Chapter Nineteen: Memories

955 15 0

If it is meant to be then it is meant to be. :)

Hell-o. Ang tagal kong di nakapag-update. Sorry po. Walang votes sa nakaraang reads. :(

Anyway highway, eto na po ang another update. Enjoy. <3

-BitterSweetNovelist

---------------------------------------------------

Chapter Nineteen

 Third person's POV

Naging abala sina Ziah at Zandra sa pagtulong sa pamilya ni Zabelle sa pag-aayos ng burol nito. They are mourning on Zabelle's death. Mas nanainisin pa daw nila na sa sakit mamatay si Zabelle kaysa sa isang trahedyang hindi nila inaasahan.

"Magpahinga na kayo, Tita. Kami na ho ang bahala ni Ziah dito. Mag-aalala po lalo si Zabelle kung magkakasakit pa kayo. You know how much Zabelle loves you, tita." ani Zandra. Agad namang sumunod ang mama ni Zabelle at nagpahinga sa isang maliit na kwarto na nasa loob ng chapel. Nagpasalamat muna ito sa kanila at nagpaalam sa ilang bisitang naroon bago ito tuluyang magpahinga.

"Honey, magpahinga ka din. Lagi ka na lang puyat." nag-aalalang ani Raf sa asawa.

"I'm okay, Raf. Maliit na bagay lang ito kung tutuusin. Zabelle is like a sister to me. Saka kailangan din magpahinga ni Tita baka magkasakit iyon. Multuhin pa ako ni Zabelle." patawa nito sa asawa.

"Just don't tired yourself too much. Makakasama sa baby natin." Raf said while he's carressing Zandra's tummy.

Zandra is three weeks pregnant. Akala nito noong una ay may menstrual period lang siya pero nagspotting na pala siya. Kinabahan siya dahil sabi sa kanya ng mama nito ay masama daw ang pagkakaroon ng spotting kapag buntis, kung kaya't todo alaga din sa kanya ni Raf sa kung saanmang lakad nito.

"I'm okay. Malakas ang kapit ng baby natin." she assured her husband as she kissed him on his cheek.


"Sige na, ikaw na mag-asikaso nung ibang bisita. Pupuntahan ko lang yung kaibigan mong kanina pa nasa harap ng kabaong ni Zabelle." aniya sabay nguso sa kinaroroonan ni Drew.

"Let him be, hon. Nagdadalamhati pa ang loko." ani Raf sabay paalam nito na may bibilhin lang sa labas.

Agad na naglakad si Zandra patungo sa kinaroroonan ni Drew. Nakita niya itong nakaupo sa tapat ng kabaong ni Zabelle. Sabi sa kanya ni Ziah nang makausap niya ang kaibigan ay lagi raw itong nasa ganoong posisyon. Naalis lang daw si Andrew kapag pinapakiusapan ng mama ni Zabelle na magpahinga muna at umuwi. Pero ang loko mautak at nagdala ng damit at sa isang bahay ng kaibigan na malapit sa chapel ito tumutuloy.

"Drew." tawag niya sa lalaki. Humarap naman ito sa kanya ng maramdaman ang paghawak nito sa balikat ng lalaki.

The Triumvirate Racers (Book 2): Yzzabelle ClayworthBasahin ang storyang ito ng LIBRE!