Jusko, jusko, jusko! Bakit ba kasi ako sumama dito sa lalaking 'to? At anong ginagawa namin sa lugar na to? Ang layo nito sa Village namin ah, at ang panget panget ng suot ko. Baliw kasi 'tong best friend ko, naka-loose shirt ako tapos naka-short then naka-cap. Mukha akong tibo. Fudgeee!

Nakaakbay siya sakin ngayon, at naglalakad kami kung saan-saan. "KC, astig ka pala kapag ganyan suot mo noh?"

KC? KC? KC? Ahh, oo nga pala, tinatawag lang niya akong KC kapag seryoso siya, kapag seryoso yung mga sinasabi niya. Kung cool ako tignan ng ganito para sa kanya, araw-arawin ko na kaya? Joke.

"Ang pangit nga eh. Mukha akong tibo." Sabi ko naman.

"HAHAHAHHAA, Hope you'd get it." Get it? Ang alin? 

Habang nakatingin ako sa malayo, napako yung mata ko dun sa isang babae, isang babaeng parang nakita ko na kani-kanina lang..

Ayoko sanang sabihin kay DJ pero..

Ayun kasi yung gusto niya eh, doon kasi siya masaya.

"Munch oh, look." Tapos tinuro ko yung babae. Yung babaeng pinagseselosan ko.

"Sh*t! Punta ka muna dito sa likod ko, baka makita ka niya eh." Ha? Eh ano naman kung makita niya ko?

"Ayoko nga! Bakit ba?" Iritadong tanong ko.

"Tsh, mamaya isipin niya syota kita eh, dali na, papakilala kita sa kanya, tatawagin ko muna." Aray naman?!

 

 

 

His Blind Heart [KathNiel]Basahin ang storyang ito ng LIBRE!