Chapter 6

719 36 6

Kit's POV

*

"Lou nakita mo ba si Dom?" Tanong ko sa isa nitong klasmet. Sinilip ko ang klasrom nila pero wala ng tao.

"Ewan ko. Sige bye." Tumakbo agad ito papunta sa mga nagkukumpulang mga babae sa baba ng hagdan. Ano kaya yun?

"Hala si Kurt at Brenda? Yak."

"Nu ba yan landi. Bwesit."

"Nyeta amputa."

"Luh pano si Vika?"

Naririnig kong chismisan ng mga babae. Lumapit ako sa kanila. "Hoy ano yan?" Sadya ko silang ginulat.

Tinago agad ni Sunny ang isang cellphone. Ang pinaka-chismosa sa skwelahan namin. "Ano ba Kit, ba't ka ba nanggugulat."

"Ano yang tinatago mo? Naku nanonood siguro kayo ng S noh?" S as in scandal.

"S mo mukha mo. Di kaya."

"Mukha mo rin." Bumagay talaga ang malaki nyang bibig sa kanyang pagka chismosa.

Feeling ko mag-aaksaya lang ako ng oras dito kaya naglakad na ako paalis, hahanapin ko na lang si Dom. Siguro nasa cafeteria na yun, pero bakit nya naman ako iniwan?

"Tol!" Wika ko ng makasalubong si Ashley a.k.a Shane. Isang tomboy rin. "Nakita mo ba si Dom?"

"Ah oo tol, kanina nakita ko palabas ng c.r."

"Ah ganun ba, sige salamat." Nag-fist bump muna kami bago naghiwalay.

Etitext ko na lang, kaya lang wala pala akong load. Hay nakakainis naman, gutom na'ko eh.

Bahala sya, pupunta na ako sa cafeteria.

"Ate C2 nga tsaka chicken sandwich, samahan nyo na rin ng dalawang fried chicken." Order ko.

"Akin din po ate. Parehas nung sa kanya." Napatingin ako sa tabi ko, speaking..

"Saan ka ba galing? Kanina pa'ko naghahanap sayo ah." Naiinis kong wika.

"Dyan lang sa tabi." Inosenti ang mukha nito na parang hindi nya ako pinaghanap.

"Hindi ba pwedeng magtext ka man lang sa akin na wala ka na sa klasrom nyo para hindi na sana ako dumaan dun. Nag-effort pa'ko wala ka rin naman."

Ngumiti ito. "Elilibre na lang kita. Sorry na."

Kunwari hindi ko narinig ang sinabi nya. "Ito bayad ko ate." Kinuha ko ang wallet ko.

Agad namang inabot ni Dom ang 500 kay ate. "Ako na rin po ang magbabayad sa kanya." Binigay nya ang tray sa akin. "Yan, wag ka ng magtampo."

Walang kangiti-ngiti kong kinuha ang tray at naghanap ng mauupuan. Naiwan naman si Dom para kunin ang sukli nya.

Hindi ko na ito hinintay at kumain na.

"Ui. Sorry na." Tumabi ito sa akin.

"Effort-effort pa'ko." Himutok ko habang ngumunguya ng fried chicken.

"Grabe naman to, magkatabi lang naman yung classroom natin Kit. Minsan ang oa mo rin noh."

"Ang point ko sana tinext mo man lang ako. Paano pala kung hindi ako pumunta dito, di mamamatay na ako sa gutom."

"Grabe. Naubusan kasi ako ng load kaya di na kita natext. Nag-c.r lang naman ako eh."

"Himala naman naubusan ka ng load. Parating 100 yung niloload ng mommy mo di ba."

Not so innocent (gxg) ❤DomCia❤Read this story for FREE!