Hi, I'm Kathryn Chandria Bernardo. He calls me KC/Munch, ewan ko ba dun. Baliw yun eh. Best friends kami since child hood, halos lahat ng secrets ko alam niya. Pero may ka-isa isa akong sikretong hindi niya alam. At yun ay yung....

MAHAL KO SIYA. MAHAL NA MAHAL.

Ahhhh, wait wait, Wait lang, andito na siya.

"Hoy munch! Ano yang tina-type mo?" Sabi niya habang papasok sa kwarto ko, ganito na talaga kami, wala ng paa-paalam pa, pasok kagad, walang pakielamanan eh.

Humiga siya sa kama ko at binato ako ng unan. "Weh, epal mo munch." Oo, munch tawagan namin. Hahahaha, corny nga pumili nyan ng tawagan namin eh. Dati ang gusto pa niya BFF, sabi ko masyadong girly. =))

"Pa-open ng facebook.. Please?" Tsh. Oo na, wag lang siyang magpacute sakin, baka madulas pa ako at masabi kong mahal ko siya eh. JOKE!

Tumango na lang ako at agad agad siyang pumunta sa pwesto ko, tinulak niya ako sa kinauupuan ko at umupo siya dun, ako naman dumiretso na lang sa kama. 

"Epal talaga." Pabulong kong sabi.

Tsh, titignan lang naman yung mga magagandang babaeng nasa fan page. Sus, mas maganda pa ko dun eh. -_- Joke lang ulit.

"Munch, halika dito, bilis." Sabi niya.

"Ayoko nga." Sabi ko naman. At nagtalukbong ako ng unan sa mukha.

"Dali tignan mo to oh."

Pero hindi pa rin ako tumatayo.

"Ahh, ayaw mo ah."

AYOKO TALAGA. Sabi ng isip ko.

Nagulat na lang ako ng may biglang humatak sa paa ko at nakita ko na lang yung sarili kong nakalupasay sa lapag.

His Blind Heart [KathNiel]Basahin ang storyang ito ng LIBRE!