CHAPTER TWO

6 0 0
                                    

" WAAAaaahhh"

" mooooooommmmmmmyyyy"

" maaaammmmmaaaaaa. Di ko na kayaaaahhh!!!"

Grabe ang ingay nila. 

Andito kami ngayon sa pilahan ng Anchor's Away. Oo tama kayo nasa E.K kami ngayon. Nakatulog kasi ako kanina sa ka emohan ko eh. kaya di ko napansin yung daanan. Di sana napigilan ko siya. ToT.

Sa totoo lang kanina pa nanginginig ang tuhod ko. Di kasi ako mahilig sumakay sa ganitong mga rides. Extreme Rides. Takot kasi ako sa matataas na lugar. Alam kong alam ni Paolo yun. At kanina ko pa iniisip kong bakit kami nakapila dito. Para siyag nang aasar, kanina ko pa gustong mag walk out.

" Okay ka lang Cannie?? " napahawak siya sa pisngi ko." namumutla ka "

" Alam kong alam mo ang sagot ko dyan Pao. " pagalit kong sabi sa kanya.

ngumisi siya " come on. Cannie. you will be alright" hinawakan niya kamay ko at tumingin sa mga mata ko. " Andito naman ako di kita bibitawan. see" pinakita niya ung kamay naming magkahawak.

" di mo nga ba talaga ako bibitawan??" Pabulong kong sabi.

" Oo naman." sabi niy sabay ngiti. haay un nanaman yung mga ngiti niya. " Tara na Cannie?" 

###

Buong araw kaming nag rides at nag libot sa E.K. Buong araw niya ding hawak ang kamay ko. Kahit muntikan ng mabasag yung eardrums ko at namaos na ang boses ko ang saya saya pa din.  Puwede bang huminto muna yung oras??. Sana lagi na lang ganito.

" gutom ka na ba??" tanong niya

" Di okay lang ako. " 

" Mukhang hindi na eh. "

napakunot ang noo ko. " bakit mo nasabi ??"

" Kasi naman tulala ka na nakangisi ka pa. okay ka lang ba talaga ??. Baka pagod ka na ah" Sabi habang nag pipigil ng tawa.

lokong ito nakuha pa akong pagtawanan. kaasar.

###

" Ginagabi ka ata ngayon?? "

Napahinto ako sa paglalakad. At nilingon ang nag salita.

" opo pa. May pinuntahan kasi ako eh. " baling ko sa mama ko.

" At di ka man lang nag paalam??. Ganitong oras ba ang uwi ng matinong babae? Buti pa si Kata nagpapaalam pag ginagabi." Pinag mamalaki nanaman ni papa ang Dyosa na si Calixta.

" Pasensya na po papa. " nakayuko kong sabi.

" Siguro sumama ka nanaman sa mga kaibigan mong patapon ang buhay??." yun ang tingin niya sa mga kaibigan ko. Bad influence daw kasi silansaakin eh. Palibhasa di ako katulad ni ate Calixta na sumusunod sa lahat ng sinasabi niya.

"ang tigas talaga ng ulo mong bata ka!" sermon ni papa.

" Pero pa. di naman po sila masasama~"

" Tigilan mo yang pag sasama sa mga wala mong kwentang kaibigan ah. Di ka gumaya kay Kata. puro sikat ang mga kaibigan at mayayaman katulad ng istado natin."

Yan si papa. puro si ate Calixta ang bukang bibig at ang kayamanan niya. Nakakainis. Lagi na lang si Ate Si ate. Si Calixta ganito. Si Calixta ganyan. Lagi na lang siya ang bida. Ang sakit ginagawa ko din naman yung best ko para makuha din yung simpatya ni papa. Pero lagi pa din ako mali. 

 "Hey dad look at me

Think back and talk to me

Did I grow up according to plan?

TOSSED COINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon