Hindi ito sumagot at kumain ng sandwich.

"Hoy grabe mga besh. Nakita nyo ba yung bagong scandal?" Sabi na isang babae na bagong dating. Malapit lang ito sa mesa namin kaya naririnig ko ang chismisan nila kasama ang tatlo pang babae.

"Ano yan, patingin." Pinagpasa-pasahan nila ang cellphone.

"Sayo na lang to Kit oh." Wika naman ng katabi ko. Nilagay nya ang isang fried chicken sa plato ko.

"Hala patay, malaking gulo to pagnalaman ni pres."

"Magpinsan pa naman sila."

"Dom?" Tiningnan ko ito. "Ba't parang lahat ng tao ngayon ang weird ng kinikilos. Kanina dun sa labas ng classroom panay rin ang chismisan ng mga babae."

"E-ewan, hindi ko alam." Mahina nitong sagot.

"Guys, nag-aaway daw si Brenda at Vika sa science lab." Humihingal na balita ni Sunny sa lahat.

Napahinto naman ako sa pagkain ng bigla akong hinila ni Dom. "Teka kumakain pa --."

"Tara na, ibibili na lang ulit kita mamaya."

Wala akong nagawa kundi sumunod sa kanya at nilunok ng buo ang tinapay. Shit, bumara yata sa lalamunan ko.

Tumakbo ang mga studyante papunta sa science building.

"Bitch. Traydor!" Malayo palang kami sa lab naririnig ko na ang boses ni Vika. Marami na ring tao ang nakasilip sa bintana. Wala namang naglakas loob para awatin ang nag-aaway.

"Really Vika? Dati pa alam mo ng may gusto ako kay Kurt pero nilandi mo parin sya. So sa ating dalawa sino ang traydor?"

"Oo nga mas una mo syang naging crush pero ako naman ang niligawan. Pwede ba ilugar mo naman ang sarili mo. Nagmumukha ka tuloy cheap at disperada."

Sumandal ako sa pader at tiningnan lang ang mga nagbubulungang chismosa. Hindi naman gumagalaw ang katabi ko, nakikinig lang ito sa nag-aaway. "Dom, umalis na tayo dito. Hayaan mo na sila, makibalita kana lang mamaya."

"Ssshhh!" Suminyas ito na tahimik.

"Mas disperada ka!" Sigaw ni Brenda. "Hindi ko naman dini-deny ang nasa video Vika, totoo lahat ng sinabi ko. Pero narinig mo rin naman siguro ang sinabi ni Kurt di ba? Hindi ka nya totoong gusto, niligawan ka lang nya dahil ikaw ang council president. In short na-pi-li-tan lang sya." May pang-iinis na wika nito.

"How dare you Brenda? Selosa! Mang-aagaw! Malandi!" Isang malakas na tili ni Brenda ang lalong nagpalakas sa mga bulungan.

Mukhang nagkakasabunutan na yata base sa mga sigiwan nila.

"Ouccchh!!! Mas malandi ka!"

Lalong nagsiksikan ang mga tao at gustong-gustong mapanood ang nangyayaring boxing fight.

"A-awatin mo sila Kit." Inalog-alog ni Dom ang braso ko. "Baka magkasakitan sila."

"Ayaw mo nun makakaganti kana sa kanila? Hayaan mo na yan, malalaki na sila. Tsaka mahaba ang mga kuko nyan, baka makalmot pa'ko."

Mas pinoproblema ko kung saan ako iinom ng tubig.

"Aaahhh! Ang sakit!" Napasinghap ang mga nanonood sa lakas ng sigaw ni Brenda. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa loob dahil hindi ko naman nakikita. "Help!"

"Oh my god!" Sigaw ni Sunny. "Si Brenda natusok ng kahoy."

Namilog ang mata ko sa narinig. Automatiko akong lumapit sa pinto at hinawi ang mga taong nakaharang.

Napalunok ako sa nakita. Nakatusok ang baling kahoy sa kaliwang binti nito.

"Tawagin nyo ang ng nurse, dali!" Sigaw ko. Nilapitan ko naman si Brenda, dumadaing ito sa sakit at umiiyak. Nakatulala naman si Vika habang umaatras. Siguro hindi nila nakita ang baling kahoy sa upuan.

"Brenda calm down, tumawag na kami ng tulong." Hindi ko alam kung hahawakan ko ba sya o hindi.

"Help me." Pagmamakaawa nito.

Ilang minuto ang nakalipas ng sa wakas dumating din ang nurse at mga teacher. Tumawag na rin sila ng ambulance para madala agad si Brenda sa hospital.

Habang si Vika naman ay dinala rin sa police station para magpaliwanag sa nangyari.

---

"Tita may sakit parin po ba si Dominique?" Dalawang araw na syang di pumapasok mula ng mangyari ang aksidente sa school.

"Oo, ayaw parin nyang kumain. Gusto ko sana syang dalhin sa doctor para ipa-check up pero ayaw rin naman nya. Hindi ko na alam ang gagawin Kit."

"Sige po kakausapin ko na lang, baka mapaki-usapan ko sya ngayon."

"Oh sige."

Umakyat ako sa kwarto ni Dom. Kumatok muna ako ng dalawang beses bago pinihit ang doorknob.

"Dom?" Nakita ko itong nakahiga sa kama habang nakayakap sa unan. "Tara kain tayo?"

"Wala akong gana. Ikaw na lang." Napaka-tamlay ng boses nito.

Umupo ako sa tabi nya. "Ano bang nangyayari sayo? Bigla ka na lang nagkasakit. Ok ka naman nung isang araw di ba?"

Huminga ito ng malalim at dahan-dahang umupo. "Magiging ok rin ako. Siguro napagod lang."

Dinama ko ang noo nito. "Buti wala kang lagnat. Hmmm. Syanga pala may balita ako sayo. Alam mo ba si Brenda papahintuin muna ng mga magulang nya sa pag-aaral dahil hindi pa makakalakad yung isa nyang paa. Tapos si Vika rin aalis na sa school, itatransfer yata sya ng papa nya kasi bad record na sya sa school natin."

"Ah.." Yun lang ang sinagot nya.

"Ibig sabihi ba nun Dom ikaw na ang bagong president kasi mawawala na si Vika?"

"E-ewan, depende sa dean kung ibibigay sa akin."

"Pero automatic na yun eh." Ang pagkakaalam ko pag-wala na ang president automatic na papalit ang vice.

"Halika sa baba tayo, ipagluto mo'ko ng lugaw." Tumayo ito at hindi na nagkomento sa sinabi ko.

"Talaga kakain kana?"

"Oo, basta ipagluluto mo'ko ha."

"Oo ba."

Mabuti naman at medyo naging ok na ang mood nya ngayon. Lakas talaga ng power ko.

•••••

Not so innocent (gxg) ❤DomCia❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon