32 : Poignant

152K 3.2K 228
                                    


Poignant - causing a strong feeling of sadness

-----

Gigs

Damn it! Ito na ba ang epekto ng sobrang kabaliwan ni Captain kay Kapitana.

Tangina parang di sila nagkasama buong gabi ah. Kung makatingin si Captain kay Kapitana sobra pa sa malagkit.

" Mr. Zarate! Are you listening!" Sigaw ni coach. Ngumisi lang si Captain bago ibinalik ang tingin kay coach.

Ngumiti pa siya. Tangina talaga, ngayon lang ulit 'to ngumiti kahit pinapagalitan na.

" Coach alam mo bang kinikilig ako ngayon, yung mahal ko nakatingin sa akin" Pucha nga talaga! Konting konti nalang, baka makalimutan kong si Captain ang nagsasalita. Maganda ang mood ni Captain ngayon. For the first time since I've known Miguel, ngayon ko lang siya nakitang ganito.

Takhang tumingin si Coach sa kung saan nakatingin ulit si Captain. Halatang naiinis na din si Kapitana ng mapatingin ako sa kanya.

" Are you talking of Ms. Sabina Flores, Mr. Zarate" Tanong ni Coach. Ngumiti si Captain.

" Sabina Zarate, Coach! Malapit na kami magpakasal" Tangina nga talaga. Lumaki ang mga mata ni coach dahil sa sinabi ni Captain.

" Enough of that, Mr. Zarate. We are about to start the game. I need you to focus on the game and not on your personal life first. You are the captain of the group and so yoy act as one" Coach said. Tumango si Captain bago nagsalita.

" Coach pagnanalo kami dito, ninong ka sa kasal ko" Damn it! Hindi ko na kayang pakinggan pa ang lahat ng kalokohan ni Captain.

" Mr. Zarate!" Galit na saad sa kanya ni coach.

" Sinasabi ko lang coach para hindi ka na mabigla pa. Ipapahatid ko nalang kay Gigs yung invitation letter ng kasal ko." Hindi ito ang tamang oras, tamang lugar, at tamang panahon para sabihin ni Captain ang lahat ng ito, at alam kong alam ni Captain iyon.

Tumingin muli si Coach kay Kapitana bago ibinalik ang tingin kay Captain.

" I will talk with you privately about this childishness act you just showed me, Mr. Zarate." Coach said then he averted back his gaze at Kapitana. Si Kapitana naman ay nakatingin lang sa gawi namin. Lalo tuloy sumasaya si Captain.

Shanon

Kung alam lang ni Captain kung gaano kabadtrip si Kyle sa kanya. Kanina pa nito ito binabalingan ng masamang tingin.

Alam naming lahat na sa away hahantong ang problemang ito kung ipagpipilitan ni Kyle ang gusto niya.

Dumating na ang kalaban namin galing sa kabilang unibersidad. The bounty hunters are already here and is evidently ready and determined to win too. Captain just looked at them and smirked.

He then looked at all of us before speaking authoratively.

" Monteverde, you are the shooting guard. We will do the cleaning, you do the throwing" Wika ni Captain sabay tingin kay Kiefer.

Forbidden Affair (Completed) [R-18]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon