CHAPTER 5

320 6 2

CASSIE'S POV




Naupo naman kami sa isang tabi para panuorin ang mga lalaki na parang bata kung makangiti habang naglalaro sa claw machine, kami namang mga babae ay tawa ng tawa habang pinapanuod sila nathan






"Shit! Pano ba to?"naiinis na tanong sa sarili ni izander matapos maka tatlong ulit pero hindi parin nakukuha ang cute na teddy bear






"Madaya"gatong naman ni jeydon habang salubong ang kilay





"Nakuha ko! Nakuha ko! Yes!" Napatingin naman kaming lahat kay ice na parang bata na tumatalon talon habang winawagayway sa ere ang nakuha niyang hello kitty teddy bear kaya halos lahat ng taong nadaan ay napapatawa sa ginagawa niya "bakit?" Inosenteng tanong niya ng mapansing nakatingin lang kami sakanya at biglang








"WHAHAHAHAHAHAHA" hanggang sa hindi na namin mapigilan ang malakas na tawa dahil sa naging reaction ni ice








"Ang epic ng mukha mo dude" natatawang katyaw ni nathan







"Mukha kang bata kung makatalon" pang aasar naman ni izander pero hindi sila pinakinggan ni ice dahil nakangiti parin ito habang nakatingin kay hello kitty na hawak niya






"Stop smiling like that"parang nandidiring suway ni jeydon kaya lalo kaming nagtawanan ng samaan siya ng tingin ni ice









"Ikaw nga hindi makakuha eh" pang aasar ni ice habang nakatingin kay jeydon na nakakunot na ang nuo







"Owwww!"



"Payag ka nun dude?"





"Wala ka pala kay ice eh"





"Ayyy inaasar ka oh"



Pang aasar naming lahat kaya halos patayin kami ni jeydon ng tingin at bigla itong tumayo kaya lahat kami ay napatigil habang pinagmamasdan siyang lumapit sa isang claw machine na may spongebob sa loob, seryoso at salubong ang kilay na naglalaro hanggang sa pinindot niya ang button at nag umpisang bumaba ang hook para kunin ang manika, halos lahat kami ay habol ang hininga habang papalapit sa butas ang hook kasama ang manika




Malapit na...

Malapit na malapit na....



HANGGANG SA ...........















Nahulog si spongebob :<







"Fuck! Fuck! Fuck! Madaya ka" parang batang sambit ni jeydon habang pinag sisipa ang machine at halos umiyak na habang tinitignan ang manika na halos malapit na sana niyang makuha






"Better luck next time dude" pang aasar ni nathan kaya bumaling sakanya si jeydon at sinamaan siya ng tingin bago tumayo







"Where are you going?" Nagtatakang tanong ni summer ng makitang tumalikod at lumakad papalayo si jeydon








"Bibiling tokens"simpleng sagot ni jeydon at tumalikod kaya halos mamatay na kami sa kakapigil tumawa







Ilang minuto lang ang lumipas ng bumalik si jeydon dala ang isang supot na puno ng tokens





"Marami na binili ko para hindi maubusan"kamot batok na sabi niya kaya tumango nalang kami at pinanood siyang pumunta sa machine at hinulog ang dalawang token






"Shit! Malapit na"





"Ughh unti nalang!"






"Damn it!"





"Last nalang"



Puro sigaw lang ang naririnig namin kay jeydon habang paulit ulit kinukuha ang manika kaya tahimik kaming tumatawa habang pinagmamasdqn siya na parang bata na hindi makuha ang gusto






"Hindi mo na makukuba yan dude----"napatigil sa pang aasar si ice at nanlalaki ang mga matang napatingin kay jeydon kaya pati kami ay nagtatakang tumingin sa gawi ni jeydon at halos lahat kami ay manlaki ang mga mata








"YES! WUHOOO! THANK YOU LORD!!"sigaw ni jeydon habang nakaluhod at yakap yakap ang dalawang spongebob-oo tama kayo ng nabasa dahil dalawa ang nakuha niya ng sabay! Malawak ang ngiti ni jeydon na humarap kay summer at binigay ang dalawang spongebob






"Thanks"kinikilig na sabi ni summer kaya halos matumba na kami sa kakayugyog kay summer







"Ano kaya niyo yun?"pag yayabang ni jeydon kila izander na kanina lang ay pinagtatawanan siya at ngayon ay halos hindi na maipinta ang mga mukha kaya napangisi ng malawak si jeydon at inakbayan si summer






"Chansing ka dude"natatawang sambit ni nathan kaya sinamaan siya ng tingin ni ice samantalang kasing pula na ng kamatis ang mukha ni summer




Sunod naman na tumayo ay si izander at taas noong pumunta sa isang booth na may laruang pellet gun na kailangang tamaan ang laruan sundalo,agad namang nagbigay ng sampung tokens si izander kay kuyang may ari ng booth at pumwesto na parang inaasinta ang nakatayong sundalo







Halos lahat kami ay mahulog ang panga ng makita naming walang kahirap hirap na pinatamaan ni izander ang mga nakatayong sundalo




Nagmamalaki ang mga ngiti ni izander na humarap samin habang nakataas ang malaking violet na barnie at humarap kay virgi








"Oh barnie"nahihiyang inabot ni izander ang malaking barnie kay virgi






"Seriously dude, barnie?''natatawang tanong na may halong pang aasar na sabi ni nathan







"Bakit? Cute naman si barnie ah"inosenteng sagot niya habang nakatingin samin na nagpipigil ng tawa, inakbayan naman siya ni ice habang natatawa








"Oo nga pala, laking barnie to si izander" sabat ni ice kaya lahat kami ay napatawa samantalang namumula ang mukha ni izander sa kahihiyan






"Barnie talaga yung favorite cartoon mo?"natatawang tanong ni virgi kaya lalong namula ang mukha ni izander





"Oo"kamot batok na sagot niya upang itago ang namumula niyang mukha





"Tara na guys malapit na mag 1:00" sabat ni claire kaya napatigil kami at nanlalaki ang matang nagsitakbuhan para makalabas ng mall (a/n; kung nagtataka kayo kung bakit bukas pa ang mall ng ganoong oras ay 24 hrs iyon na bukas)






Natatawa naman kaming nagsibalikan sa kaniya kaniya naming dorm ng maalala ang mga kalokohan namin kanina, masaya rin ako na nakilala ko ang katulad nila






Sana hanggang dulo magkakasama parin tayo...


LEGENDARY GANGSTER NERDBasahin ang storyang ito ng LIBRE!