ko lang na maulit ang nangyari sayo dati" paalala niya at napayuko naman ako ng maalala ko nanaman ang ginawa sakin ng dating kong mga kaibigan, ng dahil sakanila ay nalaman nila lolo kung saan kami nakatira kaya agad kaming lumipat ng bahay at nalaman nalang namin na anak ng agent ang mga dati kong kaibigan

"Opo"nakatungong sagot ko at narinig ko namang bumuntong hininga si kuya at lumuhod kapantay ko para hawakan ang aking pisngi at iniharap sakanya

"Alam mo namang mahal ka ni kuya diba? Ayaw ko lang mangyari ulit yung dati, gusto kong makasigurado ka na mabubuti ang mga kakaibiganin mo"nakangiting sabi niya kaya ngumiti ako at tumango bago siya yakapin

"The best ka talaga kuya!"sigaw ko habang yakap siya kaya natawa siya

"Ikaw talaga nambola ka nanaman, basta ipakilala mo sakin yang nathan na yan ah"pangungulit niya kaya tumango ako, nagpaalam naman siya sakin na may aasikasuhin siya kaya umakyat na ako sa kwarto para mag ayos bago pa dumating si nathan




Ano bang susuotin ko???


Kanina pa ako naghahanap ng maisusuot ng mahagip ng paningin ko ang isang simpleng white dress na may design ng makukulay na bulaklak kaya kinuha ko iyon at isinukat






"Tamang tama"nakangiting sambit ko habang tinitignan ang sarili sa salamin, medyo hapit siya sa katawan pero hindi naman sobra hanggang tuhod naman at isa pa ang komportable nitong suotin





Napatingin ako sa wall clock na nakasabit sa aking kwarto at nakitang six thirty na ng gabi kaya bumaba na ako para duon maghintay at talaga namang pinanindigan ni kuya ang sinabi dahil matiyaga siyang nakatayo sa pinto na dumating si nathan






"Seriously kuya?"natatawang tanong ko kaya tumingin siya sakin at ngumisi






Wala naman akong magawa dahil pag sinabi ni kuya ay gagawin niya kaya umupo nalang ako sa sofa






LEGENDARY GANGSTER NERDBasahin ang storyang ito ng LIBRE!