Chapter 53

3.7K 52 3
                                    

Makalipas ang ilang oras ay nakarating na rin si Francine sa bahay nila

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Makalipas ang ilang oras ay nakarating na rin si Francine sa bahay nila. Pagkababa pa lang niya sa tricyle ay napansin kaagad niya na nakabukas ang gate, kaya naman dumiretso na siya sa loob.

"Vera?" pagtawag niya, ngunit wala siyang tao na natagpuan sa loob. Inakala niya na baka nasa kuwarto si Vera, pero nang sumilip siya ay wala rin ito roon. "Vera? Nasaan ka ba? Nasa service area ka ba?"

Then suddenly, may naramdaman siyang malamig na kamay na humawak sa kanyang balikat.

May tao sa kanyang likuran.

"Akalain mo nga namang pupunta ka rito?" narinig niyang sabi nito. Sa tono pa lang ng boses nito ay alam niya nang si Vera iyon. "Ang akala ko ay hindi ka na pupunta, Francine," dugtong nito.

Sumagot siya, "Vera, ano ba'ng nangyari kay---" Haharap na sana si Francine, ngunit bigla nitong tinakpan ang kanyang bibig ng panyo at kinaladkad. "Mmmm!"

"Ang tanga-tanga mo talaga! Utu-uto!"

Sinubukan niyang magpumiglas, ngunit hindi niya magawang makaalis sa mga kamay ni Vera.

"Napakatanga mo para mahulog sa patibong ko! Wala kang kasing tanga, Francine! Nagmana ka talaga sa walang kuwenta mong ina!" tumatawang sabi ni Vera.

Hanggang sa malanghap na ni Francine ang matapang na amoy na nanggagaling sa panyo at bigla na lamang siyang nawalan ng malay.

---

Sabay na dumating ang grupo nila Jackson, pati na rin si Raymart sa bahay nila Francine. Nagsilabasan din ang mga kapitbahay na nagtaka kung bakit may mga pulis doon.

Nang halughugin nila ang buong bahay ay wala na pala roon si Vera, pati na rin si Francine na may nakakita na nagpunta rin roon.

"Naunahan na tayo, pare. Walang tao sa loob." Napakamot si Jackson sa batok. "May alam ka pa bang lugar kung saan puwedeng magpunta si Vera? Sigurado akong nanganganib ang buhay ni Francine. Maaaring hawak siya ngayon ni Vera at baka kung anong gawin sa kanya nito."

"Kanina ko pa nga tinatawagan si Miggy, pero unattended siya," nag-aalalang sagot ni Raymart.

"Malakas ang kutob ko na hawak din ngayon ni Vera ang asawa ni Francine. May natagpuang damit na panlalaki na punung-puno ng dugo sa basurahan at sigurado akong kay Miggy iyon."

Mas lalong kinabahan si Raymart sa sinabi ng kaibigan. Pagkuwa'y sandali muna silang nag-isip ng paraan.

Then suddenly, biglang may naalala si Raymart. Naalala niya na may smart watch nga pala siyang ibinigay kay Francine. Makakatulong iyon dahil may GPS iyon na makakatukoy saan man ito magpunta.

"Pare..."

Tumingin sa kanya si Jackson. "O, may naisip ka na bang paraan?"

"Sa tingin ko ay alam ko na kung saan matatagpuan sina Vera at Francine."

Sinful Heaven [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon