Chapter 32| I'm Sorry

Start from the beginning
                                    

"Huh?! Bakit mo ginawa yun?! Baliw ka ba?!" Ang sakit naman sa tenga...Kylie talaga.

"Alam ko. Pero kasi, di ko naman pwede pag sabayin sila Peter at Kaizar." Sabi ko.

"Problema mo na yan. Basta, sinabi na namin kung ano yung tama." Sabi ni May.

"Oo nga. Haysh." Sabi ni Lexi.

"Tara na, tapos na yung lunch. Baka malate pa tayo sa next class natin." Sabi ni Kylie.

Pumunta na kami sa classroom. Pinag titinginan kami ng mga students. Ano nanaman meron. Parang may issue nanaman ah.

Umupo na kami sa mga seats namin.

"Bakit kayo naka tingin saamin? May problema ba kayo?" Pag tataray ni May.

Di sila sumasagot. Hangga't sa dumating na yung teacher namin na mag tuturo ng math.

"Mamaya kayo saamin." Sabi ni May ng pabulong.

1 hour later...

Tapos na yung math subject namin at umalis na yung teacher sa classroom.

"Ngayon, sagutin niyo ako. Bakit kayo naka tingin saamin?" Sabi ni May.

Biglang may pumasok sa classroom. Sila Faira.

"Mali ata kayo ng pinasukan na room. Class 3 toh." Sabi ni Kylie.

"Eh ano naman? Kami ang queen dito sa school na toh. Kaya we can do what ever we want!" Sabi ni Faira.

"Shut up. Alam naman nilang lahat, at kayo din, na kami ang queen dito. Eh hindi niyo nga kami matalo-talo eh. Weak." Sabi ni Kylie.

"Nag hahanap ba kayo ng away?" Tanong ni Lexi kela Faira. "So ano ngayon kung gusto namin ng away?" Sabi naman ni Fiona.

"Ahh ganun. Pwes, bibigyan namin kayo ng away. Sino gusto mauna?" Sabi ni Iella.

"Mauna saan?" Tanong ni Carley.

"Akala ko ba gusto niyo ng away? Ikaw na mauna. Halika dito!" Sabi ni Iella.

Lumapit naman si Carley sa harap ni Iella. Biglang sinipa ni Iella si Carley. Lahat naman ng students napatayo. Which is yung classmates namin. Nandito pa kasi sila sa room.

Pumunta sila sa likod namin.

"Oh, muhkang di na makatayo si Carley. Sino susunod?" Sabi ni Iella.

Susugurin na sana ni Kathryn si Iella kaso naunahan ni Iella ng sipa. Kaya naka higa sila Carley at Kathryn sa sahig ngayon. Naka hawak sila sa mga tiyan nila. Doon kasi sila sinipa eh.

"Napaka weak niyo naman." Sabi ni May hababg tumatawa.

"Bakit di mo ako kalabanin?" Biglang sabi ni Neyla.

"Tara." Sabi ni May. "Sipa rin ba gusto mo?" Dagdag ni May.

"Marunong ka ba?" Sabi ni Neyla.

"Bakit di ka lumapit dito? Para makita mo." Sabi ni May. Lumapit naman si Neyla kay May at bigla itong sinipa ni May. Boom. Tatlo na ang na sa sahig.

"Oh. Ano ginagawa mo dyan? Bakit naka higa ka? Kasama mo yung dalawa mong stupid friends. Mga walang kwenta." Sabi ni May.

"Haysh. Napaka weak ng kalaban natin. Were just wasting our time. Tara na girls." Sabi ni Kylie. Kinuha niya na yung bag niya, kaya kami na rin.

Naka harang si Faira sa pintuan kaya naman tinulak ito ni Kylie papunta sa side kaya pati rin si Faira na sa sahig.

"Ba yan. Isang kamay lang ginamit ko sa pag tutulak, tumba agad yung leader ng mga weak. Tara na nga." Sabi ni Kylie bago kami lumabas.

Pag labas namin, nag high five kaming lima. And bigla naming nakita si Kaizar naka upo sa may locker.

"So, nandito lang pala tong lalaking toh eh. Bakit di siya pumasok nung room. Lagot siya kay teacher. Math pa naman, tapos may quiz pa. Hays." Sabi ni Kylie.

"Kaizar? Nandito ka lang pala eh! Ano ginagawa mo dyan?" Sigaw ni Sean. Pumunta naman yung boys kay Kaizar, maliban kay Gab.

"Ang galing mo kanina, May. Napa tumba mo agad si Neyla." Naka ngiti na sabi ni Gab kay May.

"Ayyyiieeee!!" Sabi naman naming apat. Napa tingin naman sila Sean saamin. Kaya pumunta sila saamin.

"Okay ka lang ba, Kylie?" Tanong ni Sean kay Kylie. "Oo naman." Sagot naman ni Kylie. "Good." Sabi ni Sean.

"Iella, ikaw? Okay ka lang?" Tanong ni Cyrus. "Okay lang ako." Sagot naman ni Iella.

"So ano, mag tatanong ka rin kung okay lang ako?" Sabi ni Lexi kay Theo. "Paano mo nalaman?" Tanong ni Theo.

"Alam ko naman na tatanungin mo rin ako." Sabi ni Lexi. Tumawa nalang kaming lahat.

He's BackWhere stories live. Discover now