Nung sumarado yung pinto, nagsimula na naman akong mag-iyak. Hindi ko talaga maintindihan ang nangyayari. Hindi ko maintindihan si Sho. Ano ba kasing mali sa akin? Mas maganda naman ako sa She na yun ah? Mas matagal ko naman s'yang nakasama kaysa sa She na yun ah? Ako, mahal ko talaga s'ya, ako hindi ko s'ya ginagamit, ako hindi ko s'ya gustong maging boyfriend dahil lang sa gusto kong may maipagmayabang sa mga kaklase ko... gusto ko s'yang maging boyfriend kasi mahal ko s'ya, kasi gusto ko s'yang makasama lage. Bakit ba hindi n'ya yun makita? Bakit ba hindi n'ya yun maramdaman?

Ang sakit sakit. Mas masakit pa tong nararamdaman ko ngayon kumpara noong binasted ako ni Prince Bryan. Mas masakit to ng di hamak kasi, mas malalim to eh. Itong nararamdaman ko para kay Sho, ngayon ko lang narealize na ilang beses na mas matindi ito kaysa doon sa naramdaman ko noon para kay Prince Bryan. I have always thought na si Prince Bryan ang first love ko, pero nagkamali pala ako. Ang totoo pala, I never knew real love until I fell in love with Sho. Si Sho, s'ya ang tunay na first love ko...

"Bakit kasi hindi na lang ako naging potatochips?" tanong ko sa sarili ko habang may tumutulong mga luha sa mga mata kong nakatingin sa kisame ng kwarto ko.

XXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXX

Kagigising ko lang. Ang sakit ng ulo ko, at lalong sumakit noong makita ko ang itsura ko pagharap ko sa salamin. Mukha akong tarsier na tumira ng shabu! Ang laki na nga ng mga mata ko, lalo pang lumaking tingnan kasi paga! Tapos ang pula-pula pa nila! Magdamag ba naman kasi akong nag-iyak eh! Kainis talaga!

Pagkatapos ng frustration ko over my red puffy eyes, mas nafrustrate naman ako paglabas ko papuntang kitchen namin kasi...

"Bakit walang ulam?!" sigaw ko, agad na napalabas yung isang tauhan ni papa.

"Nako Ms. Pauleen, hindi po ba kayo tinirhan ni Sho? Hala, ipagluluto ko po kayo ng bago, saglit lang."

Agad na nagtatakbo papunta sa lutuan yung tauhan ni papa. 

Walangyang Sho na yun! Sumosobra na talaga s'ya! S'ya ang rason kung bakit nagkaganito yung mga mata ko, tapos may gana pa s'yang ubusan ako ng ulam? Ugh! Pag nagkita talaga kami makikit--

Natigil ako sa pagdidiss kay Sho sa utak ko, nang makita ko s'ya, si Sho, kakadating lang n'ya. Bihis na bihis s'ya ngayon, at bagong gupit ang lolo mo! Lalo s'yang gumwapo! Tapos... tapos... bukod sa potato chips, may dala-dala s'yang bouquet ng bulaklak! 

How sweet. Magsosorry ba s'ya sa akin gamit yun?

"Hindi mo ko madadaan sa ganyan Sh--"

"Pauleen, pahiram ng pabango mo huh?"

"Huh? Okay."

Pumasok na s'ya sa kwarto ko matapos kong sumagot. Natulala na lang ako nang may kasamang dead air sa paligid. So hindi n'ya ibibigay sa akin yung bulaklak?

Agad akong sumunod kay Sho doon sa kwarto ko. Iniistylan n'ya yung buhok n'ya sa harap ng salamin. Bakit nag-aayos to?

"Saan ka pupunta huh? May lakad ka? Babalik ka na ng Tagaytay?"

"Hindi talaga ako marunong mag ayos ng buhok, ikaw marunong ka? Tulungan mo nga ako."

I liked the idea of touching his hair, at parang ang sweet lang nung aayusan ko s'ya ng buhok kaya agad akong pumayag.

"Ayos na yan," sabi n'ya habang nakaupo sa harapan ng salamin sa kwarto, mukhang satisfied naman sa ginawa ko sa buhok n'ya. Ang gwapo n'ya talaga ngayon in all fairness.

"Alis na ako."

"Saan ka pupunta?"

"Ipapakilala ako ngayon ni She dun sa mga high school classmates n'ya daw, may reunion ata. Geh, malelate na ako Pauleen aalis na talaga ak-- "

[OHG SIDESTORY- Sho Godwin ] : THIS IS NOT A LOVE STORYजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें