Gusto ko sana i-pm lang 'to pero hindi kaya kasi hanggang 2000 characters lang 'yun...
Anyway, nagulat ako doon sa second message mo. 3 AM ko na siya nabasa kasi naghanap pa ako ng time para lang makapag-internet. May nangyari sa baba kaya kailangan kong i-check and then I found out na nahimatay si mom. So dinala ko siya sa nearest hospital and buti naman ay stable na ang kalagayan niya. Sobrang stress daw kaya nagka-gan'on.
Mga 2:30 AM, bumalik ako sa bahay since ung kapatid ko na ang nag-bantay doon kay mom. I opened my laptop and I was shocked when I saw your 2nd message for me.
Noong thursday, ang saya-saya ko na kasi after a couple of months, nakausap na uli kita but then...kusang nawala 'yung ngiti sa labi ko. Dahil sa skype, biglang nagkagan'on? And what's worse is sinabi mong wala ng spark?
SHIT. F*CKSH*T. P**ANG**A.
Para mo na ring isinampal sa'kin na unti-unti ka ng nawawalan ng feelings para sa'kin. Alam mo ba...nung nabasa ko 'yun, automatic kong pinatay 'yung tablet ko and then iniisip ko rin 'yung sinabi mo na makikipag-skype ka sa ex mo. Okay lang sa'kin na makipag-skype ka pero 'yung ipamukha sa'kin na makikipagskype ka sa kanya ng ilang oras at baka hindi mo na ako ma-entertain? F*CK. Naiyak ako sa sobrang galit at lungkot. Gan'on ba kababaw 'yung feelings mo para sa'kin? Well, hindi gan'on ang akin.
Hindi ko alam na konting oras lang na hindi ako nakapagreply, magagalit ka na agad sa'kin. Diba in-explain ko na rin naman sa'yo kung bakit? Pero ano...parang hindi mo pa rin naintindihan. Alam ko naman 'yung mga pagkakamali at pagkukulang ko eh. Sinusubukan kong punan pero parang wala lang. Nahihirapan din naman ako eh.
Tapos 'yung ine-expect mo na sagot ko mula sa tanong mo na "Hindi na ulit ako manliligaw sayo", hindi naman kasi ako isang fictional character na ang sagot ay magiging "ako na ang gagawa nun". Soon, gagawin ko rin naman talaga. Nag-iisip lang ako ng unique way pero hindi ko alam na nage-expect ka na pala nun. I'm so sorry about that.
Kung gusto mong tapusin na ang connection between us, it's your decision. Nandito lang naman ako pero kung ayaw mo na talaga, wala na akong magagawa. Kasi nga bumitaw ka na diba?
And besides, mukhang magkakaayos na ulit kayo ng EX mo.
I'm waiting for your answer.
Oo nga pala, hindi ko pinipilit na maging sincere itong message na 'to sa paningin mo. I wrote this kasi ito talaga ang nararamdaman ko. Nasasaktan ako.
...and I'm crying.
Jeez. Bakit ko ba sinasabi pa 'yun? T****ina.
