Nineteen

921 50 53

WTKWLI — Nineteen

Aina's P.O.V.

Gumising ako na masakit ang ulo. Fuck. Parang natibok siya. Alam niyo yung ganung feeling? Err.

Umayos ako ng upo and wala si Skype? Lumingon ako sa paligid. Wala siya. Tiningnan ko yung pintuan ng cr, bukas naman?

I grabbed my phone sa table katabi ng kama para tingnan ang oras, 7am pa lang ah? Late yun magising eh.

Baka nasa labas na. Makatayo na nga at makapag ayos.

Dumiretso ako sa cr para mag hilamos at mag toothbrush. Sabay lagay ng konting liptint kasi namumutla ako. And late ko na rin narealize na iba na suot kong damit. Ang laki neto pero ang comfy.

I tried reminiscing what happened last night pero last thing I remembered was crying on her shoulder.

Okay lang. May nangyari na naman din sa'min so di na ko mag tataka if that happened again.

Nag tali lang ako ng buhok, messy bun, tsaka ako lumabas ng tuluyan and my surprise kasi ang ang bango. Nag luto pala siya ng breakfast.

"Hi, Skype. Good morning." Bati ko sa kanya and lumingon naman siya. I smiled widely pero nag poker face lang siya ang balik ang attention sa niluluto.

Nag pout lang ako at umupo sa table na pagkakainan. May mga luto na ulam. Baka rice na lang yung sinasangag niya.

Kukurot sana ako ng ulam ng bigla siyang nag salita.

"Mamaya na. Di pa tapos 'to oh."

Napatingin ako kung nasaan siya. Naka-rest siya sa pinag lulutuan niya banda at nakatingin lang sa'kin.

Skype. Pwede ba. Please lang. Kahit isang beses lang na kapag tiningnan kita, hindi ako kiligin? Pwede ba yun? Okay lang ba? Hayssss.

Nag pout lang ako sabay yumuko. Gutom na ako eh. Pinaglalaruan ko lang yung daliri ko kasi nahihiya ako na nakita niya akong ganuuuun. Baka isipin niya matakaw ako.

Maya maya pa, naramdaman ko siya sa tabi ko at hinawakan niya yung baba ko and inangat ulo ko para makita niya.

She pecked a kiss on my lips and ako? Nanigas lang. Wala na. Finish na. Ako dapat yung magpa-fall diba? Bakit ako yung nahuhulog araw-araw sa kanya?

"Sige na. Kain na. Yang kape, inumin mo. Malamang may hangover ka ngayon." Habang tinatanggal niya yung apron niya ang umupo na rin siya sa table then sabay kami kumain.

After kumain, nanuod lang kami and it's already 9am patayo na sana ako sa couch ng bigla siyang nag salita.

"We'll stay home for a week or two."

Napalingon agad ako sa kanya while frowning. Sinasabi neto?

"I asked the director if you could help me with the course cause I'm new right? Papasok na siguro tayo kapag midterm na and I also asked some professorta if they could send their resources to help us review."

I was left shookt and still thinking, how did she do that? Grabe, Skype.

Nag chill lang muna kami for a while then nag lunch. Tapos naligo. Nauna ako sa kanya kasi mag aayos pa ako at mag skin care.

I was in the mirror nang lumabas siya. Towel lang yung nakabalot sa kanya and I tried distracting myself kasi baka mahuli niya akong nakatingin sa kanya.

"Masakit, Skype?" Napatigil siya sa paghahanap ng kung ano at napatingin sa'kin na takang taka.

"Yang braces mo. Sabi kasi nila masakit eh."

Want to Know What Love is? (Bisexual Story)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!