{Chapter 26- Last First kiss}

Start from the beginning
                                    

"Selfie! Dapat naka wacky!"-bigla niyang tinapat samin yung camera.

At dahil sa gulat, hindi agad ako nakagalaw. Nang tignan niya yung picture, bigla siyang natawa.

"Bakit nakasimangot ka?"-natatawa niyang tanong.

Inis ko namang kinuha yung cellphone ko at tinignan yun. Nakasimangot nga ako habang naka wacky ang kumag kaya gwapong-gwapo siya dun samantalang ako parang pinagbagsakan ng langit at lupa.

Tangna.

Akmang ide-delete ko na kaso bigla niyang hinablot. "Tara na! Sakay na tayo oh!"-turo niya.

Kami na nga ang susunod.

May babaeng umalalay samin sa pagsakay at pagkabit ng kung ano samin. Ano ba to?

Kumunot na lang ang noo ko.

"Syempre, para mabawasan yang bigat ng loob mo sumigaw ka lang."-wika pa niya.

Taka ko siyang tinignan.

"Ha?"

"Sumigaw ka lang kako. Ilabas mo lahat ng sama ng loob mo."-nakangiti niyang sambit.

Unti-unti namang gumagalaw ang sinasakyan namin kaya umingay na ang mga taong kasabay namin.

Nanlaki ang mata ko ng hawakan niya bigla ang kamay ko. "Nandito lang ako."-tugon niya at saka sumigaw na ng mas bumilis ang paggalaw ng sinasakyan namin.

Umiwas naman ako ng tingin at saka palihim na napangiti. Ginawa ko ang sinabi niya. Sumigaw kami ng sumigaw hanggang sa maibuhos ko lahat ng sama ng loob ko.

**

"Ang sakit na ng lalamunan ko."-reklamo ko at napahawak sa leeg ko.

Dahil yun sa kakasigaw namin. Pero kahit ganun, nag enjoy naman ako.

"Ako rin. Tangna, mapapaos pa ata ako neto."-ngiwing dagdag ni skyler.

Nasa wheel of fate kami ngayon. Gabi na nga kaya ito na ang last ride namin.

Medyo nasa baba pa kami dahil may kasama pa kaming sasakay.

"Sino ba kaseng tanga ang sigaw ng sigaw? Para ka ngang bakla."-natatawang asar ko pa.

"Hoy! Bakla na ba yun kapag sumigaw ako? Di naman ah! Sa gwapo kong to, tss!"-umismid siya.

Natawa na lang ako ng magsimulang gumalaw ang ferris wheel. Dumungaw agad ako sa baba at namangha ng makita ang mga ilaw sa baba. Nagulat naman ako ng makarinig ako ng pag click.

"Pinicturan mo ko?"-tanong ko ng makita siyang titig na titig sa cellphone niya.

Nasakin na kase yung cellphone ko at andami niyang kinuha. Kung hindi kami ay solo lang niya. Ang kapal nga eh.

"Remembrance lang. To naman."-umirap siya at saka umupo sa tabi ko. Bahagya pang gumalaw ang sinasakyan namin.

Mabilis siyang nagkalikot sa kaniyang cellphone at saka ilang saglit pa, umalingawngaw sa buong paligid ang music na pinakinggan namin noon.

"Saan mas gandang view?"-biglang tanong niya. "Sa taas na puno ng kumikinang na bituin at bilog na buwan o sa baba na puno ng mga ilaw?"

Baby tell me what to change
I'm afraid you'll run away
If I tell you

What I've wanted to tell you, yeah

Napaisip naman ako sa sinabi niya. Ano nga ba ang mas magandang view? Napatingin ako sa kalangitan. Sakto namang tumigil ang sinasakyan namin sa taas kaya mas napagmasdan ko ng maayos ang mga butuin at buwan.

UNEXPECTED INLOVE (COMPLETED)Where stories live. Discover now