[PARDON FOR TYPOS AND WRONG GRAMMAR]

Jake's POV

"Naku! Nasaan na ba si Drake? Lagot ako nito kay Ate! Tsk!" Nag-aalala na 'ko kanina pa ako paikot-ikot sa park.

Nawawala kasi si Drake, at pahapon na baka kung mapano ang bata na 'yun. Sinabi ko naman kasi na wag nalang siyang sumama sakin at baka mawala pa ayan. Tama nga ako. Nawawala na siya.

At ilang minuto ang lumipas sa paghahanap ko kay Drake ay natagpuan ko siya. May kasama siyang isang babae.

"Drake!!" At nang tawagin ko si Drake ay agad siyang lumapit sakin. At humarap din yung kasama niya, laking gulat ko ng makita ko si..

Kim?

"J-jake?" Gulat na tanong niya sakin. Nakakamiss yung mukha niya lalo na pagnagugulat.

"Hey!" Masiglang pag bati ko sakanya.

"UY! KWEK-KWEK!!! I MISS YOU!!!" Tapos nagmadali siyang tumakbo papunta sakin at niyakap ako! Tsk talaga 'tong si tokneneng oh!

"A-aray! H-hindi naman ako maka hinga." Sabi ko sakanya habang nakayakap siya sakin.

"Huy! Nakakamiss ka kwek-kwek! Long time no see ah! 6 years na din." Sabi ni kim sakin. Napansin ko si Drake na nakatinggin lang samin.

BTW, Ako si Jake Loresco, 4th year highschool. Bestfriend ko si kim, I'ts been a long time simula nung huling magkita kami, And i call her tokneneng. Mahilig kasi siya dun dati at kay Alonica naman ay Fishball. Magkakaibigan na kami simula palang nung Grade 1 kaso nung grade 5 ako, nagmigrate kami sa Florida,USA. Pero ngayon dito na muna ako sa philippines with my lola and my sister.

"Namiss din kita tokneneng!!!! Ang tagal na nating di nagkita,  Kamusta kana? Si Alonica kamusta?"

"Hmm. Okay lang ako, Okay lang din si Alonica. Teka... ANONG GINAGAWA MO DITO SA PINAS? DIBA DI NA KAYO DITO NAKATIRA???!" Sigaw niya. Walang kupas yung boses niya.

"Bakit hindi na ba pwedeng bumalik kung saan talaga ako nagmula?" Sagot ko naman.

"Joke lang! Ikaw talaga! Uy kaano-ano mo nga pala yung batang si Drake? Ang cute niya ha! Hindi mo kamukha! Hahaha! Joke lang!" Mapang-asar parin talaga siya, Walang pinagbago..

"Pamangkin ko, Di mo ba narinig na tinawag niya akong tito kanina? Binggi ka parin hanggang ngayon tokneneng hahaha" Pangaasar ko naman.

"Tss! Maiba tayo! Saan ang bahay mo? At saan ka mag aaral?" Tanong niya.

"Ah dun yung bahay namin. Saan ka pala nag-aaral?" Tanong ko sakanya. Pero biglang nagring yung cellphone ko. Si ate tumawag na.

"Kim, I'm sorry we got to go, Drake c'mon, Let's go! Tumawag na ang mommy mo! Mukhang kulang ang 1/2 hours satin para makapagkwentuhan dahil matagal tayong hindi nagkita. Sige bye!" At nagpaalam na nga ako sakanya. Kung alam niya lang kung gaano ko siya namiss at si Nica. 

"Ah sige. Bye! See you when I see you!" Sabi naman niya.

Kimberly's POV

Nagpaalam na agad si Jake. Ang bilis talaga ng oras.

At ng makadating na ako sa bahay ng mga Angeles ay dumiretso ako sa kitchen.

"Hoy! Kimberly, Saan kaba galing? hinahanap ka ni Ma'am Veronica. Napakalayas mo talagang bata ka! Humanda ka sakin pagtapos ko magluto!" Bungad sakin ni mama.

Bakit kaya ako hinahanap ni Tita Veronica? Patay! Baka alam na ni Tita Veronica na hindi naman talaga kinain ni Andrew yung ipis! Patay! Baka galit sakin yun!

*knock*

Kumatok ako sa kwarto ni Tita veronica at pinagbuksan niya naman ako...

"Oh! Hi kim..." Masayang pagbati niya sakin.

"H-hi po! B-bakit niyo po ako pinapatawag may problema po ba?" Medyo kinakabahan ako.

"Ah kasi sa monday kana papasok sa Angeles Academy right? Every student kasi dun ay required na nakauniform and dapat dun sa school ka mismo bibili kaya ako na ang bumili for you! Medyo mahal kasi ang presyo!" Pagkasabi niya nun ay bahagya siyang tumawa. Pero nabunutan ako ng tinik sa dibdib ng hindi naman pala tungkol dun sa pagsakal ko kay Andrew ang paguusapan namin.

"A-ay salamat po. Nag-abala pa po kayo! Pwede naman po na ako nalang ang bumili eh! Pero maraming salamat po talaga dito!" Napakabait talaga ng mama ni Andrew, Ewan ko kung nagmana si Andrew sa papa niya. -.- Mukhang masama ang ugali :3

At agad akong bumalik sa kwarto matapos ang paguusap namin ni Tita veronica. Napansin ko na yung uniform may tag pa ng presyo, Pero laking gulat ko ng makita ko yung price.

4,599 Pessos... O________O

Dang mahal! Grabe, tapos medyo mahal ang sabi ni Tita veronica? Grabe talaga! Napaka mahal!!! X( 

"Grabe!!! Ma! Tignan mo 'to! Ang mahal ng uniform sa Angeles Academy? T^T Paano pa kaya ang mga tinda sa canteen nila? At ang mga books at ang.... LAHAT LAHAT? Kakayanin ba ng pera natin yun? Grabe talaga. GRABE!" OA na sabi ko.

*TOINKS*

"Aray!!! Ang sakit nun mama ha? Kanina ka pa! Bakit niyo po ako binatukan nanaman? T__T Grabe na kayo!" Sabi ko.

"Ang OA kasi. Bakit buong canteen ba ang bibilihin mo at nagaalala ka? Basta tiwala lang okay?" Sabi ni mama.

Minsan iniisip ko na masuwerte ako kahit wala akong tatay basta may nanay akong kasing tatag ng bato, At parang barkada ko lang siya... Pero nasaan kaya ang papa ko?

A/N: OOOKAAY! TANGGAP KO! Ang panget niya :(( Corny po ba? Kwek-kwek,tokneneng and fishball! :3 corny noh? Sorry! Babawi ako sa next chapter promise!!! Please po mag vote kayo!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! Pakiusap? T^T Sorry sa typos.

My Billionaire Boyfriend (UNDER CONSTRUCTION)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!